Chapter 5

2K 57 3
                                    

SAGLIT silang nagkatitigan ni Jjong.

Mukhang seryoso nga ang mokong na to!

Nang biglang mag-ring ang cellphone nya.

Mabuti naman! May commercial!

"Hello? Oo nandito pa...okay sige." Si Rafa ang kausap nya sa kabilang linya. Nasa mall daw ngayon ang mga magaling nyang mga kaibigan.

"I-memeet ko sina Rafa sa Mall." Sambit nya kay Jjong.

"Sige ihahatid na kita don.."

"Ha? Ah, naku wag na. Malapit lang naman yun."

"Di wag." Umismid ito sa kanya. "Naiilang ka na ba sakin ngayon?." Tanong ni Jjong.

"Hindi ah! Sige na, aalis nako." At tumayo na nga sya at iniwan na ang binata.

She knew it was rude, pero ano bang dapat nyang sabihin sa pinagtapat nito sa kanya?

Waaaa! Ang sarap sumigaw, kung wala lang mga tao, malamang ay yun na nga ang ginawa nya.

"Hi guys!." Bati nya kina Rafa, Miki at Tine pagkakita nya sa mga ito sa isang sikat na fast-food chain na nasa loob nang Mall.

"Akala talaga namin nakauwi kana.." Si Miki.

"May dinaanan pa kasi ako..."

"Nga pala alam nyo ba si Jen saka si Alex, break na?." Umpisang kwento ni Tine.

"Weee di nga?...bakit  naman daw?." Usisa ni Miki.

"May third party ata!" Si Rafa.

Bilib na talaga sya sa mga kaibigan nya, kung makasagap nang mga balita ay dinaig pa ang mga sikat na newscasters.

"Oi, Chin may alam ka ba? Bestfriend nang Kuya mo si Alex diba?."

"Ha? Bakit?." Takang tanong nya sa mga ito.

"Andito ka ba Chin? Parang ang lalim nang iniisip mo girl."

"Wala ah..."

"Teka nga! May inililihim ka na naman ba samin ha? Chin!."

"Wala a! Si Jjong kasi lakas nang trip."

"O bakit?." Tanong ni Tine.

"Ewan ko don, ano daw kasi.......eeee!." Pagmamaktol nya.

"Hala! Nabaliw na ang bata."

"Ano nga kasi Chin! Nakakabitin ka naman e!."

"May gusto daw sya sakin!." Ayun na, nasabi na nya.

Biglang tumahimik ang tatlo sa sinabi nya na agad ding napalitan nang tawa.

"Weee? Seryoso ka?!." Halos sabay-sabay na tanong nang mga ito sa kanya.

"Grabe ha?! Nakakaasar!." Singhal nya sa mga ito.

"Teka lang ha. Si Jjong talaga? As in yung kaaway mong si Jjong Ryu na akala namin e bf mo?."

"Oo sya nga..."

"Pano mo naman nasabi?." Tanong ni Tine.

"Kasi nga sa totoo lang sya yung ka-meet ko kanina. Tapos ayun nagconfess na sya sakin." Paliwanag nya.

"You mean kanina lang sya nagsabi sayo?."

"Oo ganun na nga! Fresh na fresh pa talaga."

Huhu! Kakabaliw!

"Wow ha ang haba nang hair mo, Chin." Panunukso ni Rafa.

"Haba? San banda? Ano kaya kong magpa-transfer nako?."

Because I'm Your Girl 1 | Completed - Under RevisionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon