II.

23 0 0
                                    

KING'S POINT OF VIEW

Naku po. Wala pa pala kong assignment sa Psychology. Tsk! Tumingin-tingin ako sa paligid. Pati 'tong katabi ko. Nadukdok sya sa desk nya.

"Uy, may assignment ka?" Sabay kalabit ko sa kanya. Lumingon sya saken.

"Saan? Psycho?"

"Oo."

"Baket?"

Nagulat ako dahil bigla syang sumabat. "A-ano.. Wala!"

Alma ko na tila may assignment ako. Eeh, kaasar umasta 'tong babaeng to.

"Ah, akala ko wala kang assignment." Sabay dukdok nanaman sa desk nya. Aba! Bakit ganito 'tong babaeng to, napaka-sarcastic? Hindi ko nalang inimik. Mabuti nalang may fangirl ako dito sa room at dumaan sya gilid ko.

"Ano.. Pssst!"

Lumingon naman siya. Eh, hindi ko kilala eh.

"Yes, King?!" Patakbo syang palapit sakin. Napakurap naman ng ilang beses ang mata ko, nakakagulat reaction nya. Halatang may gusto sakin.

"Ah.. May assignment ka sa Psychology?"

"Psycho? Ah, oo!" Sabi nya habang todo ngiti sa harap ko.

"Pwede pahiram? Nakalimutan ko kasi - "

"Ah oo! Sure! Sure! Wait lang ha!" Sabay tatakbo nya sa desk nya. Aba, hindi pa nga ako nakakatapos eh. Napatingin naman ako ng 'di sinasadya kay Jessie, napahinto ako. Nakatingin sya sakin eh.

"Ikaw ahh.. Kaya pala nagtatanong ka ng notes saken.." Sabi nya habang nakatukod ang baba nya sa desk.

"Eh bakit - "

"King! Eto na oh." Pagsasalitaan ko sana si Jessie kung bakit ba sya nanamakialam kung manghiram ako o hinde nung biglang dumating si fangirl. Napatingin kaming dalawa kay fangirl.

"Ay, salamat. Sauli ko nalang sa'yo mamaya." Sabay ngiti ko.

"Sige, sige!" Todo ngiti nyang sabi. Binuksan ko na ang notebook ko para magsulat pero napansin kong hindi parin sya umaalis sa harap ko at nakatitig lang sakin.

"Mamaya ko na ibabalik ha? Gagamitin mo naba agad?" Dagdag ko, para umalis na. Ang ackward kaya.

"Ahh hinde, hinde! Sige lang magsulat ka lang." Todo ngiti nyang sabi na nasa harap ko parin nakatayo.

Ano ba naman 'to. Don't tell me tututukan nya ko the whole time? Narinig kong natawa si Jessie. Pagtingin ko, nakatalikod syang nakadukdok sa desk. Nakatalikod ang ulo nya saken. Hindi ko lang pinansin at nagsulat nako. Maya-maya pa, tumayo sya.

"Alis muna ko. Ang ackward kasi."

Ha? Nangiinis talaga 'tong babaeng 'to. Isang linggo palang kaming magkatabe pero ganun na sya. Tss. Umalis si Jessie at lumabas ng room.

JESSIE'S POINT OF VIEW

"Nako nga naman. Mga lalakeng pinagkalooban ng mga magagandang mukha. Hay grabe, ayoko talaga sa kanila! Ewan ko ba kay prof bakit tinabi pako dun."

Naglalakad lang ako sa hallway habang kinakausap ko sarili ko. Isang linggo na nakalipas pero wala paring gusto makipagkaibigan sakin. Kung ayaw nila edi bahala sila? Kaso.. Hindi ko talaga maintindihan bakit ilag ang mga tao sakin. Mabait naman ako? Wala naman akong record na pumatay o nakulong ako? Hindi naman din ako mangkukulam o gangster? Haaay.

Ako si Jessie Lacierna. Wala nakong mga magulang at tita ko ang nagpapaaral sakin. Si Tita at ang anak nya lang na babae ang kasama ko sa bahay nila, hiwalay kasi sila ng asawa nya. Nagloko kasi ang asawa nya kaya nagdivorce sila. Isa yun sa mga dahilan bakit ayoko ng mga lalake. Pakiramdam ko kasi, manloloko sila lahat.

May nakita akong malaking puno sa oval habang naglalakad ako sa hallway. Sobrang laki, kaya naman may lilim sya, umupo ako sa lilim sandali at iniintay kong magbell.

"Hay salamat.." Sabi ko sabay upo, buntong hininga at pikit ko. Ang sarap kasi ng simoy ng hangin. Nag-unat ako at aktong ilalagay ang kamay ko sa damuhan. Pagkalagay ko sa kamay ko, may kamay akong nahipo! Kaya naman mabilis kong tinanggal sabay tingin sa direksyon kung san ako nakahipo ng kamay. Pagtingin ko, isang lalake. Nanlaki ang mga mata ko dahil napatingin din sya sakin at halatang nagulat din sya.

"S-sorry.." Sabi ko habang nauutal-utal pa. Ngumiti lang sya. Tsk! Isang gwapong nilalang nanaman. Mukha syang koreano, may cute na mukha at color brown ang buhok.

"Ikaw yung transferee sa 4A?" Tanong nya. Ha? Ganun pala ko pinaguusapan dito sa school?

"Ah. Oo, pano mo nalaman?" Taka kong tanong habang nakaupo parin kami sa damuhan at nakasandal sya sa puno habang baling ang mukha sakin.

"Wala naman. Jessie right? Ikaw yung katabi ni King?" Tanong nanaman nya. Hala??! Ganun ba talaga ko kapinaguusapan dito sa campus?!

"Ah. Oo, pero teka san mo ba - "

"I'm Arthur Hoon."

Eh? Nagpakilala agad? Sabi na eh, koreano. Pero teka nga, san nya ba'to nalaman!

"Ah. Hello, nice meeting you. Hehe pero san mo nalaman yung mga information nayan?" Singit ko.

"Narinig ko lang."

"Ha???" Pwede bayun? Napanganga ako dahil intrigang-intriga pala mga tao sakin dito? Wow ha.

"By the way, bakit napadpad ka dito sa kaharian ko?"

Hala? KAHARIAN nya? Totoo ba sya?

"Kaharian? Hahahahahah!" Bumahakhak ako sa tawa. Sino bang hindi matatawa sa term na 'kaharian', eh school property naman 'to.

"Nagjoke kaba? Hahahahh! Havey sya!" Tawa pako ng tawa.

"Actually, no. I bought this for my club."

Napatigil ako, "Ah??"

Tumingin ako sa paligid at napansin kong walang mga studyante na pumapasok doon sa border line nung damuhan. Napatayo bigla ako.

"See that house? That's our hall." Turo nya sakin at napatingin ako sa malamansiong bahay.

"Sorry!" Tumakbo nalang ako sa kahihiyan dahil pinagtitingan nako ng mga studyante. Nagmadali akong pumasok sa room at umupo sa tabi ni King. Natabig ko sya kaya nadistorbo sya, "Tsk! Atleast, say excuse!"

Iritang bwelta sakin ni King. Pero nahihiya talaga ko sa sarili ko!

"King!" Pagaalalang tawag ko sa kanya.

"Ano?" Sabay taas ng kilay nya at tingin sakin.

"Sino bayung Arthur?!" Hinihingal ko pang tanong sa kanya.

Napansin kong natigilan sya.

"Ahh Arthur.. President ng isang fraternity dito. Bakit, anong meron?" Habang sinasabi yun ni King binaling nya ang tingin nya sa iba at binuksan ang mga notes nya.

"May property sila dito sa school?"

"Oo. Mga pribadong tao yun." Nakatingin parin sya sa notes nya.

"Grabe, nakakahiya yun ah!" Sabay.paypay ko mukha ko gamit ang kamay ko.

"Bakit, ano bang nagyare?" Nakatingin parin sya sa notebook.

"Ah. Wala, wala." Sabay ayos ko sa sarili ko. Phew! At sa wakas nagbell na.

KING'S POINT OF VIEW

Ano kaya nangyari sa kanila ni Arthur? Tss. Sya pa na kalaban ko dito sa campus. Honestly, madami akong kakumpetensya sa loob pati sa labas ng campus. Sila Jasper, Jeff, Harry at Nico lang mga kaibigan ko, hindi ko sila kastandard pero they really treat me as a friend. Balik ulit kay Arthur, he even tried to woe my girlfriend dahil sa alitan namin. Yes, Arriane again. Haay.. Paano ko kaya sya makakalimutan nito. Tsk!

King's Last RomanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon