A Night Of Romance

17 0 0
                                    


Matapos ang klase ay agad siyang nagmadaling umuwi.
Nag text pa siya kay mae pero hindi na ito nag rereply.
Sa isip niya baka pinagalitan na si mae ng kanyang tita at pinagbawalan na mag text sa kanya.
Alalang alala siya ng mga oras na iyon at wala siyang ibang inisip kundi maka uwi agad nang malaman kung ano ang nangyari.
Nag aalala din siya na baka pag uwi niya ay pagalitan din siya ng kanyang ina dahil nalaman nito na nagsinungaling siya.

Nang malapit na siya sa kanila. Napansin niyang tahimik ang kanilang bahay at dalawang bagay lang ang nasa isip niya.
Una, baka kinuha si mae ng kanyang tita. At pangalawa, baka nandoon padin ang kanyang ina sa bahay ng tita ni mae.

Pagbukas niya ng pinto ay agad siyang pumasok at dumiritso sa kwarto upang tingnan kung wala ba si mae doon.
Hindi paman siya nakapag bukas ng pintuan ng kanyang kwarto ay may tumawag sa kanyang pangalan.

"Psssttt... Jeff!" tawag ng kanyang ama na hinihinaan ang kanyang boses upang hindi marinig ni mae.

Nang mga sandaling iyon kasi ay nasa kusina ang kanyang ina at ama, nag uusap habang nag kakape.
Sinadya talaga nilang antayin si jeff upang ito ay kausapin.

Lumapit si jeff saka umupo katabi ng ina habang nasa harap naman ang kanyang ama.

"Ma!, Pa!... Anjan po ba si mae sa loob?" tanong ni jeff sa kanila kahit alam na nitong nasa loob nga. Sa isip niya, gusto lang niyang marinig mismo na galing sa kanila.

"Oo, anjan sa loob, Natutulog na siguro." sagot ng kanyang ina habang ipinaghahain siya nito ng makakain

"Kumain naba siya?"

"Oo, Gusto ka sana niya makasabay kumain pero sabi ko, gabi kana makaka uwi kaya niyaya nalang namin siya kanina na sumabay nalang kumain."

"Mabuti naman po ma!, pa! Kung ganun. Salamat po!." sagot pa ni jeff na nagagalak sa kanyang narinig dahil taliwas ito sa kanyang inaasahan.

"Pero ma! Diba pinuntahan mo ang tita niya? Ano ba sinabi? Nagkausap ba kayo?"

"Oo, kinausap ko siya pero parang wala lang sa kaniya ang paglalayas ni mae. Sabi pa nga niya, naiimpluwensiyahan na raw si mae sa kaka sama nito sa barkada kaya nagiging suwail na sa kanya."

"Sinabi niyo po ba na dito natutulog si mae sa atin?"

"Oo sinabi ko pero sabi niya bahala na daw si mae sa buhay niya. Di na daw niya pakikialaman. Huwag na wag nalang daw bumalik si mae sa kanya dahil malilintikan ito."

"Nagtaka nga ako kung bakit ganun nalang ang galit niya kay mae." Dagdag pa ng ina.
Pero sa isip nito, baka talagang suwail si mae sa tita niya kaya pinalayas ito.

"Okay lang po ba sa inyo na dumito nalang muna siya sa atin?" tanong pa ni jeff sa kanila.

"Okay lang naman sa amin anak! Ang inaalala lang namin ay napaka bata pa ninyo para magsama." sagot ng kanyang ama

Ngunit para sa kanila, wala silang magagawa kundi ang pumayag nalang dahil wala naman silang ibang pagpipilian. Kasi kung pauuwiin nila si mae, ipagtatabuyan lang ito ng kanyang tita.

"Pumapayag kami na dumito muna siya pero anak alalahanin mo napaka bata niyo pa, wag kayong pumasok sa isang sitwasyong mahirap nang kumalas. Naiintindihan mo naman siguro ang ibig kong sabihin anak?" sabi ng kanyang ina.

Naiintindihan ni jeff kung ano ang ibig nitong sabihin ng kanyang ina. Kaya tumango siya para ipakitang naiintindihan niya.

Matapos niyang kumain at makipag usap ay agad siyang naghugas ng kamay at nag hilamos para puntahan si mae sa kwarto.
Pagpasok niya, agad niyang binuksan ang ilaw dahil naka patay ito, at isinara and pinto. Nakita niya si mae na natutulog na suot ang manipis o (see thru) na damit at maikling short na halos kita na ang underwear nito.
Halos dalawang minuto siyang tulala habang itoy pinagmamasdan na natutulog.

When Feelings Are GoneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon