Hi! Ako nga pala si Marriane Giselle Torres. They call me Maggie for short. 4th Year high school na ako. At ito ang kwento ko~
End of 1st Quarter
Tuesday~ 12:15 pm
Nasa canteen ako, napili ng kakainin. Adobo o Menudo?
"Aray! Bitawan mo nga ako!"
Nagulat ako nang may biglang humila sa akin. Hindi ko siya mamukhaan, basta alam ko na lalake siya.
Naka-bonnet at shades kasi siya.
"Uy! Ano ba! Bitawan mo nga ako!" Sigaw ko habang pinapalo siya.
"Hoy! Tigilan mo nga yan!" Sigaw niya sa'kin. Parang familiar yung boses niya. Siya ba yung taga kabilang section?
"Eh kasi! Bitawan mo nga ako!"
Ang bilis niyang tumakbo. Para nga akong nawawalang bata na biglang hinila ng kidnapper.
Sa wakas tumigil rin siyang tumakbo. Napansin kong napagod din siya. Dinala niya ako sa likod ng pinakamalaking puno sa school garden at sinandal niya ako dun. Walang tao sa school garden. Lunch time kasi, halos lahat sila nasa canteen. Kung wala naman sa canteen, nasa kani-kanilang classroom. Wala naman kasing kakain ng lunch sa school garden. Puro Earthworms at Bubuyog dito, nakaka-walang gana.
Tinanggal ko yung shades niya.
"I-ikaw ba yung taga section B?!"
"Oo ,Maggie. Alam kong masyado pang maaga pero gusto ko sanang aminin sa'yo na.."
"Ano yun Marc?"
"Mahal kita Maggie! At inaasahan kong mamahalin mo rin ako." Wow hah! Ni hindi pa nga tayo ganoon magkakilala, dapat mahal na kita?! Sorry siya! Ansarap sabihin ng sinasabi ko ngayon sa utak. Bakit nga pala hindi ko sinabi? Baka naawa ako.
Nagkatitigan kami. Hinawakan niya yung baba ko. Palapit ng palapit yung mukha namin sa isa't-isa.
Halaa! Bakit ganun?! Kinabahan ako bigla. Automatic na napapapikit ako at napapanguso.
Hindi ko na naramdaman yung mga daliri niya sa baba ko. At pagkamulat ko, Yung tuka ng sisiw ay malapit ng dumikit sa nguso ko. Kaya umiwas ako kaagad. Pagkakita ko, marami pa palang kasama si Marc
"Hahahaha! Pare, ise-send ko 'to sa account mo. Ikaw na bahala kung saan mo gustong i-post. Sa Facebook ba? Instagram? Youtube? o Twitter? Lahat nalang kaya?! Bwahahaha." Sabi nung kasama ni Marc na may hawak na camera. Marami silang nagtatawanan. Dala siguro ni Marc yung buong tropa niya na nag-aaral sa school namin.
Naglalakad na sila pabalik sa loob ng mismong building ng school. Iniwan lang nila ako dito sa likod ng puno na hindi pa rin makapaniwala na nangyari yun. Sa sobrang galit ko, naisipan kong gumanti.
"Hoy! Lagot kayo sa akin!!!" Sigaw ko kaya napatingin sila sa akin.
"Lalong-lalo ka na Marc!" Tumakbo ako papunta kay Marc.
"Waaah! Lumayo ka sa akin! Wag kang lalapit!" Sigaw ni Marc habang nakatakip yung dalawa niyang kamay sa mukha niya.
Tumigil ako sa pagtakbo.
"Hahaha! Takot takot!" Sabi ko sa kanya kaya napamulat siya.
"Bwahaha! Coward ka pala pare eh."
"Anu ba! Tumigil nga kayo!" Sobrang lakas ng pagkakasigaw ni Marc.
"Mr. San Jose!!" Nagulat kaming lahat nung biglang may lumitaw na boses.
"Can't you read the sign?!" Tinuro ni Ms. Alcantara yung 'Please Keep Quiet' sign
BINABASA MO ANG
When I'm with you.
Teen FictionCalculating.. 1.) Maggie + Marc = <3 2.) Maggie + Marc + Kyle = </3 3.) Maggie + Marc + Kyle + Kyneshia ~Teka, ansakit sa ulo. Puro error ang sagot ng calculator. Eto na nga lang. = TROUBLE. ~ibsjyourstruly.