Meet.... Jefferson "jeff" Arceña, 23 years old. Matangkad, Simple and Realistic Guy. Hindi siya yung tipo ng ideal guy na hinahanap ng karamihang babae pero may dating siya na nakaka akit ng babae. Walang abs pero matipuno ang katawan.
Siya yung tipo ng lalaki na very friendly sa kahit kanino.
Mahilig mag comfort ng iba kahit siya mismo may problema. Nag aadvice ng iba kahit mismo sarili niya di niya maturuan.
Siya yung tipo ng tao na very sociable, inuuna ang iba bago ang sarili. Very passionate person sa lahat ng kanyang ginagawa.Way back when he was 16 may nakilala siyang babae, kaibigan ni Wella na friend din niya.
Nung time na yun, nagkasundo si jeff at mga kaibigan niya na mag food trip at pagkatapos ay maligo sa dagat. At dun niya nakilala ang kaibigan ni Wella.(tanghaling tapat)
"Jeff... si wella oh!, may kasama, chixz na chixz tol.." sabi ni Roel na kanyang barkada.
(lumingon si jeff...)
"morina at oo maganda nga" sa isip niya.
Nung palapit na si Wella at ang kasama niya. Tinawag siya ni Roel
"uii Wella! Pakilala mo naman samin yang kasama mo." pangiting sabi ni Roel
"By the way, Jeff! may ipapakilala nga pala ako sayo. Meet my friend "Mae". sabi ni wella
(naka ngiting tinitingnan ni mae si jeff na naka upo habang ina abot ang kanyang kamay kay jeff)
"Hi, Im Jeff! Nice to meet you.." pangiting sabi ni jeff at inabot ang kamay ni mae at nakipag shake hands.
"I'm Elissa Mae Molina, but you can call me " mae" for short" ang pakilala ni mae sa kanya.
"Uii bat si jeff lang? (tumatawa) samantalang ako ang unang tumawag sayo" sabi pa ni Roel kay Wella.
"Ano kaba! halata namang mas bagay sila noh!! sagot pa ni wella na halatang nagseselos dahil may gusto ito kay roel.
Nung araw na iyon, panay palitan ng ngiti ang dalawa. Hindi man sila masinsinang nag uusap pero halata na may namumuong pagtitinginan ang dalawa.
Matapos ang araw na iyon, napapadalas na ang pag punta ni Jeff sa tabing dagat at ganun din naman si Mae. Lagi silang nag kukwentuhan, at napapadalas din ang kanilang bonding kasama ang kanilang mga kaibigan.
Hanggang sa nahulog na nga ang loob ni Jeff kay Mae, siguro dahil napapadalas ang kanilang pag uusap at pagkikita.Lumipas ang ilang linggo mula nung niligawan ni Jeff si Mae ay naging official na sila na nga. Hindi naging madali para sa kanila ang pumasok sa isang relasyon dahil narin sa kanilang edad.
Isang araw nagkita sila doon sa tabing dagat kung saan lagi silang tuma tambay at yun nadin ang kanilang tagpuan tuwing magkikita sila."Jeff, sabi ni tita dun na muna daw ako sa kanila. Siya na daw kasi magpapa-aral sakin kaya pag uwi ko pagtapos ng klase ako ang mag aalaga ng bunso niya." sabi ni mae
"Bakit? Ayaw ka nabang pag-aralin ng papa mo?"
"Simula kasi nung namatay si mama, may ibang babae na si papa. Ako lang kasi nag iisang anak kaya pinabayaan nalang at mas pinili ni papa ang bago niyang pamilya."
"Magkikita paba tayo" malungkot na tanong ni jeff kay mae.
"Oo naman, bibisita ako dito o di kaya bibisitahin kita sa inyo kung gusto mo." sagot ni mae kay jeff para hindi ito malungkot.
Mangiyak ngiyak na tinanggap ni Jeff ang sabi ni Mae, alam niya kasi na bihira na silang magkita pag andun na si mae sa kanyang tita. Pero wala siyang magawa dahil nagaaral padin siya.
Nung umpisa halos dalawang beses na bumibisita ni mae sa kanya, hanggang sa dawang beses o tatlo nalang sa ibang buwan.
Pinipilit ni jeff na panghawakan ang kanilang pangako na walang bibitaw at walang iwanan.
BINABASA MO ANG
When Feelings Are Gone
RomansIto ay storya ng pag-ibig at pangako ng dalawang taong nagmamahalan. Isang relasyon na nabuo dahil sa pag-ibig at pagkaka unawaan. Relasyon na akala ng karamihan ay yun na ang para sa kanila. Relasyon na pinangakoan ng wagas na pagmamahalan ng bawat...