AN: Hello everyone! This is my first work so I hope you like it! Enjoy! ^_^
"What if I never knew,
what if I never found you,
I never had this feeling
In my heart...
How did this come to be.... "
Wala na bang ibang kantang pwedeng ipatugtog sa radyo kung hindi puro love songs? Nakakarindi na ring pakinggan lalo na't inaraw araw ba namang ganito ang tugtugin tuwing umaga. Sa inis ko pinatay ko na ang tumutugtog na radyo.
"SERAPHINAAAAAA! Ilang beses ba kitang tatawaging bata ka ha?! Aba'y alas siete na di ka parin babangon diyan?! Ano balak mo bang bumangon pag tanghali na?! Pagod na pagod ako dito sa bahay, sa paglilinis, sa pagluluto, pamamalantsya! Bumaba ka na diyan kung hindi walang matitirang pagkain sa'yo! Wag mo akong sisisihin, alam mong malalakas kaming kumain dito, pati ikaw kaya bumaba ka na diyan!"Nanay ko pala. Ang Nanay kong lagi akong pinapakain ng sermon sa umaga.
Eh anong magagawa ko late ako nakatulog kagabi sa panonood ng kdrama. Tinigilan ko lang kasi may tatapusin pa akong revisions ng mga articles ko. I am actually a freelance writer for Mek, one of the best Magazine companies in our country. And if they're one of the best I also want my articles to be one of the best.
Kaya ayan I had to revise it again for the 3rd time. Want to be one of the best, huh. Buti last na 'yon. Ayoko ng paulit-ulit. Nakaka-stress. I know, I am such a perfectionist but only in my articles ah. Sa iba, tamad na ako. Literal.
Oh and Sir Deniel, my editor-in-chief said my articles were so amazing, I'm so kilig.
Imagine our EC told me that. He was the kindest, most handsome, gentleman, smart, I've ever met in my 23 years of existence. I think he is the man any girl could ever ask for. A perfect prince. And I am his princess. Charot HahahaHindi ko naman siya gusto or what I just admire him.
Buti nga hindi niya ako pinagalitan kagabi noong sinabi kong ire-revise ko pa mga articles ko at baka madaling araw ko na ma-email sa kanya. Dapat nga noong isang araw ko pa na-submit eh kaso umiral na naman ang pagka-perfectionist ko at syempre katamaran. Minsan ito talaga ang magpapahamak sakin. Nahihiya na nga ako sa dami ng oras para ayusin 'to pero kanina ko lang talaga natapos.
Oh well, at least tapos na. I am free for the whole week. I love being a freelancer, kinukuha ko lang ang trabahong gusto kong kunin and I don't usually go to the office every day. In short, I am my boss. At yung sahod ko sa Mek, basta. Basta nabubuhay niya naman ang maluho kong mundo. Ganern!"Aba't talagang di ka pa bababa, SERAPHINAAAAAA?!" Mukhang umakyat na sa taas para tawagin ako. Pero sorry ka Mader nasa baba na ako. HAHAHA
Pagpasensyahan niyo na. Umaga kasi, may saltik 'yan pag ganitong oras.
Nung sinara ko ang radyo nagmadali akong pumunta sa CR namin sa baba. Ginising ko lang talaga ang sarili ko dahil nananaginip daw akong umiihi tsaka ang lakas lakas ng tugtog sa baba. Pero ito ang mas matindi love songs pa ang pinatugtog ng magaling at maingay kong Nanay. Diba sino ba naman ang hindi magigising niyan!
"Ano ba 'yan Ma, sabi ko naman sa'yo Phina ang itawag mo sakin. Hindi yung makalumang pangalan na kinuha niyo pa ata sa mga ninuno natin eh."
Hindi naman sa ayaw ko yung pangalan ko no pero hindi ko talaga masikmura pag kinompleto na nila.
YOU ARE READING
Seraphina
RomanceNapakaliit talaga ng mundo kung sino pang iniiwasan mo ay siya pang kusang lalapit sa'yo. "Pwede ba, tantanan mo ako?!" "Nope. It seems like I will be stuck with you till the end of the year." "What?! Kahit ilang segundong magkasama tayo nakakabwis...