Tatlong buwan na simula nang pumasok akong muli sa pag-aaral. Masyado akong abala sa ngayon sa mga ginagawa kong requirements dahil gusto kong matapos na agad ako sa pag-aaral sa loob lang ng anim na buwan. Gusto kong bumalik uli sa trabaho.
Namimiss ko na rin kasi ang mga mukha ng mga pasyenteng napapangiti ko kapag natutulungan ko sila. Nakakaumay din naman kasing humarap sa libro araw-araw.
Sabi kasi nina Dr. Flinn at ng mga Professor ko ngayon nasa akin lang kung kailan ko gusto tapusin itong pagbabalik aral ko ngayon dahil alam naman nilang kaya kong taposin ito sa lalong madaling panahon. Ang kailangan ko lang ay ipasa agad ang mga requirements ko at ipasa rin lahat ng mga exams.
Kahit na abala ako araw-araw at wala na ako masyadong panahon para sa ibang bagay ay walang palya parin si Poseidon na dalawin ako para makita niya araw-araw. Minsan sumusulpot siya rito sa University, minsan naman ay bigla nalang siyang sumusulpot sa apartment na tinutuluyan ko at gaya ng lagi niyang ginagawa minsan ay hinila niya ako at dinadala sa kung saang lugar, kung hindi sa may dagat minsan naman ay sa playground, sa kindergarten schools, sa book stores at kahit saan kung saan maraming bata.
Masyado niya akong pini-pressure tungkol sa bata at yung sanggol na papangalanan daw niyang Flower. Jusko! Sumasakit ang ulo ko sa kakulitan niya.
Siya na pumalit kay Andrew, si Andrew? Ayun nabura na sa kasaysayan ko. Charot! Magkaibigan pa rin naman kami sabi niya maghihintay parin daw siya. Aba ewan ko sa kaniya, magpapakalayo raw muna siya sa akin kasi alam niyang may minamahal ako ngayon.
Ewan ko talaga sa kaniya.
Ngayon ay nandito ako sa isa sa pinakalumang library rito sa University namin at namimili ng aklat tungkol sa anatomy. Kapag natapos ko kasi itong pag-aaral ko ay hindi lang ako magiging cardiologist kundi magiging general surgeon na ako. Imposible pero sa kaso ko posible.
Sobrang talino ko raw kasi. Malamang dahil ngayon alam ko na ang katalinuhang taglay ko ay kaloob mula kay Athena na diyosa ng karunungan.
"Felicity!" agad akong napalingon sa babaeng bigla nalang tumawag sa pangalan ko.
Gosh! Tinatakot niya parin ako sa dating niya kahit malaanghel ang ganda niya. Baka kasi isumpa niya ako kagaya ng ginawa niya noon kay Medusa. Ayokong maging ganon.
Gaya ni Poseidon ay bigla nalang siyang sumusulpot sa kung saan na parang isang kabute. Ganito ba talaga ang mga Olympian Gods? Jusko!
"A-athena." utal kong sambit sa pangalan niya nang bigla siyang lumapit sa harapan ko. Napahigpit ang hawak ko ngayon sa mga libro ko, gosh! Anong binabalak sabihin ng diyosang ito?
Gusto na niya bang sumpain ako ngayon? Wag naman po sana.
"You want to discover something you're so curious about?" nakangiting tanong nito sa akin dahilan para mapahakbang ako paatras at mabangga ang likod ko sa book shelves. Gosh!
"T-tungkol saan?" utal at kinabahan kong tanong.
"Tungkol sa ikawalong buhay at tungkol sa mga babaeng minahal ni Poseidon noon. Gusto mo bang kilalanin kung sino ang mga babaeng nagkaroon ng ugnayan kay Poseidon bago naging ikaw?"
Napaisip ako sa tanong ni Athena at lalo pang hinigpitan ang pagkakayakap ko sa libro. Sa totoo lang matagal ko nang gustong malaman ang tungkol diyan at matagal ko na rin gustong masagot ang mga tanong ko.
Gusto kong sabihing oo pero natatakot ako.
"H-hindi. Hahayaan kong si Poseidon mismo ang magsabi sa akin tungkol sa bagay na iyan." pagtanggi ko sa kaniya at nag-iwas ng tingin.
BINABASA MO ANG
Myth 3- Poseidon: King of The Sea (Completed)
FantasyMyth Series 3 Will the King of The Sea marry a mortal woman who is not even destined to be his bride?