Chapter 2

53 4 0
                                    

Asher

Asher's POV


First day of school na. First day ko as college sa sarili naming school which is Phantomhive Academy. Im Asher Dean Phantomhive, 18,anak ng may ari ng school na isa sa pinakapopular na school sa bansa. Gwapo, single, habulin ng chiks at medyo matalino ako.Mahilig pumunta sa mga bar. Kadalasan sa bar nina Gavin ako pumupunta. Si Gavin ay isa sa mga malapit na kaibigan ko. Ang daddy ko ay isang businessman. Wala nakong nanay, matagal na siyang patay. Ni hindi ko nga manlang siya nakilala.

Habang naglalakad ako sa corridor, may nakita akong wallet. Pinulot ko ito. I used my power para makita ang nakaraan ng wallet at para matukoy ko ang may ari nito. Tama kayo, may powers ako. Natuklasan ko ang ganitong kapangyarihan nung bata pa ako.

Flashback....

Naglalakad ako sa park at ten years old pa lang ako nun. Dahil sa napagod nako sa kakalakad, nagpahinga muna ako. Umupo ako sa isang bench. Habang nagpapahinga ako, I saw some visions from the past. Medyo madilim na ang park then  I saw a man and a woman. Mukhang pinagbabantaang patayin ng lalaki ang babae dahil sa tinututukan niya ito ng baril. "Please!! Maawa ka wag mo kong patayin! " sigaw ng babae ngunit hindi nakinig ang  lalaki. Binaril siya  ng lalaki at umalis  na parang walang nangyari. Hanggang dun lang ang nakita kong visions. Tumayo nako at umalis.

End of flashback....

I was traumatized when I saw that visions. Nag patuloy ang mga ganung supernatural powers ko at  nasasanay na rin ako. Nakokontrol ko na nga ang ang powers ko. Nag attempt akong gamitin ang powers ko para makilala ko ang mommy ko ,ngunit sa kasamaang palad nabigo ako dahi walang naiwan na kahit anong gamit  ang mommy ko .

"Hmm...mukang di ko naman kilala tong may ari ng wallet na to. " pero kahit papano'y hindi nasayang ang effort ko dahil nalaman kong babae ang may ari nito. Ibibigay ko na lang muna sa office to at sila na yung bahala kung may maghahanap.

Habang naglalakad ako sa corridor papuntang office, may nagmamadaling babae ang naglalakad. Maganda at simple lang, walang masyadong kolorete sa mukha . At.... Boogsh!! nabangga niya ako. Nalaglag ang mga dala niyang books.

Hindi ko siya tinulungang pulutin ang mga nalaglag na libro niya. Ni sorry wala siyang natanggap galing sakin. Pasensya ,pero di kasi ako gentleman sa mga taong tatanga tanga. Tsk! Tsaka kasalan din naman niya yun. Pinagpatuloy ko na lang ang aking paglalakad.

"Bwisit! Hindi mo man lang bako tutulungan?!"

Napatigil ako sa paglalakad nang marinig ko ang sinabi niya. Abat, sinisira talaga ng babaeng to ang araw ko!!

"What?! Ako pa yung bwisit ha?! Eh ikaw mga tong tatanga tanga kung lumakad! Hindi tumitingin sa dinadaanan!" sigaw ko sa kanya. Hindi na siya sumagot at sa halip ay inirapan niya lang ako. Pinulot niya ang mga  nalaglag niyang libro at umalis.

"Pambihirang babaeng yun ah! Ang lakas ng loob niyang sabihan ako ng ganun! " pabulong kong sabi. Nagpatuloy ako sa paglakad patungong office.

Nag short cut ako papuntang office. Nadaanan ko ang classroom namin. Nakita ko na naman ang pagmumukha ng babaeng yun.

"Ahmm... m-may tinulungan kasi akong a-ale k-kanina. " sabi niya.

"O  -opo. " dugtong ulit niya. Mukhang pinagalitan ata siya ni Prof dahil halatang late siya. Ha! Yan  ang napala mo! Tsk! Tsk! Tsk! Umiiling iling akong dumeretso patungong office.

"Miss, pakitago muna to. Ibigay mo pag may nag hanap pero wag mo ibibigay pag lalaki ang naghanap. " sabi ko sa principal pagkadating ko sa office.Alam ko kasing babae ang may-ari ng wallet. Mukang nawirduhan ata sya sakin. Tumango lang ito matapos kong i abot ang wallet.

I'm a Supernatural HunterWhere stories live. Discover now