Darcy
Darcy's POV
First day of school na. First day ko as college. Ako nga pala si Darcy De Leon. 18, simple, cute and medyo kinulang sa hight. Medyo lang naman. Hehe. Cute pa rin naman ako. Single parin wala pa kasi sa isip ko ang mga love life na yan. Medyo may pagkachildish at palabiro. Masakit magsalita at straight to the point. Hindi kami pinalad sa buhay in short mahirap lang kami. Tindera sa palengke si nanay. Nakakalungkot lang kasi wala na si tatay. Wala na siya simula nung pinanganak nako. Hindi ko alam kung ano ang sanhi ng kanyang pagkamatay. Tinanong ko si nanay pero di niya sinabi sakin sa halip ay umiyak siya. Kaya di ko na siya tinanong simula noon."Ay pwet ng kabayo!"
Dahil sa lutang ako habang naglalakad, nakabangga ko si Ms. Steffie. Take note ha, si Ms. Steffie ang nakabangga ko at siya lang naman ang professor na kinatatakutan ng lahat. Kahit first day ko pa lang dito, kilala ko na si Ms. Steffie dahil sa pagiging strikta niya. Minsan dahil sa pagiging strikta niya, pinagchichismisan na siya ng mga students. Syempre malakas yung radar ko sa chismis kaya updated ako.
Hais, lagot na. Siguradong pagagalitan ako nito. Wala nakong choice kundi gamitin ang alas ko. Tutal wala na mang tao sa corridor dahil maaga pa, ginamit ko ang powers ko which is invisibility. Kita sa mukha ni Ms. Steffie ang pagkagulat sa nangyari. Sigurado siya na may nakabangga siya ngunit wala siyang nakita dahil nga ginamit ko ang powers ko. Hooh! Muntik nayun ah!
Alam ko na naguguluhan kayo kung saan ko nakuha ang ganitong kakayahan pero parehas lang tayo, hindi ko rin alam kung saan ko nakuha ang mala engkanto kong kapangyarihan. Ang alam ko lang ay hindi ako normal na tao pero wag niyong sabihin na abnormal ako ha! Baka mahurt si ako. Char!
Dumiretso nako sa room namin. Pagdating ko doon, kaunti pa lang ang mga estudyante dahil ang aga pa.
Pumili ako ng bakanteng upuan at umupo na muna habang hinihintay ko ang childhood bestfriend ko na si Azelea.
Mabilis akong nabagot sa kakaupo kaya minabuti kong pumunta muna sa canteen.
Bumili ako ng juice at tsaka sandwich. Pagkatapos kong bumili, umalis kaagad ako para magikot muna sa school.
Inuna kong puntahan ang garden. Naglakad ako ng limang minuto at sa wakas narating ko rin ang garden. Wow! Ang ganda dito! Ang daming bulaklak at tsaka puno. Ang tahimik pa. Umupo ako sa isang bench para magpahinga.
"Hmmm... Ang sarap naman dito. Dito na lang siguro kami tatambay ni Azelea mamaya. "
Umalis nako sa garden at tinungo ko naman ang basketball court. Habang naglalakad napansin kong madami-dami na rin pala ang mga estudyante na tumatambay sa gilid ng corridor. Ang daming mga chismosa ang nagkalat including me. Hahaha!
Wala rin akong napala pagdating ko sa court dahil mga students na nagchichismisan lang ang naabutan ko. Minabuti ko na lang na pumunta sa library.
Kakapasok ko pa lang sa library nang mag bell. Tiningnan ko ang cellphone kong mumurahin kung anong oras na. Almost eight na pala at magst-start na ang klase.
Palabas nako ng library nang may napansin akong student na natutulog at take note, naghihilik pa ha.
Syempre mabait lola niyo, kaya ginising ko siya. Dahan dahan ko siyang ginising.
"Kuya gising... Magst-start na ang klase. "
Iniangat niya ang kanyang ulo at...shocks!! Tumutulo yung laway niya. Napangiwi ako. Eeeewww.
"Tumutulo yung laway mo. " sabi ko sabay abot ng tissue sa kanya. Sosyal ko no?! Mahirap lang pero may tissue. Hahaha! Ganon talaga.
"Thanks.. Hehe. " sabi niya sabay punas.
YOU ARE READING
I'm a Supernatural Hunter
ParanormalTittle: I'm a Supernatural Hunter Genres:Paranormal/Fantasy/Romance/Comedy Date started:Dec. 3,2018 Date finished:____________ A/N:"read at your own risk na Lang kayo guys... Dito talaga ako stock palagi eh.. hehe.. thanks. " ps:Hindi po horror ito...