They say that shooting stars make wishes come true. That they can turn your greatest fantasies into your most unexpected reality. Kaya heto ako, nag aabang ng bulalakaw. Hoping one day, the man I love can realize my worth. That he can finally see me, as a woman. Pero mukhang ayaw din sakin ng mga bulalakaw. I love my life whoo! Grabe.
Blanko akong tumingin sa bestfriend ko. He's got that lonely eyes again, concealed with his forced smile. His girlfriend is being cold with her, walang oras sa kanya. And here he is, getting upset for an unworthy bitch. Ang tanga tanga mo naman. Andito naman ako e. Ako na lang.
"You know what? Punta na lang tayo sa Valkyrie. Let's get drunk." Sinasabi ko na nga ba e. I know this man too well. I took a deep breath.
"I don't drink."
Bahagya siyang napatawa. "Ah yes. I forgot, my boyish bestfriend has a low alcohol tolerance. Ano nga kasing ginawa mo, last time you get drunk?" He held his chin as if he's thinking something. " Ah yeah. Nagsexy dance ka lang naman sa harap ng isang lalaki. Pfft." Agad siyang humagalpak ng tawa habang pulang pula na ang mukha ko. Kingna. Sa dami ng pwedeng maalala, bat yon pa? Agad ko siyang sinuntok sa balikat.
"Buset ka Xian! Kailangan mo pa talagang ipaalala yon!"
"Ano ba tol? Woiii! Masakit a!"
Agad niyang hinuli ang kamay ko at inakbayan ako palabas. I smiled. Lintik na labi to, naka automatic smile basta kasama ko siya. Kalma heart, bestfriend ka lang. Bestfriend. My smile immediately faded. Buset na utak to, di marunong makisama.
***
"Ang sakit Rose... s-sobra. B-balewala lang a-ako... Samantalang, ang daming nagkakandarapa s-sakin.""Lasing ka na tol. Akin na yan." Pilit kong inagaw ang boteng hawak niya.
"N-no! H-hayaan mo ko. G-gusto k-kong m-mamanhid. Even j-just for this night."
I sighed. Lahat ng tao sa loob ay nagkakasiyahan. But I know, they're all wasted. Messed up.
"B-bakit kaya ganon no?... Kung sino yung totoo, sila pa yung nasasaktan?" Nag angat ako ng tingin sa kanya. Mugto ang mga mata niya kakaiyak. Ang swerte naman ng Jane na yon para iyakan siya ng ganito ni Xian.
"Maybe because you loved the wrong person, tol." Yeah. You loved the wrong person. Ang tanga tanga mo kasi. Eto lang ako oh. I may not be as girly as her, but I can always love you and take care of you more than she does.
He stared at me. His eyes almost closing. Mukhang malakas na ang tama ng alkohol sa katawan niya. Muli siyang tumungga sa bote.
"I-ilang maling tao p-pa ba? B-bago ako makarating s-sa tamang tao?" I was silenced by his sudden question. "You know what? Life sucks. It really does."
"Common, you're really drunk. Let's go home." I managed to take the bottle away from his hands. Inakay ko siya papalabas ng Valkyrie kahit sobrang daming tao. The people are grinding their bodies against each other. Fudge.
Luckily, we managed to get out of the bar, alive. Akay akay ko pa rin si Xian na kung ano ano na ang pinagsasabi.
"Xi? Where's your keys?" Kinapkap ko ang bulsa niya para hanapin ang susi. But sadly, hindi yon ang nakita ko. It was Jane, with some other guy, kissing. Pilit kong kinalma ang sarili ko. Isang sapak lang. Mamaya ka sakin.
I immediately dragged Xian towards his car. He can't see this. He'll get hurt. Pero mukhang mapaglaro talaga ang tadhana. He managed to see it. Tears slowly escaped his eyes. Pakiramdam ko, mas dumoble yung sakit na nararamdaman ko. Seeing him crying makes me wanna kill this bitch, big time.
"JANE!" Nagpumiglas siya sa pagkakahawak ko at pagewang gewang na lumapit kay Jane. Parang binuhusan ng malamig na tubig ang mga itsura nila na parang batang nahuling kumukupit ng pera sa pitaka ng nanay niya. Mabilis na tumakbo papaalis ang lalaki pero agad ko siyang sinalubong ng isang sapak. Agad na pumutok ang labi niya pero sinamaan niya lang ako ng tingin at nagmamadali ding umalis.