SXOS#10: PADER

2.5K 24 3
                                    

I coughed loudly while taking deep breaths. "Ano ba? Mukha ba 'kong dustpan?! Ba't sa'ken mo tinataboy yang alikabok?!" Inis na singhal ko kay Zen Madrid.

Matangkad, moreno, maganda ang tabas ng panga, makapal ang kilay at pilik mata at may pagkasingkit. Why the hell am I even describing him? Tsk. Bakit ba ako lagi ang trip neto?

"Oops! Sorry. Wala kaseng basurahan, wawalisin ko na lang sana papunta sa PADER." He said and stared at me from head to feet. Ngumisi siya, kaya naman lumabas ang nagkikintaban niyang ngipin. Aba't! I heard some of my male classmates chuckled while watching us two. Isang matalim na tingin ang binigay ko sa kanila kaya naman agad silang natahimik.

"Bastos! Gago!" Inis na sigaw ko sa kanya at ibinato lahat ng mahawakan kong bagay. Ako? Pader? Kingna! Hindi ko iyon matatanggap!

"HAHAHAHAHAHA!"

"Hoy! Nang iinsulto ka ba? Paano mo nasabing pader ako? Nakita mo na ba? Ha?"

Muli siyang ngumisi. Yung ngising nakakainsulto. "Ba't may makikita ba ako diyan?"

Umakyat lahat ng dugo ko sa mukha dahil sa sinabi niya. Buset na lalaking 'to! Napakabastos!

"Woiii ano yan, ha?" Napalingon kami sa may pintuan. There goes my bestfriend, Lyka at nakapamewang na naglakad papunta sa amin. Ngingisi ngisi pa rin ang gago. Konti na lang talaga, babasagin ko na mukha nito eh! Kahit sabihing gwapo pa siya! Napaka sama ng ugali. Tsk.

"Hoy! Roxanne! Magbihis ka na 'don. Malapit nang dumating si Ma'am Silva, aayusan pa kita! Dali na!"

I smirked. May fashion show kase kami at ako ang pinili nilang magmodel ng damit. Model material daw kase ako. Tsk. Kung pwede lang umayaw, eh. Humanda sa'ken yang Zen na yan. Pader pala ha?

Hinila ako ni Lyka papuntang CR at iniabot ang susuotin kong damit. Matapos maisuot ay agad akong nagsalamin. It was an off shoulder, mid rib top, exposing my collar bone and my body line. Panay ang higit ko pababa dahil kitang kita ang tiyan ko. Tinernuhan yon ng hipsters na butas butas. The ripped part are kinda big showing the skin of my legs pati na rin ng binti ko.

Isang malalim na buntung hininga ang pinakawalan ko. Just for this day, Roxanne. Kaya mo 'to.

"Oh my! Ang sexy mo Roxanne!" Pambobola ni Lyka sa akin. Tsk.

"Wala akong piso." Pambabara ko sa kanya. Inirapan niya lang ako at hinila paupo para ayusan. Kung ano anong pinaglalagay niya sa mukha ko at hindi ako interesadong malaman kung ano yon. After a few minutes, ay muli kong tiningnan ang sarili sa salamin. Tama lang ang make up. Just enough to emphasize my features and fierce eyes. Hindi niya na pinakialaman ang buhok kong hanggang itaas ng balikat.

"Sure win na tayo dito! Tara na!" Excited na sabi niya. Tinatamad akong nagpahila sa kanya papuntang classroom. As expected, andoon na si Ma'am Silva at mukhang kami na lang hinihintay.

"Whoa! Sexy!" Sigaw ng isa naming kaklaseng lalaki. Isang irap ang ibinigay ko sa kanya. May ilan pang nagsisipol na hindi ko na lang pinansin. Just this day, pigilan mo. I closed my eyes and took deep breaths. Pagmulat ko, isang pares ng abong mga mata ang sumalubong sa'ken. He's eyes were intense, and his jaws were clenching. Zen. Sumibol ang kaba sa dibdib ko. Why does he look mad? May nangyari ba? Oh well. Baka naman kung ano lang. Nag iwas ako ng tingin.

Agad na sinimulan ang fashion show. Magagaling sila, I'll give them that. Kaya naman kinakabahan akong tumayo ng ako na ang sasalang. My bestfriend is cheering for me. Pero wala ng mas lalakas sa tibok ng puso ko. I held my head up. Chin up Roxanne. Hindi ka alipin para yumuko. I did a fierce pose in front of the judges. Napangisi ako dahil sa ideyang bigla kong naisip. May gagantihan pa pala ako. Pader pala ha.

Rumampa ako papunta sa pwesto niya at sa harapan niya nagpose. Hindi naman nagmukhang sinasadya yon dahil pupuntahan naman talaga dapat yung pwesto niya. I mentally pouted. Hindi naman siya nakaupo dito kanina. I can feel his intense stares at me na para bang ilulubog ako sa lupa ng buhay. Napangisi ako. Ngayon, sino ang pader?

I was about to ramp towards the other side when he grabbed my arms, his jaws still clenching. My heart beats fast as if it is going to go out of my chest. I've never been this scared before. Ayoko sa madilim niyang mukha. I want his irritating look. Not this one.

Walang pasubaling hinubad niya ang suot na polo na nakapagpasinghap sa mga tao sa buong classroom at itinakip sa katawan ko.

"Mga pre, wag kayong tumingin." Inis na sabi niya at humarang pa talaga sa harapan ko. Anong trip ng lalaking to?

"Ano bang ginagawa mo?" Inis na tanong ko sa kanya dahil kahit ang judges ay nagtataka sa mga nangyayari.

"Hindi ko gusto yang suot mo. Masyadong exposed. Kung gusto mong magbalandra ng katawan, siguraduhin mong sa kwarto ko ka pupunta. I don't want anybody staring at you that way. You're mine. At ako lang dapat ang makakakita niyan. Syempre, kapag kasal na tayo." Mahabang litanya niya habang nakatingin sa akin. Nakanganga kaming lahat dahil sa mga sinabi niya.

"A-ano bang p-pinagsasabi mo diyan? Atsaka anong sa kwarto mo ako magbalandra ng katawan?! Eh hindi nga tayo kasal o magboyfriend man lang!" Nauutal na sabi ko habang pinapamulahan ng mukha. He smirked as if enjoying my reaction. Damn you Zen!

Bahagya siyang dumungaw palapit sa akin, our nose almost touching.

"Ganon ba? Tara."

"S-saan naman tayo pupunta?"

"Sa simbahan, magpapakasal na tayo para masolo kita." Masaya niyang saad at hinila ako palabas ng nakanganga. Just what the hell happened?

One ShotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon