Chapter 3 (Scandal)

16 1 0
                                    


"Alam mo 'nak, bagay kayo." Biglang sabi ni Mama habang nagluluto ng dinner namin at ako naman naghihiwa ng pakwan. Pero dahil nga sa hindi ako pwedeng tumayo nakaupo ako habang naghihiwa.

Sa totoo lang ako na ang pinaka masipag samin na magkakapatid. Sa lagay ko masipag na, paano pa kaya ang mga kapatid ko. Alam na.

"Ha? Kanino na naman, Ma?" Medyo gets ko na, pero ayokong mag-aasume.

"Kanino pa ba? Eh di yung, mukhang manliligaw mo?" Naku Mama, as if naman manliligaw ko yon. Pero teka nga as if naman gusto ko siyang maging manliligaw no.

"Pwede ba Ma,  diretsohin mo na nga lang ako. Sino ba yung sinasabi mong manliligaw ko na hindi ko alam?" sabi ko habang kumakain na ng pakwan. Wow tamis naman nito. Mas masarap siguro ito pag na-ref.

"Ikaw, pasekreto ka pa. Yung si Matyas ba yon? Gwapo, anak. Pag nagkatuluyan kayo, sigurado ang ganda ng lahi ng magiging apo ko. Naku excited na ako. Wag mo ng pakawalan ha.." Masayang masayang sabi ni Mama. Mukhang na love at first sight sa akalang manliligaw ko na hindi naman. Asaness.

"Mader,mader, maderrr. I don't know what you're talking about."

"Sus! Tigilan mo nga ako sa pag-e-english mo. Kung hindi mo alam sinasabi ko eh bakit ang sweet niya sa'yo kanina ha?" Mukhang hindi naniniwala 'tong Mama ko. At talagang hindi siya naniniwala sa akin ha? Hindi ba ako kapani-paniwala? Nakakasakit na talaga minsan.

"Alam mo ba Ma, Ngayon lang kami nagkita at nagkakilala ng lalaking 'yon. Therefore, he is not courting me. At ito pa, Ma. Nang dahil sa kanya, baka bigla akong sumikat dahil baka mag-viral ang video naming dalawa."

Mukhang nagulat ang Mama ko. Mukhang naintindahan na sa wakas ang punto ko. Sa wakas. Ayoko ng paulit-ulit eh. Pero noong tinignan ko siya hindi ko alam kung bakit parang naiiyak siya sa tuwa. Ano ba 'tong kabaliwan ng Mama ko, mukhang lumalala na.

Tapos bigla naman itong lumabas ngayon. Paano ang niluluto niya. Pinatay ko agad yung stove, hinanap ko ang saklay ko at sinundan siya sa labas.

"Ma, uy! Anong meron? Bakit ka ba lumabas? Ikaw, Ma ha. Nag-uusap tayo bigla-bigla ka na lang umaalis. Yung niluluto mo nakabukas pa, buti na lang in-off ko na yung stove. Malala ka na talaga, Ma." Hindi naman ganyan si Mama dati. Ganito ba talaga ang nangyayari pag tumatanda na?

Bigla itong lumabas ng gate parang may tinitignan sa tapat.

Sinundan ko kung saan siya tumitingin sa tapat eh di yung bahay ng mokong ang una kong napansin. Bukas pa ang ilaw sa baba. Akala ko natulog ulit. Hindi ba to napagod sa pagbuhat sakin kanina? Kahit alam kong malaki katawan niya, malaki pa rin ako.

Nakatayo parin si Mama doon at tinitignan yung bahay ni Matias. Sa itsura at kilos nito parang may pag-aalinlangan. Parang balak nitong pumunta sa bahay ng lalaki.

Pabalik balik ang lakad nito na parang nag-iisp kung tutuloy ba o hindi.

"Ma, nakakahilo yang ginagawa mo ah. Ano bang meron?"

Hindi man lang niya ako pinansin. Aalis na nga lang ako. Itong si Mama, mukhang wala ng pag-asa.

Tatalikod na sana ako para umalis ng bigla itong naglakad diretso sa bahay ng lalaki.  Eh syempre sa gulat ko hindi ako nakaimik.

Teka nga. Ano bang nangyayari talaga? Medyo slow ako dito mga bes.

What's happening?

Bakit pupunta yung Nanay ko sa bahay ng lalaking yon? Ano naman ang gagawin niya doon?

Tumakbo ako at sinundan si Mama. Ano na namang kabaliwan ito Ma? Napapraning na ako.

Bakit siya pupunta doon?

SeraphinaWhere stories live. Discover now