VI.

29 0 0
                                    

Bbbbbbb!!”, nabuga ni Jessie ang wine na iniinom nya. ”Hoy totoo ka! Eh may boyfriend yun ah!”,halos lumuwa ang mata nya.

Kung asawa nga naagaw, syota pa kaya. Kilala mo boyfriend nya?”

Oy ang sama mo ah. Tsaka hindi ko kilala boyfriend nya. Tsaka bakit ko naman kikilalanin kung sino yun.“, pagtataray ni Jessie.

Si Arthur.“, biglang singit ni King.

SI ARTHUR???!!!“, sigaw nya.

Hinaan mo nga boses mo. Oo, si Arthur.“

Aaayyy! Taken na pala si Prince Charming!“, malungkot na sabi ni Jessie.

Prince Charming, Prince Charming, hindi kana bata oy. So ano, game ka sa plano ko?”

Alam mo bang masama yan? Wag mo nga akong isali sa gimik mo.”

Mapapasakin si Arriane at mapapasayo si Arthur.”, tukso ni King kay Jessie.

Diba sya ang Prince Charming mo?”, dagdag pa ni King. Hindi nakaimik si Jessie, dahil akala nya si Arthur na talaga ang lalakeng nakatadhana sa kanya. Napaisip si Jessie.. Maya-maya pa’y napatingin si Jessie kay King.

Diba si Prince Charming dapat kusa dumadating?”, malungkot na tanong ni Jessie kay King.

Nagkatutukan ang dalawa. Matagal bago nakaimik si King, naramdaman nadin nya ang lungkot ni Jessie.

Naniniwala ka talaga sa kanya noh?”, sabi ni binata sa dalagang nangungulila sa lalakeng nakatadhana sa kanya, ang prince charming nya.

Pakiramdam ko kasi, aagawin ko sya pagganun.. ”, malungkot na tumingin ang dalaga sa lupa.

KING’S POINT OF VIEW

Akala talaga nya totoo si Prince Charming? Etong babaeng napakasuplada eh naniniwala kay Prince Charming? Kalokohan.. Suplada nga sya, pero may soft side din pala sya. Akala mo palaban, may kahinaan din pala. Pero, nararamdaman ko yung lungkot nya. Para syang tuta na nabasa sa ulan at iniwan ng amo. Pero hindi nito mahahadlangan ang plano ko, desperado akong makuha si Arriane, kaya ipagtutulakan ko sya kay Arthur. NO MATTER WHAT.

Alam mo, wala nang ganyan sa mundo. Kung gusto mo makuha si Prince Charming mula sa Evil Witch dapat agawin mo sya.”, diin ko.

Diba dapat ako yung isasave nung Prince sa Evil Witch? Bakit nabaliktad?”, alma ng dalaga.

Suplada nga at matalino, pero may pagkatanga pala. Tsk, tsk! Kawawa ‘to.

Eh bakit ba ang dami mong tanong? Ako mas expert sa’yo. Kaya sundin mo payo ko. Ano na? Deal or No Deal?”

Agad-agad sasagot ako? Grabe ka naman…”

Oo! Ngayon na!”

Tsk! Mag-iisip pa’ko.”

Ano? Gusto mo bang mapasayo si Prince Charming o hinde?”

Tinutukan ni Jessie si King.

Sigurado ka dyan sa plano mo ha!”

Ano na??! ”

OO NA! ARG!”, napasigaw si Jessie at napatayo sa swing.

YESSS!”, sigaw ko sabay tayo sa swing.

King's Last RomanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon