“Anak, King!”
Sigaw ng lola ni King. Nasa kwarto na kasi si King at matutulog na sana galing school. Nakalimutan nyang may bisita pala ang lola nya ngayong gabi. Nakahiga na si King at aktong matutulog ng walang kain, punas at bihis. NagP.E. kasi sila. Kinatok nalang ng lola ni King ang pintuan nya. Walang sumasagot.
“King anak. Magbihis kana ha, may bisita tayo.”, habang kumakatok ang lola nya sa pintuan ng kwarto nya. Walang sagot.
“King!”, malakas na sigaw ng lola nya at kumakalabog na ang pintuan nya. Nagising si King at medyo naiiritang sumagot.
“Opoooo!”, sigaw nya sabay gulo ng buhok nya at tabon ng unan sa ibabaw ng ulo nya. Nakadapa kasi sya.
“Si lola naman eeeh. Hays!”, iritang sinabi ni King sa sarili nya.
-------
JESSIE’S POINT OF VIEW
Nakakatamad na eh. Nakapangalumbaba ako sa bintana ng sasakyan namin. Bakit kaylangan buong pamilya sumama. Kung hindi lang kasama yung iba kong mga kamag-anak na matagal ko nang hindi nakikita baka hindi ako sumama. Hindi ko nga sila kilala tapos best best friend daw ang pamilya namin. Ah okay?
“Nandito na tayo!”, sigaw ni Tita sakin. Tinatamad pakong bumaba pero..
Pagkababa ko..
“Ate Jessieeeeeeeeeeeeee!”
“Ate Jess!”
“Ate Jessie!”
Mga pinsan kong bulinggit! Eeeh! Biglang sumaya yung malungkot kong mukha! As in, ngiting aso ako! Pagkababa ko sinalubong nila agad ako.
“Kumusta na kayo?!”, nakangisi kong tanong sa mga pinsan kong maliliit.
“Uyy, Jessie. Kumusta na?”, tanong ng isa kong pinsan na mas matanda sakin.
Malaking pamilya kasi kami. Ang lola ko, may apat na anak. Pangalawa ang mama ko at yung bunso na anak ng lola ko, maraming anak, kaya lumobo kami.
“Jessie apo, kumusta ang pag-aaral mo?”, tanong ng lola ko sakin. Nagmano ako pagkakita ko sa kanya at yumakap.
“Ayos lang po, la.”, sabay ngiti ko.
”Mamaya na kayo magkumustahan kapag nakapasok na tayo sa loob, si Tita Inday naman talaga pinunta natin diba? Mamaya nayan!”, sigaw ng isang Tito ko. Kaya naman naglakad na kami papasok. Magchecheck sana ako ng inbox ko sa cellphone, kinapa-kapa ko ang mga buksa ko. Hala, parang naiwan ko sa kotse.
”Hala! Nawawala cellphone ko.. ”, kinakabahan kong sabi.
”Sus, naiwan lang yan sa kotse. Check mo. Sunod ka nalang after. ”, sabi ng Tita ko. Kaya naman bumalik ako sa kotse at hinanap ang cellphone ko.
Agad kong binuksan ang kotse at kinapa-kapa sa couch, sa ilalim ng upuan, ”Asan naba yun?! Baka nagtext na si Prince Charming dun!”, oo. Si Arthur, kahit alam kong sa panaginip lang mangyayari yun.
Maya-maya pa.. ”Haaay salamat!”, sabay kuha ko sa cellphone sa ilalim ng inupuan ko. Agad kong chineck ang inbox ko at..
”Okay. ”, disappointed. Wala eh! Padabog akong lumabas sa kotse at nagtatantrums na naglalakad habang nakayuko papasok sa bahay nung Tita Inday ng mga tita at tito ko. Malamang, nag eexpect ako eh. Well, kontiii lang naman. Nang biglang..
BINABASA MO ANG
King's Last Romance
Teen FictionSi King Veneracion, isang palikerong lalake na nagpasya na magbagong buhay matapos ng isang heartbreak sa dati nyang girlfriend. Hindi na sya babaero, wala narin syang bisyo. Ngayon pa lang sya tumino matapos ang 3 taon sa kolehiyo. Magagawa paba ny...