SXOS#2: MASTER

10.5K 44 1
                                    

"M-miss A-alex...a-ano po k-kase...a-ah..."

Inis siyang humarap sa lalaki at sinamaan ito ng tingin. Kanina pa nito sinasabi ang 'Ms. Alex ano po kase' at aabutin na sila ng siyam-siyam hindi pa rin nito nasasabi kung anong gusto nitong sabihin. Hindi naman sa masama ang ugali niya, pero naiinis lang talaga siya sa mga taong walang tiwala sa sarili at mahilig magsayang ng oras. Idagdag pa na marami pa siyang kailangang asikasuhin bilang head ng committee sa intramurals ng paaralan nila. Geez.

I'm a student for freaking sake!

Mas mahirap pa ata ang trabaho niya kaysa sa mga maestro't maestra. She groaned in frustration.

"Spill it. Whatever you want to say, spill it. Dahil sa totoo lang, kanina pa ako nagtitimpi. Marami pa akong aasikasuhin!"

Dala na rin ng frustration at pressure ay nasigawan niya ito. Agad naman siyang bumalik sa katinuan ng makitang nangingilid na ang luha nito. Argh. This is freaking making her insane.

She immediately walked towards the boy and patted his back.

"Hey, I'm sorry okay? Don't cry. Ano ba yung sasabihin mo? Say it to me, and please, do not stutter okay?" Tango lang ang isinagot nito at umayos ng tayo.

"A-ah... pinapasabi po kase ng coach ng basketball team na kulang sila ng isa pang member. Madidisqualify po tayo once na mangyari yun. Kaya kung pwede daw po, humanap kayo ng papalit. Yun lang po."

Thank goodness hindi na ito nautal. Pero napalitan din agad ang mood niya ng maalala ang sinabi nito. Argh. Another work to do! Goodness!

Tinanguan niya ang bata at nauna ng umalis. Inis niyang sinuklay ang mahaba niyang buhok habang nag iisip ng taong papalit sa basketball team. Argh. This is making her really insane. At saan naman siya hahanap ng papalit?

Ano bang tingin ng mga ito sa kanya? Magician? Na kayang magmagic ng taong papalit at lalaban para sa basketball team? Kahit nga 'ata magician ay hindi kayang gawin 'yon.

"Oo nga no'? Sayang hindi nakapaglaro si Master! Ang galing niya pa naman!"

"Oo nga, girl. Tapos kapag tumalon siya para magshoot ng bola, ohmy! Sobrang hot! Kyahhh!"

Tss. Napairap siya sa lakas ng boses ng mga ito. Pero hindi niya na inalintana dahil binigyan naman siya ng mga ito ng idea.

Ang sinasabi ng mga ito ay ang ex basketball player na pinakamagaling sa ICT. Master ang tawag sa kanya dahil siya ang leader ng kilalang grupong sikat na sikat sa school nila. Paano ba namang hindi sisikat ang grupong mala kpop ang dating di ba? Pero umalis din ito sa basketball team dahil pumunta ito sa Korea to move on from his last break up kay Kaye—ang leader ng cheerdance group. She rolled her eyes in annoyance. Paano naman niya kukumbinsihin ang lalaking mas malamig pa sa yelo? Emotionless face, cold voice at dark aura. Hindi niya nga alam kung bakit tinitilian ito ng mga babae. Bawi nga sa itsura bagsak naman sa ugali.

But anyway, she needs to freaking convince him! At sana lang, magtagumpay siya, well as if she had a choice other than that. Pride nang school ang nakataya dito. She let out a deep sigh before she continued walking.

Hindi na siya nag abalang isipin kung nasaan si Kiel. She knows every detail of him like it's the back of her hand. Stalker? You can call her that. Pero masyado siyang maganda para maging stalker lang. So, it's better to call her admirer. From his schedule, address, brand ng shampoo, paboritong pagkain, flavor ng kape, height, birthday, everything.

She never fails to send him love letters and letters for inspiration. Kahit nung nagbreak silang dalawa ni Kaye, nakita niya kung gaano kamiserable si Kiel. Lagi nga siyang ginagabi sa pag uwi dahil sinisigurado niyang nakakuwi ito ng maayos. Madalas kasi itong maglasing bago umalis papuntang Korea. Naubos nga lahat ng panyo niya sa paglalagay nito araw araw sa locker niya. Kiel doesn't knew her and she's contented with that. Basta maayos lang ang binata ayos na sa kanya. Pati letters na nagsasabing kaya niyang lagpasan ang problema na iyon ay hindi siya pumapalya.

One ShotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon