47: First Strike

1.4K 63 10
                                    

"Kailangan mong mag-ingat dahil nagsisimula na sila." di ko maintindihang sabi nito.

"H-ha?"

"Isusumpa ka nila. Hindi sila makakapayag na ikasal ka sa hari ng karagatan." babala pa nito kagaya ng laging ginagawa ni Athena.

"Proserpine? Si Athena ba ang may utos niyan sayo?" singit ni Hermes na nakikinig lang.

Tama. Sino ba naman kasi ang babaeng lagi akong tinatakot na sumpain? Si Athena lang naman.

Umiling si Proserpine. "No. It's not Athena."

Ha? Kung hindi si Athena, sino? S-saka wala pa naman akong nararamdamang sumpa maliban nalang noong sumikip ang dibdib ko.

"So it must be the universe. For sure." seryosong saad naman ni Hermes.

The universe? Isusumpa ako ng kalawakan?

Pero bakit?

Lahat kami ay napalingon sa isang nurse na tumatakbo papalapit sa amin. Habol habol niya ang hininga nang makalapit siya sa kinatatayuan naming tatlo rito sa corridor ng ospital.

"D-doktora." natataranta at hingal na sabi nito.

"B-bakit? May problema ba?" nagtataka ko namang tanong sa kaniya.

"Kailangan po ang tulong ninyo. Nagmamadali po sila ngayon sa may dagat."

Anong kinalaman ng dagat sa trabaho namin?

"H-ha? A-ano bang nangyari?"

"Nauna na po doon ang ibang doktor at kailangan po ata nila ng tulong ngayon. K-kasi po may bumagsak daw pong eroplano mula sa himpapawid at maraming tao raw po ang nasaktan at nalunod sa dagat kailangan po nila ng tulong ngayon." paliwanag pa nito.

"S-sige susunod ako."

Napatingin naman akong pareho kina Proserpine at Hermes. "M-may gagawin pa ako."

"Sasamahan na kita gaya ng unutos ni Boss Poseidon sa akin."



Pumunta si Felicity sa daungan kasama sina Hermes at Proserpine kung saan dinala ang mga sakay ng eroplanong bumagsak.

Sumunod lang si Hermes kay Felicity gaya ng utos sa kaniya ni Poseidon. Si Proserpine naman ay sumama na rin.

Abala ang lahat sa lugar. Marami ang sugatan dahil na lamang sa nangyari sa loob ng eroplano bago ito bumagsak sa dagat. Maraming tao ang nataranta at nasindak kaya naman marami ang sugatan.

May naganap umanong isang kaunting pagsabog mula sa loob ng eroplano dahilan upang bumagsak ito sa dagat.

Abalang abala si Felicity kaka-punta rito at punta-roon.

Hindi pa siya natatapos sa paggamot sa iba ay may naririnig na siyang humihingi pa ng tulong at umiiyak.

Maraming bata rin ang apektado.

May mga batang naroon na iyak ng iyak ng "Mama" at "Papa." Ang isang malaking himala sa nangyari ay ni isa sa mga batang sakay nito ay walang nasugatan o nasaktan.

Nakatingin lang pareho sina Hermes at Proserpine sa ginagawa ni Felicity mula sa malayo. Gusto nilang tumulong pero hindi sila maaaring umamit ng anomang kapangyarihan at walang sa mga otoridad ang hahayaan silang manggamot dahil baka raw ay hindi sila marunong.

"Kunting tiis lang po muna lola ah." mahinahong wika ni Felicity habang ginagamot ang isang lola na may sugat sa kanan nitong binti dahil may kaunting pagsabog umanong naganap sa loob ng eroplano.

Myth 3- Poseidon: King of The Sea (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon