episode 7

39 0 0
                                        

Episode 7

Urgh! Ano bang nangyayari sa akin?! Bakit parang ang gaan-gaan ng pakiramdam ko everytime na kasama ko sya? This is not what I’ve planned! Nakakainis!

I’m in my dressing room, mags-start na ulit kasi kami mag-shooting maya maya. Kaya eto, they’re putting make-up on me.

“miss Shaine?”

“hm?”

“may naghahanap po sa inyo.” Sabi ng isang staff

Uh-oh, baka si Zean!

“sige papasukin mo na lang dito.” Utos ko. Nung bumukas ulit yung pinto, pinilit kong ipakita yung ngiti ko.

“nice, nakangiti nya oh! How strange!”

“psh! Ikaw lang pala Dwayne, anong kaylangan mo?” sabay bura ng ngiting ipapakita ko sana.

“as your manager, syempre kaylangan ko paring tingnan if you’re doing well in your projects no.”

“pero pinabayaan mo ako sa isang show?”. Tinalikuran ko sya, umalis na rin yung nagme-make up sa akin. Kaya kaming dalawa nalang ni Dwayne sa loob ng dressing room.

“hindi naman kita pinabayaan ah! In fact pinapanuod ko kayo every week!”

“so?”

“anong so? Eh nag-click nga kayo! Di ko naman alam na may tinatago palang ka-sweet-an si Zean.”

“please just shut up!”

“ok! Ok! Sabi mo eh!”

Tatahimik din pala.

“miss Shaine, may naghahanap na naman po sa inyo sa labas.”

“wala ako-“

“sige papasukin mo na.” Dwayne interrupted.

Kahit kelan talaga to.

Humarap nalang ulit ako sa salamin at tiningnan yung reflection ko.

“hello Dwayne,”

“oh, ikaw pala Zean.”

Zean?

Bigla kong inayos yung sarili ko.

“akala ko ba sa resto ka nalang mag-aantay?”

“di na, dumiretso na ako dito.”

“ah, I see. Nga pala, Zean, this is Dwayne, my manager. Dwayne, Zean…”

Then nakatingin sila sa akin..

Kaylangan ko pa bang sabihin talaga?

“my husband..”

~~~~

Ngayon ko lang narinig sa kanya yun ah..

Ako? Pinakilala nyang asawa nya??

Pero bakit parang gumaan yung pakiramdam ko..

Aist! Zean! Baliw ka na!

Inaantay ko sya ngayon dito sa may set, nagshu-shooting pa rin sila eh. Napaaga yata ako.

Sakto namang yung scene na naabutan ko, gagawin na raw nila yung kissing scene.

Naman! Sa dinami-dami ba naman ng mapapanuod ko yun pa?

Nung malapit na yung kissing scene..

“direk, excuse muna, punta lang akong restroom.”

Tumango naman yung director.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 19, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

suddenly, we got marriedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon