JESSIE'S POINT OF VIEW
Nasa library ako ng mga oras nayon. Naghahanap kasi ako ng mga reference para sa thesis namin. Ilang minuto pa, nakita ko nayung libro. Lumapit ako para kunin yung libro ng biglang may isang babae na unang humablot. Natulala ako. Napatingin ako dun sa babae habang hawak nya yung libro at yung kamay ko naiwan sa ere na aktong kukunin sana ang libro. Napatingin din sakin yung babae. Maganda sya kaya medyo napatitig ako. Nakadress sya, nakalugay na medyo kulot ang buhok at nakaheels.
"Gagamit karin?", tanong nya sakin.
"Ah, sana..", sagot ko habang binababa ko ang kamay ko.
"Edi share nalang tayo.", nginitian nya ko. Aba, ang bait nya ahh.
"Ah, sure.", alanganin akong ngumiti. Sa dalawang linggo, sya palang ang nagmagandang loob sakin dito sa campus.
***
Nagshare nga kami sa isang libro, ako ang una nyang tinatanong kung anong topic daw ang hahanapin ko. Napakabait nya, pakiramdam ko anghel sya. Sa ganda nya at bait, napakaswerte ng magiging boyfriend nya.
"Teka, transferee ka diba?", tanong nya habang binubuksan amg aklat.
"Ah, oo.", matipid kong sabi. Nahihiya pa kasi ako.
"Sang school ka galing?" , simula noon nagusap na kami na hindi related dun sa libro. Isang oras na ang nakalipas at nagtatawanan na kami habang naguusap, nagsimula na kasi kami magkwentuhan ng tungkol sa mga bagay-bagay.
"Alam mo kanina pa tayo naguusap pero hindi parin kita kilala. Anong name mo?", tanong nya habang nakangiti.
"Jessie Lacierna. Ikaw?", nakatawa ko ring tanong. Napakabait nya talaga, komportable ako sa kanya.
"Arriane Dela Vega. Nice meeting you, Jessie. Enjoy ka kasama!", tawa nya nanaman.
"Hindi noh, ikaw nga tong joke ng joke eh."
"Teka teka, balik tayo sa C.R. tapos alam mo ba..", hindi pa sya nakakatapos magsalita eh tumatawa na sya. Pati ako natatawa kahit hindi ko pa alam anung kaduktong nung sinabi nya.
"Ano! Pati ako natatawa sayo eh! Ikwento mo muna kaya bago ka tumawa.", natatawa kong sabi.
"Eh kasi - !"
"PSSSSSSSST!", hala. sinutsutan na kami ng librarian.
Nagtinginan nalang kami ni Arriane at binuksan ang mga libro na dala namin, "Tara na nga!", patawa at pabulong nyang sabi habang nakayuko kami at binubuksan ang mga libro.
KING’S POINT OF VIEW
Naglalakad ako sa hallway tapat ng library habang hawak ang isang libro. Magbabalik na kasi ako ng libro sa library. Pagkapasok ko sa library, accidentally, nakita ko si Arriane at Jessie sa isang desk medyo malayo sa counter kung saan magbabalik at manghihiram ng libro. Nagtatawanan sila, yung hagikgik na walang tunog. Para siguro hindi sila masita ng librarian. Nasa counter na ako at aktong isasauli na ang libro nang tumingin ang librarian sa kanila at inispecial mention sa whole library center.
“Lacierna and Dela Vega..”, sabi ng librarian sa microphone na may boses na tila nananaway. Napatingin si Arriane at Jessie sa librarian, kaya nakita nila kong dalawa.
Tumigil nanaman ang mundo ko. Napansin kong inirapan ako ni Jessie pero tutok na tutok ako kay Arriane. Nagkatitigan kaming dalawa, sa sandaling pagkakataon. Sa ulit na pagkakataon, tinitigan ko syang maigi. Hindi ko mapigilan na hindi tumibok ang puso ko habang tinititigan sya. Mahal ko parin si Arriane.
BINABASA MO ANG
King's Last Romance
Подростковая литератураSi King Veneracion, isang palikerong lalake na nagpasya na magbagong buhay matapos ng isang heartbreak sa dati nyang girlfriend. Hindi na sya babaero, wala narin syang bisyo. Ngayon pa lang sya tumino matapos ang 3 taon sa kolehiyo. Magagawa paba ny...