Whenever I sea blue, it always represents the ocean and sky.
Whenever I hear the splash and the singing waves of the water, I always remember the sea.
Whenever I see water, I always remember him.
I always remember his name. Poseidon.
Rinig na rinig ko ang malumanay na tunog ng alon at kitangkita ko ngayon ng napakalawak na dagat.
Ang lugar na pag-aari ni Poseidon.
"B-bakit?!" iyak ko at humagulhol.
Gusto kong ibuhos ang lahat ng hinanakit ko.
Mula sa pagkuha nila sa magulang ko at sa nangyayaring ito.
Napaupo na ako sa buhangin nang maramdaman kong nanghina ang mga tuhod ko habang hindi parin tumitigil sa pag-iyak.
"Why?!"
Sobrang sakit sa dibdib at sobrang sakit isipin.
"Felicity?" bigla naman akong napalingon sa isang boses na tumawag sa akin habang umiiyak.
Mula sa pagkakatingin ko sa dalampasigan ay binaling ko ang tingin sa may-ari ng boses na iyon.
"A-Andrew." hikbing tawag ko sa pangalan niya nang iangat ko ang tingin ko sa lalaking nakatayo sa tabi ko ngayon.
Bakas sa mukha nito ang pag-aalala habang nakatingin sa akin. Sa kaawaawang ako.
"Ayos ka lang ba?"
Umupo ito at tumabi sa akin habang patuloy parin ako sa paghikbi.
Hindi ko sinagot ang tanong niya.
"Malamang hindi, haha. Wala naman atang taong umaamin na nasasaktan sila at hindi na talaga sila ayos diba?" sabi pa ni Andrew at inabot sa akin ang isang puting panyo.
Agad ko naman itong inabot at pinahid sa pisngi kong basangbasa at sa mata kong hindi nauubusan ng likidong patuloy na dumadaloy dahil sa sobrang lungkot at sakit.
Hindi ako nagsalita at patuloy lang sa paghikbi habang nakatingin sa malawak at kulay asul na dagat.
"I won't ask you why you're crying Felicity, but I want you to know that I am here to comfort you." sabi pa ni Andrew na ikinatawa ko ng bahagya.
"L-loko! Ang k-korni mo!" reklamo ko naman habang patuloy na pinabahid ang mga luha ko.
"Haha. Gusto ko lang namang pasiyahin ka. Buti nalang at nandito ako." hambog na puri pa nito sa sarili.
Psh!
"Andrew." malamig na tawag ko sa pangalan niya.
"Hmm?"
"How can you see ocean?" lutang na tanong ko pa.
"Ocean? Hmm." halatang nag-isip muna si Andrew sa isasagot niya. "Felicity, did you know that ocean is so amazing."
Bahagya ko namang naiangat ang dulo ng labi ko sa sinabi niya. Napangiti niya uli ako.
"Of course."
"71 percent of the Earth's surface is covered with water and the ocean approximately holds the 96 percent of the earth's water."
"Silly! I know that Andrew!" singit ko pa.
"The ocean is so nice Felicity, it hugs our home. It has a lot mysteries and stories to tell that the ocean only sings through its waves."
He's right. There are a lot of untold stories beneath that blue wavy surface. A lot of stories that dwells below the very deep part of the ocean.
BINABASA MO ANG
Myth 3- Poseidon: King of The Sea (Completed)
काल्पनिकMyth Series 3 Will the King of The Sea marry a mortal woman who is not even destined to be his bride?