"MS. LEE! KAILAN KA BA MATUTUTONG SUMUNOD SA RULES?! IMPROPER UNIFORM, CUTTING CLASSES, AT YANG BUHOK MONG BLONDE! HINDI MO BA ALAM NA BAWAL YAN SA RULES?!"
I flinched on my position hearing the so-called SC President shouted. Again. Argh! Tsk. Improper uniform? Tama naman ang suot ko ah. White long sleeves blouse, nakatupi nga lang hanggang siko at hindi nakabutones ang unang dalawang butones, at three inches below the knee length na palda, maayos naman ang pagkakasuot ko, sapatos ko. Well, high cut na converse nga lang at yung buhok kong blonde, fashion ang tawag do'n. Tss.
"OH ANO? HINDI KA PA BABABA DIYAN?! OH GUSTO MONG AKYATIN KO PA YANG PUNO AT KALADKARIN KA PABABA?" Kalalaking tao daig pa ang babae kakaputak. Eh bakit ba naman kase sa araw araw na pagpasok ko sa school eh ako na lang lagi ang nakita ng mokong na 'to?
Agad naman akong tumalon pababa ng makitang aakyat na siya. Tss. Baka hindi pa niya napapangalahati ang puno malaglag na siya. Lampa pa naman ang isang 'to. Gwapo sana kaya lang lampa at daldalero naman. Hindi ko nga makita yung laging sinasabi ng mga chismoso't chismosa ng school na 'cold at pokerface' na SC President ng school. Tss. Cold at pokerface, daldalero at panira ng pahinga kamo.
"ANO? TO THE DETENTION ROOM! NGAYON NA!" Inis na sabi niya at nauna ng maglakad. Psh. Do I have a choice? I wish.
"Palibhasa kase boring ang buhay. Laging nakabutones hanggang leeg yung polo, daig pa ang mga congressman at senator, tapos laging leather shoes ang suot, ano na lang ipantatakbo nito kapag nagkaroon ng sunog? O lindol? O tsunami? Tapos yung buhok, laging clean cut. Tss. Di man lang pumorma." Inis na litanya ko habang sumusunod sa kanya.
"You saying something?" Tanong nito habang patuloy pa rin ang paglalakad.
"Wala. Sabi ko, gwapo ka sana kaso bingi ka."
"What?"
Tss. Bingi nga.
"Walang ulitan sa binge."
Hindi na siya umimik, I guess nanggagalaiti na siya sa galit. Kung wala lang siguro kami sa ganito kataong lugar, kanina pa ako nito sinigawan at sinermunan. After a couple of minutes ng paglalakad nakarating na kami sa detention room. And before he shout at me again, I immediately went inside. Argh. Another boring hour again!
"What now?" Inis na tanong ko sa kanya. He looked at me with a blank expression. Now he's serious. Kaagad naman akong kinabahan sa itsura niya. Mas gusto ko pa ata yung lagi akong sinisigawan at irritated expression niya kaysa yung ganito. Geez. It's giving me goosebumps.
"Ms. Arhiane Lee, kailan ka ba matututong sumunod ng rules?" Kalmadong saad niya sa malamig na boses. I rolled my eyes. Nawala na yung kabang naramdaman ko kanina. Automatic talagang nawawala ako sa mood ko once na pinag uusapan yang rules na yan.
"Mr. Hunter Saavedra, ano namang mapapala ko sa rules na yan?" I asked in a sarcastic tone mimicking his voice.
Kaagad na nagdilim ang mukha niya at lumapit sa akin.
"Anong mapapala mo? Magiging maayos ang lahat once you follow the rules. Hindi ka masasaktan, once you follow the rules. That's why rules are meant to follow which is hindi mo naman ginagawa!" I can sense anger in his voice at hindi na lang iyon basta inis. But I don't care.
I laughed bitterly. "Talaga? To keep me safe? Para hindi ako masaktan? Pero bakit nasasaktan ako ngayon? Bakit siya hindi tumupad sa rules namin? Sabi mo hindi ako sasaktan ng rules na yan? Well, to tell you Mister, 10 years na akong sinasaktan ng sinasabi mong rules! Masakit! Kase sabi namin walang kalimutan! Pero bakit? Bakit ako na lang yung nakakaalala sa kanya? Bakit siya, parang nakalimutan niya na ako? Now tell me, bakit andami pa ring hindi sumusunod sa batas ng gobyerno? Bakit maraming motorista ang naaksidente? Bakit maraming kalat sa Manila Bay? Bakit maraming nagnanakaw? Bakit maraming pumapatay? It's because the rules you're saying are meant to be broken! Saka mo ako birahan ng rules are meant to keep you safe at hindi ka masaktan na yan once na masabi mo sa aking wala kang nilabag na kahit isang rule sa tanang buhay mo!" Inis ko siyang itinulak at lumabas ng detention room. Pinunasan ko ang mga luhang kanina pa tumutulo habang kausap ko siya. I'm not really good in controlling my emotions. Kaya nga kanina, may nasabi akong hindi dapat sabihin. And that is about me and him.