Nararamdaman ni jeff na para bang takbuhan lang siya ni mae kapag may problema ito.
(text message)
"Jeff, pwedi ba tayong magkita?""Ngayon na ba? saan tayo magkikita?"
"Oo, dun nalang sa tabing dagat sa may tagpuan natin."
"Sige! pupunta ako"
At nung nagkita na nga sila ay ikinkwento agad ni mae ang kanyang problema sa kay jeff. Ngunit may nakalimutan siya at ito ang naging dahilan ng hindi nila pagkakaintindihan.
"Sobrang higpit na ni tita sakin, lahat ng galaw ko dapat alam niya. Nasasakal na ako jeff.." sabi ni mae
"Hindi mo manlang ba ako kakamustahin? Lagi ko nalang yang naririnig sayo pero kapag sinabi ko namang pupuntahan kita, ayaw mo naman." pagalit na sagot ni jeff
(unti-unting pumapatak ang luha sa mga mata ni mae)
"Tingnan mo nga ako mae, tapatin mo ako. Ano ba talaga magagawa ko para jan sa problema mo? Kasi ang sakit sakit kasi para sakin na patuloy ko yang naririnig sayo pero wala naman akong magawa dahil lahat ng naiisip kong paraan ay hindi pwedi at ayaw mo."
(pinipigilan ni jeff na umiyak habang nakikipag usap kay mae dahil ayaw niyang makita siya nito)
"Wala... Wala... , wala kang magagawa. Ang kailangan ko lang ay ang taong maiintindihan ako at ikaw yun. Pero parang mali ako sa akala ko sayo jeff." sagot ni mae sa sinabi ni jeff habang umiiyak.
(dahan dahang tumayo si mae sa kina-uupuan katabi ni jeff habang pinupunasan ang mga luha sa kanyang mga mata)
"Uuwi na muna ako! Mag ingat ka at umuwi ka na rin." sabi ni mae
Hinawakan siya ni mae sa kanyang balikat bago ito umalis. At yun na ang huling narinig niya mula kay mae.
Halos mag e isang oras na mula nang umalis si mae pero andun parin si jeff, nagbabaka sakali siya na balikan siya ni mae. Pero hindi na ito bumalik pa kaya matapos ang ilang minuto ay umuwi narin siya.
Labis ang pagsisisi ni jeff kung bakit pa niya nasabi ang bagay na yun kay mae. Sa isip niya, sana pinakinggan nalang niya si mae sa kanyang problema dahil yun ang kailangan nito, isang taong mauunawaan siya, at siya dapat yun dahil siya ang boyfriend nito.
Alam ni jeff na dahil na nangyari ay mas lalo pang mapapalayo ang loob ni mae sa kanya kaya naghanap siya ng paraan para makabawi.
Sakto na malapit na ang birthday ni mae kaya nag isip si jeff ng paraan. At isa sa naisip niyang paraan ay yayain itong lumabas at pagkatapos ay susurpresahin ito pag uwi sa bahay bago ito umuwi sa bahay ng kanyang tita.
Gumawa si jeff ng magagandang decorations sa kanyang kwarto, pinuno niya ng matatamis na candies at chocolates ang kwarto niya. At pagkatapos nga ay kinausap niya si mae sa text message para makapag set ng time kung kailan sila magkikita."Mae... Pwedi ba kitang yayain lumabas sa araw ng birthday mo? Kung ok lang sayo?" sabi niya
"Oo naman, sige."
"Asahan ko yan ha! Anong oras tayo magkikita?"
"Pag out ko sa school kita tayo. Sunduin mo ako ha. Text nalang kita jeff."
At nung araw na ngang yun, excited na si jeff na makita at ma surprisa si mae sa kanyang kaarawan at maka bawi narin sa kanya. Matapos ang lahat ng preparations na ginawa niya, eksaktong mga around 3pm na kaya nag text na siya kay mae para e remind ito sa kanilang meet up.
"Mae.. text mo lang ako kung ok kana para masundo kita."
Hinayaan ni jeff ang kanyang cellphone at patuloy na inaayos ang lahat. Hindi siya mapakali na makita si mae at ma surprise ito sa kanyang ginawa.
Makalipas ang ilang minuto hindi parin nag rereply si mae sa text niya. Sa isip ni jeff, baka may inaasikaso lang sa school kaya busy pa hanggang ngayon.
BINABASA MO ANG
When Feelings Are Gone
RomanceIto ay storya ng pag-ibig at pangako ng dalawang taong nagmamahalan. Isang relasyon na nabuo dahil sa pag-ibig at pagkaka unawaan. Relasyon na akala ng karamihan ay yun na ang para sa kanila. Relasyon na pinangakoan ng wagas na pagmamahalan ng bawat...