I.

38 0 0
                                    

KING'S POINT OF VIEW

Nakita ko nanaman sya sa hallway, si Arriane. Nakatitig ako sa kanya habang kasama nya ang mga kaibigan nya at nagtatawanan sila nang hindi sinasadya, natitigan nya rin ako. Hindi ako makagalaw. Kaso yung ngiti nya habang nakatingin sakin unti-unting nawawala. Ano bang ginawa kong masama? Bakit mo ko inaakusahan agad? Nagbago nako, Arriane!

Nang biglang..

"Aray!"

"Aaaw!" May parang tumulak sa likod kaya tumalikod ako. Pagkakita ko, natulala ako. Kakaiba kasi suot nung babaeng bumundol galing sa likod ko. Nakapalda at blouse tapos yung buhok ayos na ayos. Magsisimba ba'to? Inalog ko nalang ang ulo ko at tinulungan ko sya sa mga dala nya dahil nalaglag.

"Sorry kuya, medyo naggigitgitan kasi sa likod mo. Nakahinto ka kasi sa gitna ng hallway hindi makadaan yung mga estudyante." Sabay kuha nya sa ibang mga libro.

"Ahh ganun ba. Sige pasensya na." Nang mabigay ko ang huling libro, nakita ko ang mukha nya.

"Sige salamat!" Nginitian nya ko tapos nagtatakbo na sya papunta sa loob ng campus.

"Ang ganda nun ah." Napatitig ako sa babae habang palayo.

Si Arriane! Hinanap ulit sya ng mga mata ko. Pero wala na sya. Talaga naman ooh. Tsk. Pumunta nalang ako sa room ko.

***

Sa room, nagchecheck ako ng cellphone ko. Tadtad ako ng text ng mga kaibigan ko. Pati babae.

From Jeff: Tol, okay kana? Wala kang imik kagabi eh.

From Nico: Uy King! Umayos kana ha!

The rest, puro na sa mga babae. Nadukdok nanaman ako sa desk. Ang hirap naman nito oh. Nang may biglang mga nalaglag na libro sa gilid ko. Napatingin ako. Teka, sya nanaman??

"Sorry.. Sorry.." Sabi nung babaeng magsisimba sa mga kaklase ko. Tinutukan ko ang mga kaklase ko at napansin kong nagbulung-bulungan sila. Chismis nanaman. Tapos, tinignan ko ulit yung babae. Sang lupalop kaya 'to galing, hindi naman din sya conservative eh noh. Nalaglag nanaman ang mga libro. Transferee siguro. Hay bahala sya, dumukdok ulit ako.

Maya-maya pa, dumating na ang professor namin. Tama nga hinala ko, transferee sya.

"Hello, I'm Jessie Lacierna. 19 years of age. Single ..."

Etc. Etc. Hindi ko na naintindihan, nakatingin lang palagi ako glass window kung saan nakikita ang buong view ng school. Hanggang sa matapos si Jessie eh, wala akong naintindihan.

Pagkatapos ng introduction nya, nagsimula na ang klase. Unang araw palang nya sa klase pero nagpapakitang gilas nayung Jessie, 2nd term na kasi kami ngayon. Matalino, nakikipagsabayan naman sa kanya ibang honor students. Ako naman tulala. Nakatingin ako sa professor pero lumilipad isip ko.

"Right, Veneracion?" Biglang tanong ni prof sakin.

"Hm?" Nagulat kasi ako. Kasi nga diba, nakatingin lang ako sa professor pero lipad utak ko. Nahalata na ata ako. Napatingin lahat sakin.

"I'm sorry, what was that again?" Sagot ko.

"Lacierna please tabi kayo ni Veneracion. Your not paying attention, Veneracion."

At pinagtabi pa kame. Nakita kong nagdadalawang isip na umalis si Jessie sa kinauupuan nya. Talaga ayaw nyang tumabi sakin?

"Sige na Miss Lacierna."

Tumayo na nga sya at kinuha ang mga libro nya. Magkatabi na kame. Napansin kong salubong ang kilay nya habang nasa gilid ko sya.

"Makinig ka kase." Bulong nya.

Galit sya? "Ayaw mo kong makatabe?"

"Nasa pinakadulo ka kaya, nakakapakinig kaba dito ng matino?"

Aba! Galit nga sya!

"Hoy ah, magsabi ka lang sa prof kung ayaw mo kong katabe."

"Wag na. Basta makinig ka nalang." Sabay pangalumbaba nya. Ayos tong babaeng magsisimba na'to ah. Lakas ng loob awayin ako. Bahala ka nga. Napabuntong hininga lang ako.

***

Break for 1HR. Nasa cafeteria kame ng mga barkada ko.

"Oh tapos? Dapat sinampolan mo tol. Haha!" Sabi ni Jasper.

"Loko, sampolan eh babae." Sagot ko.

"Yun bayung maganda? Na transferee?" Singit ni Harry. Natulala kame saglit nun ah.

"Type mo? Binata  kana nyan Harry boy!" Kanchaw ni Nico at nagtawanan naman kaming tatlo.

"Oo maganda." Napanganga nadin tuloy si Jeff, Jasper at Nico sa sinabi ko.

"Pakita nyo nga yan!"

"Makabisita nga sa room nyo 'tol."

Sabat ni Jasper at Jeff.

"Sige, basta sya yung babaeng katabi ko." Sabay kindat sa kanilang apat at galak na galak sila. Nagkakatuwa na sana kami nang..

Nahagilap ng mata ko si Arriane. Kasama nya ang boyfriend nya ngayon. Ang sakit..

"Tol.." Hindi ko alam tinatawag na pala ko ni Harry. Basta nakatitig lang ako kay Arriane.

"King!" Sinapok nanaman ni Nico ang ulo ko!

"ARAAAY! Strike two kana ha!"  Pagalit kong sabe. Nakakaasar eh!

"Panong 'di ka babatukan eh wala ka nanaman sa katinuan mo!" Giit ni Nico habang may nginunguya na burger sa bibig nya.

"Umayos kana, King.. Mukha kang tanga eh." Dagdag ni Jeff.

"Salamat sa batok at sa salitang tanga ah." Papilosopong sagot ko habang hawak ang ulo ko dahil sinapok ni Nico.

"You're welcome!" Gatong ni Jeff.

"Pero 'di nga tol. Tama na siguro yung 7 buwan." Sabi ni Jasper habang tinatapik-tapik ang balikat ko. Habang sinasabi nila yon, napatingin ako kila Arriane at Arthur. Ang saya na nila. Hindi na nga siguro nya ko naaalala. Tama na King.. Makakakita kapa ng iba.

"For sure yan, tol. May papalit at papalit dyan." sabi ni Jasper.

"Malay mo dumaan ngayon dyan sa'yo." At nagtawanan sila. Ako naman nakatingin lang kila Arriane.

Teka, sya nanaman?! Ano ba 'tong babaeng 'to? Habang nakatitig kasi ako kila Arriane, nakita ko nanaman si Manang Jessie na dumaan sa harap nila. Hindi ko alam kung sinasadya nya o talagang lagi ko syang nakikita? Kinalabit ko kagad ang mga barkada ko.

"Ayun oh.." Sabi ko.

At tinutukan nilang maigi si Jessie, "Oo nga. Maganda nga, tol."

"Pormahan nyo na." Nakangiti kong sabi.

"Sige, sige. Ganito nalang. Ligawan nating lima tapos - "

"Ayokong sumali dyan oy." Sabat ko bigla kay Nico.

"Edi sige bahala ka? Tapos kung sino sagutin sa kanya nayan. Diba? Haha!" Tsaka sila nagtawanan ulit. Nga naman. Walang magawa sa buhay 'tong mga 'to. Napatingin naman ako dun sa Jessie, coincidence lang siguro to. 

King's Last RomanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon