"Tol, tama nayan.. Kahit magpakamatay kapa dyan, wala na. Kasalanan mo naman kasi eh."
Payo sakin ni Jeff. Ang isa sa mga barkada ko. Nasa bar kami ng mga oras nayon. Shet kase, hiniwalayan ako ng una kong minahal at sineryoso na babae.
"Kinarma ka lang, tol. Akala ko ba nagbagong buhay kana?"
Sabat naman ni Tabachoy na si Nico. Lima kasi kami sa grupo.
"Oo nga. Eh nakita ko kasi sya kasama si Arthur kanina. Di ko maiwasang di masaktan ng sobra. Alam nyo naman ano sya saken 'di ba?!"
"Alam mo ba yung salitang MOVE ON? Naman, tol! Ang daming nagkakandarapa sa'yo! Mas lalo na ngayung tumino kana."
Singit ni Jasper. Ako naman inom lang ng inom habang nasa harapan ko silang apat.
"Tama na nga yan!"
Sabay hablot ni Harry sa bote na tinutungga ko na. Hindi nako nakaimik. Napaduko ako at humikbi.
"Etooo nanaman tayo.."
"Tama na nga yang drama mo, King!"
"Hoy! Hindi kaba nahihiya sa sarili mo! Kilala ka bilang Playboy tapos ngangawa-ngawa ka ngayon? Baka itakwil ka namin nyan!" Sabi ni Nico.
"Oy kapal naman ng mukha mo sya kaya pinakasikat sating lima. Baboy na'to." Depensa sakin ni Jeff.
Wala nakong pakialam o ako ba o sila ba ang sikat. Nakakairita talaga, naiinis ako sa sarili ko.
"Uuii, magsalita ka King. Magtiwala ka lang, makakamove on kadin."
"Wag mo lang syang palaging isipin. Kase lagi mo syang inaalala pag ganun."
"Moving forward na, tol. Makakakita kapa ng mas mahinhin, maganda, mabait at matalino kaysa sa kay Arriane."
Hindi ako nakaimik. Iba kasi si Arriane dela Vega sa lahat ng babaeng nakilala ko. Mahinhin, mabait, matalino at maganda. Hindi sya galawgaw na babae, napakapormal. Kaya ko sya naseryoso. Kaso nga lang, may mga chismis na nakaabot sa kanya na hindi naman totoo. Kaya hiniwalayan nya ko, ang kasalanan ko naman, umiral ang pride ko at hindi ko sya hinabol. Letche kasing pride yan! 7 buwan na nung maghiwalay kame pero eto parin ako, mahal sya. Kaya yung hindi ko na sya hinabol, may pumorma sa kanyang bago, si Arthur Hoon. President ng isang fraternity group dito sa school, halos magkapantay lang kami ng popularity sa school kaya para sakin kayang-kaya kong makipagsabayan sa kanya. Ikaw ba naman palaging ipang-cover at representative ng school.
"Hoy! Imik dyan!" Sabay batok sakin ni Nico.
Tumayo nalang ako. "Tara, umuwi na tayo."
Narinig kong nagbulong-bulungan sila sa likod dahil nauna kong naglakad at pumasok sa kotse. Bahala sila. Nasa kotse na kami nung kanchawan nila ko.
"Nahimasmasan ka sa batok ko?" Sabi ni Nico.
"Asa.." Matipid kong sagot. Dahil ang totoo, napaisip nadin ako. Tama naman sila. Dapat magmove on nako.
"Tara na nga. HB na ang hari." Sabi ni Jasper sabay buckle ng seatbelt. Ang totoo, nagiisip lang ako.
Maya-maya pa, pinaharurot na ni Jeff ang sasakyan nya.
BINABASA MO ANG
King's Last Romance
Teen FictionSi King Veneracion, isang palikerong lalake na nagpasya na magbagong buhay matapos ng isang heartbreak sa dati nyang girlfriend. Hindi na sya babaero, wala narin syang bisyo. Ngayon pa lang sya tumino matapos ang 3 taon sa kolehiyo. Magagawa paba ny...