"Our paths crossed, and so our eyes." His cold voice echoed in the whole establishment the moment I stepped foot in 7 Eleven. I smiled. Sikat na talaga sila. Especially, him. Kumuha ako ng cup noodles at nilagyan iyon ng mainit na tubig. I kept both of my hands tucked inside my jacket. It's past six o'clock in the morning, iilan lang ang mga tao.
"I know it's you. Baby, you're the love of my life."
I immediately looked for a vacant seat slightly away from the center. Muli akong napangiti. Rios Martin, lead vocalist of Northern Ice. Ito ang pinakasikat na banda ngayon. I opened my phone at agad na bumungad ang picture niya. Of course, I'm his number -1 fan. Mas una pa sa zero at mas una pa sa number one.
I smiled again. Siya lang naman ang nakakapagpangiti sa akin ng ganito. Only him, always him. My wallpaper is a stolen shot when he's in college. Yeah, he's my classmate before. We talked a few times before, but I doubt if he can still remember me. He's very simple back then, when he was still reachable. Pero ngayon, I can only love him from afar, treasuring the small memories we shared kahit sa tingin ng iba, hindi naman iyon makoconsider as one.
"I wish to be with you, every second of my day. I wish to stare at you, I just can't look away."
I love him, eversince. Eversince our eyes met. Eversince our paths crossed. And look at him now, marami nang nagmamahal, humahanga sa kanya. Hindi tulad noon, he's now out my league. So close yet so far. I love him as a man, he loves me as a fan, the usual heart shattering motto of every fangirl.
Kailan kaya ako makakalapit? Matitigan? Yung katulad nung dati. Before, I used to sit beside him in our class. Makipag asaran. Kahit ilang beses lang iyon, I treasured them. At least may pinanghahawakan akong experience kasama siya. And that's considered as a valuable moment for a fangirl like me.
"We may be miles apart, but you're always in my heart."
I opened my facebook account. Maraming notifications as usual but I didn't bother looking at them. I scrolled my newsfeed. Bahagyang napakunot ang noo ko sa nabasang balita.
'Rios Martin and Lei Gonzalez, dating'
Lei Gonzalez? She's an actress at college classmate ko din. I never thought she'll pursue showbiz. I viewed the comments. May iilang naiinis kay Lei. May ibang nagsa sana all, at may ilang gumawa na ng fandom para sa dalawa.
Hindi ko alam kung maiinis ako o maiiyak. Damn. Masakit pa 'to sa break up. I don't know if it's an ordinary feeling for a fangirl. Pero masyado akong apektado. Putek. Iba na ata 'to.
Absentmindedly, I commented.
'Rios Luke Martin! Nakakainis ka! Ano 'to ha? Pakisabi sa lumalandi sa'yo marami akong stocks ng bala. Baka gusto niyang magbaon ako ng ilan sa katawan niya!'
Kinain ko na ang bahagya nang malamig na noodles. Ilang minuto lang, sunud-sunod ang pagtunog ng notification sa phone ko. What the hell?
Puro 'commented on your post' ang nakasulat sa notification. I clicked the notification to view who replied. Muntikan ko nang mailuwa ang kinakain kong noodles nang makita ko kung sino ang nagreply. Damn! It's Rios Martin for freaking sake!
Rios: Baby, I don't cheat. Ikaw lang naman ang mahal ko.
At sa ibaba ang iba pang comments ng mga katulad kong fangirl. Oh my freaking gosh! Pinigilan kong tumili dahil sa sobrang kilig. Damn Rios.
'Really? Then come here, suyuin mo 'ko. Hindi ko 'to mapapalagpas Rios.' I bit my lower lip and replied. Kingna. Mapapa 'I could die in this moment' ata ako dito. I smiled widely. Damn you Rios.
'Wait for me. I'll be there.'
My eyes widened because of his reply. Tsk. I'm sure hindi siya pupunta. Pinapakilig niya lang talaga fangirls niya. Haist. Hopia na naman ako.
"Hi Miss, pwedeng makishare ng table?" Agad akong nag angat ng tingin sa lalaking biglang dumating. He's wearing sunglasses at hood.
He looks like an actor in disguise. "Sure." I replied politely. Nakangiti siyang umupo sa tapat ko at inalis ang suot na shades. My eyes widened when I recognized his face.
"Ryde Miller?!"
"Ssh!"
Agad kong naitikom ang bibig. Oh my gosh. This is one hella lucky day. Una si Rios tapos ngayon si Ryde? Ano namang ginagawa niya dito? Don't tell me- I immediately gazed around para maghanap ng taong katulad niya ang suot. Pero halos maging giraffe na ko sa haba ng leeg, wala pa rin akong makitang Rios. Damn. Umasa na naman ako.
"You're so cute." Natatawa niyang sabi at pinisil ang pisngi ko. Agad na umakyat ang dugo sa mukha ko. Kung wala si Rios, siya siguro ang magiging bias ko sa banda nila. Agad niyang inilapit ang mukha niya sa akin. My eyes widened in shock. Nako, Alyssa. Magpigil ka. Hindi pwede. Rios lang di ba? Rios lang.
Agad kong inilayo ang mukha ko sa kanya pero agad niya rin iyong pinigilan.
"Don't move. Trust me." He said while smiling widely at me. Kahit naguguluhan sa inakto niya ay hinayaan ko na lang. Anong trip neto? Mas lalo pa siyang lumapit sa akin, to the point na malapit na kaming mag nose to nose. Akmang lalayo na ako ulet when I heard someone shouted.
"Shit! Damn you Miller! Ilayo mo yang mukha mo kay Alyssa kung ayaw mong hindi ka na sikatan ng araw!"
Natatawang lumayo si Ryde sa akin. Napatingin ako sa labas, and there goes Rios, in a mini stage, raging in anger at kulang na lang ibaon sa talim ng tingin si Ryde.
Sa sandaling panahon ay marami na siyang nakuhang atensyon kaya naman dagsa ang mga taong nagvivideo sa kanya. My breathing glitched as our eyes met. My heart beats fast sa sobrang kaba at excitement. Tangna Rios. Ikaw lang talaga nakakagawa saken ng ganito.
"Baby, come here! Susuyuin sana kita kaya lang ganito yung makikita ko?!" Parang batang ngumuso siya sa akin.
"Lumabas ka na. Baka mabaliw yang si Martin." Natatawang saad ni Ryde. Kahit naguguluhan sa mga nangyayari, agad akong tumakbo palabas at lumapit sa kanya. Ngunguso nguso pa rin siyang parang bata habang sinusundan ako ng tingin. I stopped in the middle of the stage. Marami na ang nagvivideo. Of course, Rios Martin ba naman eh!
"Ano? Diyan ka na lang? I'm mad Alyssa. Kiss mo 'ko!" He childishly ranted. Umakyat lahat ng dugo ko sa mukha at parang gusto ko na lang magpalamon sa lupa. Jusko Rios!
"Kiss! Kiss! Kiss!" The crowd started chanting. Mas lalo akong pinamulahan ng mukha. Ngingisi ngising tumingin si Rios sa paligid pero nang makitang nakatingin ako sa kanya ay muli siyang ngumuso.
Natatawang lumapit ako sa kanya. "Sige na nga. Pero sa cheeks lang."
"Cheeks lang? Ayoko 'non. I'm mad Alyssa, hindi pwedeng sa cheeks lang."
"Kiss! Kiss! Kiss!"
"Ganon? Oh sige, punta na lang ulit ako kay Ry—
"Fine! Sa cheeks lang! Tsk. Pasalamat ka mahal kita." Inis na saad niya. He's so cute! Natatawang lumapit ako sa kanya at humalik sa pisngi-pero agad din siyang humarap kaya ang ending sa labi din. Tangna Martin!
I immediately blushed because of what he did.
"Ayieeeeee!"
"Sana all!"
"Galawang Rios 101!"
The crowd commented. Ngingisi ngisi siyang bumaling sa akin. Damn you Martin!
"Hindi na 'ko galet. And baby, I don't cheat. Never akong tumingin sa ibang babae. Mula noon, hanggang ngayon, ikaw lang. At mananatiling ikaw." He said smiling and snaked his arms around my waist, kissing my forehead. I grinned widely dahil sa kilig. I'm his fan. A very, special fan. So damn lucky.