Chapter 6: Give up.

22 1 0
                                    

Bakit kasama niya yung epal na yun?! Kumukulo na yung dugo ko.

Ay teka! Bakit nag-iisip ako ng ganito? Marc, remember, maangas ka, cool, and chill.

Bago ko madaanan sila Kyle at Maggie, nakita ko si Kyneshia.

Lumapit ako sa kaniya at inakbayan siya. Nagulat siya. Dumiretso na lang ako sa paglalakad.

"Aah. Ma-Marc, ba-bak..bakit mo ako inakbayan? At saan tayo pupunta?" Tanong niya. Teka basang-basa siya ng pawis. Teka, ano yung amoy na yun? Ang asim.

Wait lang, siya ba yun?! Grabe! Kababaeng tao! Buti na lang hindi ganiyan si Maggie. Binigyan ko siya ng panyo.

"Oh yan. Punasan mo yang pawis mo." Ang angas ng pagkakasabi ko.

"Sa-salamat." Ipinangpunas na niya. Grabe, naaawa ako sa panyo ko. Hahahaha XD

Nung napadaan na kami kila Kyle, wala man lang reaksiyon 'tong si Maggie. Baka isipin niyo nakatingin talaga ako sa kaniya. Hindi, pasulyap-sulyap lang.

Walang effect.

Aray! Ansakit. Bakit wala man lang siyang reaksyon? Bakit parang wala na talaga? Well, hindi ko naman sinasabing dapat sampalin niya si Kyneshia or magselos siya pero kasi siguro. Siguro, wala naman talaga siyang feelings sa'kin dahil nung una pa lang kami nagkakilala, galit na siya sa'kin. At, ang lakas naman ng loob ko na mag-assume na gusto niya ako. Tigil na 'to. Wala namang naidudulot itong mga pinaggagagawa ko. Kahit mahal ko siya agad. Ayoko na umasa na ganun din yung nararamdaman niya.

Binitawan ko na si Kyneshia. Ibabalik niya sa'kin yung panyo.

"Sa'yo na." Sabi ko sa kanya sabay alis.

Baka mapalabhan ko pa yan. Hahaha XD Kahit siguro milyon-milyon ang gastusin ko, hindi pa rin matanggal ang amoy. Hahaha XD Ansama ko noh?

Kyneshia's Point of View.

"Waaaah! Jeeeeenaaa! Nakita mo ba yun? Nakita mo ba yun?!" Sigaw ko kay Jena habang shini-shake siya.

"Anong nakita?" Aba, talaga 'tong babaeng ito.

"May dalawa ka namang mata diba?!"

"Oo, pero parang dapat dalawang butas ng ilong yung tanungin mo Sha ih. Nagpa-fireworks ka ba?" Inamoy ko yung dalawa kong kili-kili. Aba, honest si girl. Sabay takbo ko sa Girl's CR.

"Hintayin mo naman ako Sha!" Sigaw ni Jena sa'kin.

Girl's CR.

"Naku! Did he smelled my horrible vinegar scent?!" Sabi ko habang naglalagay ng iba't-ibang klaseng cologne at perfume.

"Hay naku. If you're asking my opinion, my answer is supercalifragilisticaxpialidocious as in bonggang-bongga to the highest level mamatay man si baklitang batman.. wait, who are we talking about?" (-_-) Ay grabe na itu. Masyado na malala.

"Eh, sino pa nga ba?"

"Si JB?" Haaayst. Kahit kailan talaga 'toh.

"Eh di si Marc!!"

"Aaah! Oh my girl! If you're asking my opinion, my answer is supercalifragilisticaxpialidocious as in bonggang-bongga to the highest level mamatay man si baklitang batman.. teka, ano nga ulit yung pangalan?" Ay, magpa-schedule kaya ako ng appointment sa 'The Whitney Cloed Hospital for the Mentally-challenged' para sa kaniya. Ansama ko! But it's for her own good.

"Basta. But still, he gave me his handkerchief. Waaah!"

"Ah eh, anong kinalaman niyan sa kalabaw na nakain ng longganisa?"

When I'm with you.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon