Episode 5
“and CUT!!”
Wew! Thank God!
“ok! That’s a wrap everyone! Good job!” bati ng director sa amin.
After 2 months, eto ako nagshu-shooting na ulit para sa new program ko.
And in 2 months, never na ulit kami nagkita.
Busy kasi ang sched namin kaya wala kaming time para magrecord ng another episode.
Napanuod ko na rin yung first episode. Akala ko naman kami lang yung pinair na artista, may other 2 pairs pa pala, hindi ko nga lang sila ganun kakilala.
Anyways, eto ako ngayon, nagaayos na ng gamit sa tent namin. Ready to go home na rin kasi ako.
“miss Shaine, may naghahanap po sa inyo.” Sabi ng P.A. ko na bigla nalang nagappear sa may pintuan.
“huh?sino naman?”
“ako.” Then he entered with a camera man behind him.
Woa, I didn’t expect this.
“ikaw pala.” I gestured him na maupo across me.naupo naman sya.
“kamusta na? it’s been 2 months.” Bati nya sa akin ng may ngiti sa mga labi.
“eto, I’ve been great. Medyo busy din sa promotion ng movie pati narin sa upcoming drama namin. Ikaw? Kamusta ka naman?” tanong ko.
“kararating lang namin from Singapore, eto nga may pasalubong ako sayo.”sabay bukas ng backpack nya, then may nilabas syang box.
“ano naman yan?” pinakitaan ko sya ng excitement, pero sa totoo lang, wala naman talaga akong pakialam.
Binuksan nya yung box only to find out na isang necklace with an S pendant ang nasa loob.
“wow..” kaya ko ring bumili nyan.
“pinagawa ko pa yan dun,” paliwanag nya sa akin, “ang ganda kasi ng design kaya ayun.”
It’s not a simple S..may mga stones na nakalagay sa S nya. kaya siguro mas gumanda yung pendant.
“thank you.” Sabi ko then I took the box and put it to my bag. “so, anong gagawin natin?”
Saka naman may biglang pumasok sa tent, yung PD.
Inabot nya sa amin yung pink na envelop na may logo ng we got married sa likod.
When we opened it..
A married couple should have a home. Go and find what suits your personality.
“woa,.” Napasinghap ako. Bahay agad?
“hm,.ang aga naman yata..bahay agad?haha” sabi naman ni Zean.
So parehas pala kami ng iniisip?
“oo nga eh. Buti nalang pala tapos na yung shooting namin. Free na rin ako.”
“ganun ba? Kung gusto mo, kain nalang muna tayo then pag-usapan nalang natin kung anong gusto natin maging bahay.” Suggest nya.
“hm,,not bad..gutom na rin ako.”
Kinuha ko yung gamit ko then lumabas na rin kami. Nagpaalam na ako kay director then we’re off.
Naglakad lang kami, as usual kasa-kasama namin yung camera. And in fairness, hindi na kami naaawkward sa isa’t isa. Nakakapag-usap na kami ng casual and napapatawa na rin namin yung isa’t isa.