"Seraphina, may tao sa baba!"
Naalimpungatan ako sa sigaw ni Mama. Masyado talagang consistent ang pagbubunganga ni Mama, hindi manlang um-absent ng isang araw.
"Sino ba'yun, Ma?" Kinukusot ko pa mata ko dahil sobrang hapdi kakaiyak ko kanina sa kakapanood ko ng kdrama. Masyadong masakit nung naghiwalay yung dalawang bida. Di ko talaga kaya mga eksenang ganito.
"Bakit hindi ka bumaba para malaman mo, diba?" Marunong narin mamilosopo tong Nanay ko, saan ba niya natutunan 'to? Kaka-facebook niya to eh. Madali pa naman 'tong ma-impluwensyahan.
"Bakit hindi niyo na lang kasi sabihin diba? May pa-surprise pa kayo."
"Ikaw talagang bata ka, ang dami mong sagot bumaba ka na nga lang diyan."
"Oo na." Napilitan tuloy ako bumaba habang hindi pa ako naghihilamos or what. Sa totoo lang wala naman kaso yun. Kahit madungis ako makikiharap parin ako sa mga bisita. Bakit ba, bahay naman namin 'to bisita lang sila dapat ba ako ang mag-adjust? Hindi diba? I mean i can wear whatever makes me comfortable ang importante nag-bra ako. Gets niyo ko? Okay.
Pagbaba ko nakita ko si Papa sa sofa umiinom ng Barley habang nagbabasa. Teka akala ko ba may bisita ako?
"Pa, asan yung bisita ko sabi ni Mama?"
"Ah si Sir Deniel. Yung boss mo."
Gulat na gulat ako ng binanggit ni Papa si Sir.
"Nasaan siya, Pa?"
"Nasa labas may kausap lang ata, babalik din 'yon. May importante atang.... hoy saan ka pupunta?"
"Mag-aayos lang, Pa!" Tumakbo akong kwarto para mag ayos. Ok I admit hindi ako ganito sa ibang bisita ko pero ibang usapan kasi pag trabaho na involve. Kailangan ng pangmalakasang kagandahan natin mga beshie para naman may work pa tayo. Nang tapos na ang lahat bumaba na ako agad para salubungin si Sir Deniel.
"Sir bakit po kayo naparito?" Syempre gandahan din natin yung ngiti. Wala lang. Si Sir Deniel yan eh.
"Ah.. May kaibigan kasi ako na taga dito kagagaling niya kasing Germany so I've decided to visit him. And I remember you told me you lived here. Kaya binisita narin kita to inform you that you did great again with your articles. If only you become my full-time employee I'm gonna keep you forever."
The sound of his laughter makes me smile even more. Ang gwapo talaga ni Sir. Tsinito ito sobrang at naka-glasses. Siya yung tipong nerd na gwapo."Pinapataba niyo naman ang tenga ko, Sir." Ang hinhin ng tawa natin ah. I'm not me when I'm with him, this sucks! Hindi naman sa awkward ako or uncomfortable ako kay Sir Deniel. But maybe because it involves about my work that I need to act like a professional. Not my true self who's playing around about anything and everything. That's why I'm a freelancer. I'm not gonna always act like this. I'm gonna be how I want to be. Gets? Okay.
"No. I'm serious. Your the best among the rest. If only talaga."
"I'm sorry, Sir. I'm gonna say no again to your offer. I like having the freedom and space that I wanted. If I ever want to try and work for you then, I'll just come straight to you."
YOU ARE READING
Seraphina
RomanceNapakaliit talaga ng mundo kung sino pang iniiwasan mo ay siya pang kusang lalapit sa'yo. "Pwede ba, tantanan mo ako?!" "Nope. It seems like I will be stuck with you till the end of the year." "What?! Kahit ilang segundong magkasama tayo nakakabwis...