Prologue

29 0 0
                                    


Ito ay kwento ng pag-ibig at pangako ng dalawang taong nagmamahalan. Isang relasyon na nabuo dahil sa pag-ibig at pagkaka-unawaan ng bawat isa, relasyon na akala ng karamihan ay iyon na ang para sa kanila.
Relasyon na pinangakoan ng wagas na pagmamahalan ng bawat isa. Pero bakit nga ba minsan sa umpisa lang nararamdaman ang init at pananabik sa isat-isa?
Bakit habang unti-unting tumatagal, unti-unti ring lumalamig ang pagtitinginan? At ang pangako sa isat-isa na wagas na pagmamahalan ay tila unti-unti ring nabubura?
Dahil ba sa oras na hindi maibigay sa panahon na kailangan nila ang isat-isa? O dahil wala ang puso ng bawat isa sa panahon na magkasama? What matters most when it comes to relationship? Oras para sa isat-isa? O ang moment na dapat ay naipadama sa tuwing magkasama kayong dalawa?
Anong silbi nga naman ng mahabang oras kung kahit sa maikling sandali man ay kaya niyong buohin ang habang buhay na ala-ala?

Ito ang kwento ng isang lalaking uhaw sa pagmamahal at attention ng isang taong labis niyang minahal, pero nahanap niya ito sa ibang babae na mahal na mahal siya pero hindi niya naman kayang suklian ang pagmamahal nito sa kanya.

When Feelings Are GoneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon