*BACK TO REALITY*
Sa 5 years na yon na paghihintay sa kanya, mapa college at highschool man ako,
hinding hindi ko makakalimutan yung love story ko.
Sa pag-uwi niya galing amerika, nagkaaminan kami ng personal..
Mahal ko siya.. mahal niya din ako.. kaya di kalaunan
mas nakilala ko pa siya..
.
.
.Mas..
Mas minahal ko pa siya..
*AFTER 10 years*
" Hon! oh, sabi ko sayo wag kana mag gagagalaw jan.. diba sabi ko wag ka magtatrabaho? ikaw reyna ko eh, dapat di ka mapagod :) "
" Hon naman, para nakong seniorita niyan eh.. kahit mag walis walis man lang ayaw mo? "
" ayaw lang kita mapagod.. lalo na ngayon.. madadagdagan na ng prinsipe ang pamilya ko.. "
" nako, kapag di ako naglibot libot mahihirapan akong ilabas to no. ayoko nga mag pa CS. ikaw ba gusto moko mahirapan? "
" hindi.. osige na nga.. basta wag ka magpapagod huh? "
" oo naman hon.. "
" prinsipe ko, wag mo papahirapan ang reyna ko ha? wag kang pasaway jan sa loob ng tiyan.. para di mahirapan ang mommy mo. be a good prince. "
sabay halik sa tiyan ko..
" Ang sweet ni daddy at ni mommy! yiiie "
" Oh princess, syempre naman. mahal ko reyna ko ehh. "
" Eh pano ako? *pout* "
" syempre mahal ko rin ang prinsesa ko! nag-iisa kalang na prinsesa ko syempre.. "
sabay halik at kiliti kay Princess Kurty.
tama ang hinala niyo.. Mag-asawa na kami ni Kurt, at si Princess Kurty ang panganay naming anak. Prinsesa ang tawag namin sakanya kasi babae. sweet kasi ni kurt eh. gusto niya daw na close kaming family sa isa't-isa..
ayaw nga akong pinagpapagod ni kurt eh. buntis nanaman kasi ako..
baby boy siya :) hihihi. d ko pa nga alam ang ipapangalan sakanya eh.. bsta ang gusto namin may Prince din siya.. siguro kung ano nalang na combination ng name namin ni kurt..
Masaya ako. masayang masaya..
Syempre ba naman eh, sa kalokohan ko pa naman diba dati? palihim lihim. pasulyapsulyap..
Paamin amin. kahit wrong timing..
Pero isa lang ang masasabi ko..
Kayong mga may love life jan.. Hindi tamang term ang Wrong timing ha..
Hindi naman talaga wrong timing , sa totoo lang niyan may nararapat na time talaga para magkaaminan kayo ng mahal niyoo..
Tignan mo naman yung amin diba? sa huli masaya din..
kaya kayo jan.. wag malungkot. sabihin niyo ang nararamdaman niyo. wag patorpe torpe ha?
" Oi hon, sino kausap mo jan? "
hala, anjan na si Kurt.. Nako, alam niyo ba, simula palang ng Love story ko, sinusulat ko na talaga ang bawat nangyayari sa lovelife ko dito.. ano? nasaksihan niyo naman diba? summary na nga lang eh..
" Mommy! yung ice cream po matutunaw na! magugutom po si prince! " - princess
ayun oh. adik narin sa ice cream yung princess namin. hehe!
siguro dito na nagtatapos tong kwento ko..
Saakin nalang yung iba pang mangyayari ha? haha! sige una nako! :) chaw!
- Fin -
BINABASA MO ANG
WRONG TIMING [kathniel]
Teen FictionIsang maikling kwento na pinapakita kung papaaano kung nafall ka sa isang tao , at hindi mo na matago pa ang iyong nararamdaman, at sinubukan mong umamin, pero palaging wrong timing?!! ang sarap sabunutan ng tadhana no? pero ganito yun eh.. haii.. p...