Episode 6
Nasa office na kami ni gino, yung colleague ko. Buti nga pumayag agad na makipagkita sa akin yun eh.
“so, you’re married na pala.” Sabi nya nung Makita kami.
“oo,” sagot ko.
“hi Shaine, I’m Gino, estate personnel ng villa. So, what can I do for you?”
”uhm, ganto kasi, gusto naming tumingin ng ilang model ng houses nyo dito, ok lang ba?” panimula ni Shaine.
“of course, makakatanggi ba naman ako? Come with me, papakita ko sa inyo yung miniature models, then pag may nagustuhan kayo, we’ll let you see the real house.”
Sumama naman kami, then pinakita nya sa amin yung mga maliliit na models ng bahay.
Magaganda naman yung mga designs. May maliit, may mala-mansion naman.
“hm.. I would like to see this one.” Sabay turo nya sa isang miniature.
Huh? Ganto ang gusto nya?
“sige, so let’s go? Malapit lang yun dito.”
“hey, ok lang ba?” tanong nya sa akin.
“oo naman,”
Pinuntahan namin yung bahay mismo, 2 storey sya, di naman kalakihan ang space pero hindi rin naman masikip. Sa baba, may maliit na sala, then may kusina and comfort room, sa 2nd floor naman may dalawang kwarto na may tig isang banyo. Tapos sa isang kwarto may terrace.
“I like it.” Sabi ni Shaine.
May gulat akong naramdaman, hindi kasi ito ang nakasanayan nyang tirahan eh.
“ikaw, ok lang ba sayo na ito nalang yung kunin natin?” tanong nya.
“oo naman, tsaka medyo konti lang ang nakatira dito kaya ayos lang.”
“so, it’s settled then?” tanong ni Gino.
“oo pare, salamat.”
“sige, maiwan ko muna kayo dito, sa office muna ako,” then umalis na rin sya.
Tiningnan pa namin yung kabuuan ng bahay. Simple lang naman sya, hindi sya yung mala-condo type na bahay. Hindi rin sya pang-apartment type. Yun bang everytime na papasok ka mararamdaman mong you’re at home.
~~~~
I really love this house!
Di ko alam pero parang nung nakita ko yung interior design nya, it’s a WOW.
Siguro, dahil pinangarap kong maging ganito nalang yung bahay ko.
Ayaw naman kasi akong patirahin ng lola ko sa isang bahay. I mean, a real house. Kaya siguro ganto nalang ako ka-excite.
“gusto mo talaga ng gantong bahay?” tanong nya sa akin.
“hmm, yeah. Why?”
“Unusual lang kasi.” Straight nyang sagot.
“bakit naman?”
“wala lang kasi siguro sa appearance mo.”
“ah, I see.”
After naming mag-wander sa buong bahay, we’ve returned sa office nung Gino. Then binayaran na rin namin, since nagkasundo naman na kami, hati kami sa bayad.
Since it’s already 7pm, we’ve decided na mag-ikot-ikot muna sa buong village.
And as usual, nakasunod pa rin yung camera sa amin.
Nung nafi-feel kong medyo awkward na, I started to make a conversation.
“You said free ka tomorrow, right?”
“Oo, bakit?”
“hm, ganto, gusto ko sana kasing mag-shop para sa mga gamit sa bahay, ok lang ba?”
“hindi ba may shooting ka bukas?”
“yeah, after siguro ng shooting, let’s meet na lang sa resto, yung pinagkainan natin kanina.”
“hm..ok sige.”
After that, kung anu-ano na rin yung mga napag-usapan namin.
Napansin ko lang, parang at-ease na yung pakiramdam ko sa kanya. Ayoko mang iadmit pero yun yung nararamdaman ko.
Pero I’ll make sure, I’ll never fall again with this guy.
NEVER.
~~~
PD: Bakit hindi nalang kayo nag-condo or apartment? Why a house and yung pang may kalayuan sa mga work nyo?
Zean: yun kasi yung gusto ni Shaine eh *laughs*. Hindi, joke lang, for me, yun din naman yung gusto ko, yung malayo rin sa main city, para ma-feel ko yung other side ng life? Hm..di ko maexplain eh *laughs*.
Shaine: I really want to live in that kind of place. Kasi nga di ba, puro nalang condo, then minsan sa bahay namin. Basta, gusto ko kasing ma-feel yung ambiance ng place. Nakakarelax.
PD: magaganda ang mga natatanggap nating feedback sa mga viewers, so far, kayong pair ang nangunguna sa mga poll regarding sa mga pair ng show, anong masasabi nyo rito?
Zean: nakakatuwa syempre, hindi namin in-expect na ganun yung magiging feedback sa amin, kaya sa lahat po ng sumusuporta sa amin, maraming salapat po.
Shaine: sa totoo lang, hindi ko sya inexpect. Kasi may mga nababasa ako na negative comments na, masyado daw akong bossy type, yung ganun, then may pagka-social tyoe daw ako. Well, dahil na rin po siguro sa nakasanayan kong routine, kaya sa lahat po, please just understand me. Thank you po!
