Lumabas ako ng elevator habang binubuntutan parin sya, actually gustong gusto ko nang huminto sa pagsunod sakanya dahil nagmumukha akong ewan dito habang pinagtitinginan ng mga tao at nahihiya nadin ako sakanya...Hindi ko daw kasi sinunod yung isa sa mga rules nya
Pero hindi ko naman alam kung saan ako pupunta at kung magtatanong tanong pa ako ay pihado na malelate ako, mas maganda na rin siguro ito..
Nakailang liko pa kami bago sya huminto sa isang kwarto na nakasara ang pintuan, laking gulat ko nang sipain nya ito at dere derechong pumasok..Sumunod naman ako.
"Mr.Samiente youre 24 minutes late!Saan ka nanaman ba nagpupu-punta kapag nabalitaan ito ng lolo mo ay pi--" napatigil sa pagsasalita ang guro nang makita nya ako .
Lumapit sya sakin at pinakatitigan ako,ganon din sya saakin...Mataray na kilay,maliit na mga mata na nagtatago sa salamin, dapang ilong at manipis na walang kulay na labi at puti na buhok...Matanda na siguro ito..Ito rin siguro si Mrs .Balesteros
"And who are you?" mapanuri ang tingin nya sakin habang nanliliit ang mga mata.
"Coreen po..Coreen Buenav--" pinutol nya ang dapat na sasabihin ko
"Buenavista??aba oo...Ikaw nga ..." humarap sya sa kanyang nga estudyante at mataray na nagsalita.
"Class you have a new classmate...Be nice to her or else" at bumaling naman sya saakin.."Introduce yourself"
"Hi..Im Coreen Eiden Zetchel Buenavista,im from Canada ..Im 16 years old and i hope to be friends with you all" mabait na sabi ko saka ngumiti...Ngumiti naman ang iba ang iba naman ay umirap na puro babae at ang iba ay parang walang pakialam tulad nung DJ
"You may take your sit" sabi ni Mrs.Balesteros at inilibot ko naman ang paningin ko at kamalas malasang ang tanging bakanteng upuan na natira nalang ay ang upuan katabi nung Dj.
Dahan dahan akong naglakad papalapit sa upuan habang nakatingin sa aking bawat hakbang, ayokong magtaas ng tingin dahil ramdam ko ang mainit na titig nya...
Why do he have look at me like that? may mali ba sa suot ko?sa mukha ko? ...Bakit kung makatingin sya ay para nya akong kakainin?
Dahan dahan kong ibinaba ang bag ko at nakayuko na umupo..Nang maka-upo naman na ako ay nagsimula magdadaldala si Mrs.Balesteros sa harap.
Saka naman sakin may kumausap..Babaeng maganda na nasa bandang kanan nung Dj.
"Hi!...Im Bella Melody Laverde,you can call me B or Bell, but i prefer to be called Mel." paglingon ko sa nagsalita ay medyo napahinto ako..Ang ganda ganda nya kasi kahit may suot syang malaking salamin .
Morena, matangos na ilong, mapupulang labi, mapupulang pisngi, makapal na kilay at pilikmata at ang pinakamaganda sakanya ay ang kulay ng kanyang mga mata...Kastanyo...Ang ganda ng pangalan nya bagay sakanya.
"Im Coreen...Coreen Buenavista" inabot ko ang kamay nya na nakalahad sa akin...Ang awkward lang dahil nasa gitna namin si Dj pero mukha naman syang walang paki at mukha namang hindi natatakot sakanya itong Bella...
"Oh..Kaano ano mo si ate Cora Buenavista?" takang tanong nya..Habang nakatingin lang ako sa maganda nyang mata..
Ngayon lang ako nakakita ng ganitong mata sa personal, puro picture kasi ang nakikita ko at talagang gustong gusto ko ng ganitong kulay ng mga mata.. naka contact lense kaya sya? Pero nakasalamin na nga sya tapos mag cocontact lense pa sya?
"Ate ko.." sagot ko saka ngumiti at nanlaki naman ang magagandang mata nya.
"OMG? really? Kaya pala medyo magkahawig kayo tapos magkaapelyido rin kayo"
YOU ARE READING
His Rules (ON-HOLD)
Teen FictionEveryone obeys him... and no one dares to break his rules Until he met me