Prologue

67 17 8
                                    

PROLOGUE:

Nakangiti ako habang isinisipa ang aking paa sa lupa upang gumalaw ang swing. Alas tres na ng hapon kaya di na masakit ang sikat ng araw. Pinalibot ko ang aking paningin sa boung paligid, maraming mga punong kahoy kaya malamig ang simoy ng hangin. Nakangiting naglalaro ang iba pang mga bata. Ako lang mag-isa dito sa swing, wala naman akong kaibigan kaya ako lang mag-isa.

It feels good to be alone though, nakakapag isip ako ng maayos and I can feel the peace within me.

Nasa ika limang baitang na ako sa elementarya at di ko na mabilang kung pang ilang eskwelahan na itong nilipatan ko. Halas ilang beses sa isang taon akong lumilipat ng school, ganun din nang tinitirhan namin ni mommy. Sabi niya para daw ito sa kaligtasan ko. Wala namang kukuha sakin. Hindi rin naman kami mayaman. Nagtatrabaho si mommy sa call center at sapat ang kinikita niya para sa aming dalawa. Si mommy na lang kasama ko simula nung namatay si daddy.

Isang taon pa lang ako nung namatay siya kaya hindi ko na maalala ang mukha niya, ang boses niya at ang mga yakap niya. Nagtatanong ako kay mommy tungkol sa kaniya, para kahit papaano ay makilala ko siya kahit sa kuwento lang. Every time mommy talked about dad, I can see the longing and sadness in her eyes. She really loves him. Sabi nga ni mommy na ka mukha ko daw si dad.

Sa kanya ko nakuha ang aking mga tsokolateng mata, mahabang pilik mata at matangos na ilong samantalang kay mommy ko naman nakuha ang aking kilay, manipis at mapulang labi, at maputing balat.

I wished he's here. I don't want to see mommy being sad, it hurts me. She said that he loves us, he want us safe. I don't know kung bakit yun palagi ang sinasabi niya. Ligtas mula saan? mula kanino? Hindi ko na lang masyadong iniisip baka iba naman ang ibig sabihin niya dun.

Napabuntong hininga ako at patuloy na isinisipa ang paa. Dito lang kami nagtagal sa lugar na ito. Tahimik at payapa, malayo sa mga lugar na napuntahan namin dati. Maraming magagandang tanawin, at sariwa ang hangin. Parang ayoko na ngang umalis dito eh.

Nang malapit nang lumubog ang araw ay umuwi na ako. Malapit lang naman ang bahay na tinitirhan namin mula sa pinapasukan kong paaralan kaya puwede ko lang lakarin. Habang naglalakad papunta sa bahay ay di ko maiwasang mapangiti, nabanggit kasi sa akin ng adviser ko sa paaralan na may parangal akong matatanggap. Paniguradong matutuwa si mommy pag nalaman niya ito.

Naglaho ang ngiti ko napalitan ito ng pagkunot ng aking noo nang makitang maraming tao sa bahay. Wala namang okasyon kaya bakit sila pupunta. Agad akong napatakbo nang makita ang ambulansya sa gilid at ang nagkukumpulang tao ay nahawi. Pagkarating ko sa pintuan ay nakita ko ang apat na lalaki na buhat buhat ang isang stretcher. May nakahiga rito at nababalot ng dugo ang boung katawan, halos hindi na makilala ang mukha niya dahil sa dugo. Nagsimulang mag bulong-bulungan ang mga tao sa paligid.

Parang biglang gumuho ang mundo ko, nag slow motion ang paligid, ang tanging nakikita  ko lang ay ang taong nakahiga sa stretcher.

Naging mahina ang mga bulungan na parang isa nalang itong echo.

My heart clenched seeing my mom, gasping for air, fighting for her life. I can't move my body, she's just right there pero di ako makalapit.

She's moving her hand and looking for someone in the crowd. I wanted to run to her and hold her hand, I want to tell her that it's going to be okay.

I can't  stand seeing her in that situation. Hindi ko alam kung paano ako nakalapit sa kanya sa kabila ng panghihina ng tuhod ko. I just found myself holding her hand and asking her to fight.

She's all I have, hindi ko kakayanin kung mawawala siya. I'll be nothing.

"M-Mom...Mommy! Gumising ka Mom!" humahagulgol kong pakiusap.

Arena of Death [On-Hold]Where stories live. Discover now