episode 3

53 0 0
                                    

Episode 3

“hi miss Shaine.”

“hello miss Shaine.”

Seriously? Kelan ba nila ako titigilan?!

Katatapos lang ng klase ko, I’m a 3rd year high school student here at Elite High. As you can see, I’m the most popular in the campus. Kahit na hindi naman ako social type na estudyante, still kilalang kilala na rin ako. Dahil na rin siguro sa mga connections ko.

Nakakainis lang, ang daming sumusunod sa akin, kkaramihan mga kalalakihan. Yung iba naman, kapag dumadaan ako sa may hallway, kung makatingin naman, kulang nalang matunaw na ako. Well, kasalanan ko bang maging sikat para kainggitan nila? Psh!

Hindi na ako dumaan pa ng locker ko, may kukuha naman ng gamit ko dun eh, instead Dumiretso na ako sa parking lot, I’m sure nag-aantay na dun yung driver ko.

Naglalakad na ako kung saan nakapark yung kotse namin ng may biglang humila sa braso ko, bigla nya akong niyakap sabay takip ng bibig ko.

“hmmp!!” ano ba? Teka sino ba ‘to?

“shh! Ako to! Wag kang maingay!” bulong nya sa akin.

Boses lalaki? Paglingon ko sa kanya.

Nakangiti sya sa akin.

Tinanggal na rin nya yung pagkatakip nya sa bibig ko, pero hindi pa rin nya tinatanggal yung pagkayakap nya.

“sheez! Ano bang ginagawa mo?” tanong ko.

“eh baka tumili ka eh, kaya tinakpan ko yung bibig mo.”

“psh! Alam mo bang muntikan na akong atakihin sayo? Nakakainis ka.”

“di ka kasi nagrereply sa akin eh, kaya pinuntahan nalang kita dito.”

“wala ka bang training ngayon?” humarap na ako sa kanya since nangangawit narin ako sa paglingon.

“wala na..free na ako ngayon..pero bukas maaga na naman kami.”

Kawawa naman pala to..

“edi sana nagpapahinga ka na lang sa dorm nyo, pagod ka na eh.”

“di na, Makita lang kita nawawala na pagod ko.” Sabay grin nya.

I love his grin..  di ko naman alam kung anong ire-react ko sa sinabi nyang yun.

“teka, kikiligin ba ako?” pang-aasar ko.

“kahit kelan talaga ang sama mo,” sabay pout nya.

“ang pangit mong magtampo, tara na nga.” Hinila ko sya papunta sa sasakyan ko, pero pinigilan nya ako.

“san tayo pupunta?”

“magde-date.” Straight kong sagot sa kanya.

”tapos kasama natin yang driver nyo? Wag na dala ko motor ko.”

“eh pano yung driver namin?”

“edi pauwiin mo na.”

“bad influence ka talaga.” Sabi ko.

“mahal mo naman.”

Tama..mahal nga kita.

“ok! Talo na ako.. tara na.” pinuntahan namin yung motor nya. habang naglalakad kami, nagte-text naman ako sa driver ko.

suddenly, we got marriedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon