62: Tale As Old As Time

1.5K 62 12
                                    

And there is the Island of Naxos in the Aegean Sea. The place where the ocean king meet his queen for the first time.

Where he falls in love with her grace and harmony.

Where he falls in love with her deeper than the trenches beneath his wide kingdom.

A tale as old as time, a tale that has been told by the mouth of the olds.

Poseidon is the king of the sea who fell madly in love with the sea nymph Amphitrite.

Sa unang pagkakataon ngayon ay nakatungtong ako sa isla ng Naxos.

Suot ko ang isang kulay asul na kasuotang pansayaw ng mga baylarina at ang napakagandang kulay asul na sapatos rin nito.

Pinaghandaan ko ito, inihanda ako ng tatlong diyosa para lang dito.

Nandito ako kung saan nahulog si Poseidon sa diwatang si Amphitrite. Ang kwentong gawa ni Athena noon.

Nandito ako para alisin ang sumpa na ipinataw sa amin kalawakan.

Pumakawala ako ng malalim na buntong hininga nang libutin ko ng tingin ang lugar kung saan ako dinala ni Charon.

The Island of Naxos in The Aegean Sea

Ito ang lugar sa kwentong gawa ni Athena noon tungkol kay Poseidon at kay Amphitrite.

The place where the ocean fell in love.

Mag-isa akong nalakad papasok sa isang gubat sa maliit na islang ito.

Malayo pa lang ay nakikita ko na ang liwanag mula sa pusod na bahagi ng lugar at ang ingay na dulot ng kasiyahan at pagtitipon ng mga Olympian dito.

Kinakabahan ma'y napangiti ako't napahawak sa dibdib ko. Pumakawala ako ng malalim na buntong hininga sa ilang beses sa pagkakataong ito.

Kinakabahan ako.

Patuloy lang ako sa paglalakad nang makakita ako ng maliit piraso ng isang putol na sanga.

Pinulot ko ito para gamiting bahagyang panghawi sa mga nadadaanan kong mahahabang damo, mga nakatabon na dahon at sa mga sanga ng kahoy na halos humalik na sa lupa.

This is a virgin island, I guess.

"Mabuhay ang Olympus!" rinig kong sigawan ng mga Olympian na nagkakaroon ng kasiyahan sa lugar na ito ngayon.

Gosh! Ngayon ay masasaksihan ko talaga ang isang pagtitipon ng mga Olympian sa labas ng Olympus.

This would be so magical. Para akong pumasok sa isang movie sa isang libro na ang genre ay fantasy.

Patuloy lang ako sa paglalakad nang marating ko na nga mismo ang lugar kung saan sila nagkakaroon ng kasiyahan.

Hindi naman kaagad nakita ang mismong lugar dahil natatabunan ito ng malalaking bakod pero kitangkita sa ibabaw ang lakas ng liwanag nila sa loob.

That vivid light makes clear that Olympians were powerful. Lalo na kapag nagkasamasama sila sa maliit na lugar, kagaya na rin nito.

Sa mga bakod na ito ay mayroong isang maliit na tarangkahan kung saan ay may nakabantay na isang---

What the h*ll is that creation?!

Bahagya akong napaatras nang makita kung ano ang nakabantay sa maliit na tarangkahang iyon.

Gosh! I can't believe they exist to!

Dalawang tao sa bawat gilid ng tarangkahan na may paa ng kambing, mayroon din silang tengang gaya ng kambing, mayroon ding buntot na mismong gaya nga ng isang kambing at ang kanilang sungay na gaya nga talaga ng isang kambing.

Myth 3- Poseidon: King of The Sea (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon