CHAPTER 1

1.8K 39 9
                                    

GABRIEL's POV

*Kring* *Kring*

Nakatulog na ba ako? Bakit parang kanina lang gising pa ako? Nakakainis hindi ko kasi mabitaw bitawan tong cellphone ko eh. Ayan tuloy inumaga na ako matulog.

Teka nung oras na ba? 8 am? Tama lang makakapag handa pa ako para sa simula ng klase ko hnngggg.

Ako si Gabriel Medina, 19 years old. Malapit na birthday ko at huwag niyo ng tanungin. Hindi ako mataray sadyang naiirita lang ako dahil bukod sa kulang tulog ko eh pasukan nanaman. Kung hindi ko lang kasi kinalaban professor ko last sem hindi naman ako lilipat ng school. Buwiset pinagiinitan ako!

At dahil galit na ung prof ko na yun pati mga kaklase ko galit na rin sa akin. Nadadamay daw sila dahil sa akin. Hnngggg?!!!! Ako pa sinisi?? Eh sa pagkakaalala ko lang naman kaya ako nakipag laban sa prof ko dahil pinag tatanggol ko sila dahil sandamakmak na na project binibigay sa amin. Isang buwan pa lang 4 na project na agad. EVERY WEEK IBA IBA!! Kaya ayun nagkagulo umabot kami sa batuhan ng marker. Ang masama tumama sa bibig niya ung marker. Eh dumugo, ayun ako pa mali. Hnnnggg!!!

Ito ako ngayon lipat school. Nagalit pa mama ko sa akin. Bakit daw ba kasi marker pinangbato ko. Sana na lang daw ung cellphone kong Nokia. Edi sana durog durog daw yung letseng mukha ng prof ko na yun na made in china.

Balita ko maganda daw school na papasukan ko ngayon. No choice eh, ayaw ko talaga mag private kahit alam ko na papasa ako. Kasi sa bukod na ang DEMONYO ng ugali ko ay  DEMONYO din tong utak ko. Ultimo nagsusulat pa lang prof ko sa Calculus eh nakataas na kamay ko. One time pinalabas na ako ng prof ko kasi sa tuwing hindi niya ako tinatawag eh sinisigaw ko sagot. BAIT KO NO??!! WALA TO!

Matapos ko magmuni muni at mag ayos ay bumaba na ako upang mag almusal.

"SARAP NAMAN NIYAN!"

"Upo ka na nak at maligo ka na pagkatapos. Mamaya mahuli ka pa" ang maganda kong nanay.

"Si papa?? Sge kakain na" sabi ko at umupo

"As usual pumasok na alam mo namang paborito yun ng boss niya kaya pakitang gilas lagi sa pagpasok"

At nag simula na kaming kumain. Sa totoo lang hindi ko alam kung bakit hindi nagpatuloy mag Culinary Arts mama ko eh ang sarap sarap naman niya mag luto. Ni never nga ako nakatikim ng hindi masarap sa mga niluluto niya eh. Ni ultimo kanin kakaiba rin lasa. Kaya hindi kami mahilig kumain sa mga fast food chain at restaurant eh, kasi luto pa lang ni mama bongga na.

Pagkatapos kong kumain ay umakyat na ako sa taas at naghanda ng mga susuotin. Hindi ako sanay na iba na itsura ng uniform ko. Buti na lang talaga itong pinasukan ko eh pareho ng subject ko sa dati kong school dahil kung hindi mahihirapan pa ako lalo.

Matapos maghanda ay agad agad na akong pumunta sa CR ko. May sarili kasi akong CR sa kuwarto. Pinaglaban ko yun dati kila mama kaya eto pinagawan ako. Hindi naman kalakihan pero masasabi ko na malinis. Ako kasi lagi naglilinis eh so ayun BWAHHAHAHAH.

"LAMIIIIIG!!!" halos mapaos kong sigaw ng dumampi ung nagyeyelong tubig sa katawan ko. Hindi ko talaga alam kung may refrigerator sa loob ng shower na yan eh. Never uminit tubig niya eh.

SABON, SHAMPOO, BANLAW

SABON, SHAMPOO, BANLAW

Ganito talaga ako maligo BWHAHAHA. Halos mapudpod na ung sabon sa katawan ko kakasabon. Para sa akin kasi kulang pa ung isang sabon eh kaya lagi kong inuulit.

Matapos magbihis ay agad agad na akong lumabas sa CR at isinuot ang polo ko na may light blue sa gilid at itim na slacks.

*cough* *cough*

STAY WITH METahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon