Prologue
"Awww" ang sakit ng ulo ko. Nakakahilo, ang hirap tumayo. Iginala ko ang aking paningin sa paligid.
"Huh? Nasan ako?" Nalilito ako. Di ko alam kung nasaan ako. Wala akong maalala tungkol sa sarili ko. Wala. Kahit isa. Ni pangalan ko hindi ko maalala.
Tumayo nako at pinagmasdang muli ang paligid. Medyo madilim. Patay sindi ang mga street lights. Gosh! Horror lang ang peg. Nagsimula na akong maglakad.
LAKAD
LAKAD
Kanina pako naglalakad dito. Ang layo na nga nang nalakad ko. Napabuntong hininga na lang ako. Nakakapagod ah!
Tinuloy ko na lang ulit ang paglalakad kahit nakakaramdam nako ng pagod. Bigla akong nabuhayan ng loob nang may nakita akong mamang paparating. Balak ko siyang tanungin kung anong lugar to. Haiss! Salamat, may mapagtatanungan nako.
"Balot! Balot!" sigaw nung mama na nagbebenta ng balot. "Manong! Wait! Sandali lang po! " ay deadma nya ko. Paymus ka po?! Paymus ka?! Kainis di namamansin eh! Bingi ata tong si manong eh. Hinarang ko siya.
"Manong anong lu-------" napatigil ako dahil sa gulat nang tumagos ako sa mama. Palayo na ang mama habang ako naman ay tulala parin dahil pinoproseso pa ng utak ko ang mga pangyayari. OMG!
"Hindi ito maaari...... Patay na ba ko? Isa nakong multo? " naiiyak kong sabi.
"Sa maniwala ka man o hindi, kailangan mong tanggapin ang sinapit mo. " sabi ng isang tinig sa aking likuran. Hindi ko masyadong maaninag ang kanyang mukha dahil sa patay sindi ang mga streetlights at dahil nanlalabo narin ang aking mata dahil sa luha. Mukhang lalaki siya base sa kanyang boses.
"Sino ka? Anong kailangan mo? "
"Hindi na mahalaga kung sino ako. "
"Multo ka rin ba? "
"Hindi." Sagot niya.
"Eh ano ka? "
"Fallen' angel. "
'Fallen angel? Anong ginagawa niya dito? Anong kailangan niya sa akin?' sabi ko sa isip ko."Ang mundo ngayo'y nanganganib. Ang kadilimay kumikilos na. Kailangan nang makita ang mga tagapagligtas. " sabi niya habang naglalakad sa gitna ng daan. Sumusunod na lang ako sa kanya baka kasi matulungan niya ko at masagot ang mga tanong na bumabagabag sa akin.
"Anong ibig mong sabihin? Alam mo, di talaga kita maintindihan eh! Naguguluhan ako. Anong nanganga-----" pinutol niya ko sa pagsasalita. Abat bastos din to eh! Di pa nga ko tapos magsalita eh!
"Hawakan mo kamay ko. " sabi niya. Abay simpleng chansing rin eh no?! Dahil sa inip ay siya na lang mismo yung humawak sa kamay ko. Bigla na lang akong nakaramdam ng kakaiba. Yun pala nagteleport kami. Kahit papano'y may powers din pala tong lalaking to.
Napunta kami sa isang medyo madilim na lugar. Madaming punong nakapaligid.
"Nakakatakot naman dito. " sabi ko habang dumidikit sa kanya dahil sa nakakapangilabot ang lugar. Isang bahay ang nakaagaw sa aming atensyon. Gumapang sa buo kong katawan ang kilabot nung nakita ko yun."Shit!! Ano yung nasa bubong?! " sabi ko sa kanya. Napakapit ako ng mahigpit sa kanya dahil sa pagkasindak.
"Tiktik" walang emosyong sagot niya. Nakakagulat naman tong lalaking to, kita na nga niya na may tiktik na umaataki wala pa talagang emosyon. Di man lang natakot, ako nga dito eh maiihi na ko sa shorts ko sa sobrang takot.
"Hoy!! Hindi mo ba tutulungan ang mga tao sa loob ng bahay.?! Kakainin na sila ng mga halimaw na yan! " mahinang sabi ko sa kanya para hindi mapansin ng mga tiktik.
"Wala tayong magagawa, tulad mo parang multo na rin ako. Nandito tayo para ipaintindi sayo ang sinabi ko sayo kanina na naguumpisa nang gumalaw ang kadiliman. " sagot niya sakin.
"Ha? Anong wala tayong magagawa?! Diba angel ka? Wala ka nabang powers maliban sa pagteteleport? " hindi siya sumagot. Tsk! Bastos talaga to! Kinakausap hindi naman sumasagot. Hinawakan niya lang ang aking kamay kasabay nun ang pagteleport namin pabalik sa pinanggalingan namin kanina.
"Kawawa naman ang mga tao kanina. Wala man lang tayong nagawa. " malungkot kong sabi.
"Kaya nga andito ako para sabihin sayo na dapat mo nang makita ang mga tagapagligtas. Samahan mo sila. Matutulungan ka nila para malaman mo ang mga bagay tungkol sayong sarili."
"Ha? Paano? "
"Malalaman mo bastat pakiramdaman mo. " sabi niya sabay paglaho.
"Teka saan ko sila makikita?! Hoy! Teka! " Bastos talaga! Hindi pa nga tapos mag usap eh! Bago siya nawala nakita ko ang kanyang mukha. Oh my gosh!! Ang gwapo at ang hot niya! Pero, haisss..... Napabuntong hininga na lang ako.
"Pano ko kaya sila hahanapin? Aish! Bahala na si batman!"
Sinimulan ko na ang paghahanap. Kailangan ko silang mahanap upang mailigtas ang mundo at para matulungan nila akong malaman kung sino talaga ako......
Itutuloy.....
Dont forget to vote and comment guys!! Thanks:)
-BlackHuntre12
YOU ARE READING
I'm a Supernatural Hunter
ParanormalTittle: I'm a Supernatural Hunter Genres:Paranormal/Fantasy/Romance/Comedy Date started:Dec. 3,2018 Date finished:____________ A/N:"read at your own risk na Lang kayo guys... Dito talaga ako stock palagi eh.. hehe.. thanks. " ps:Hindi po horror ito...