KAHIT nagulat ako sa tinext ni Tom eh hindi ko nalang pinansin iyon...di rin ako nagreply. Tiyak na titigil din yun kapag hindi ko sya pinaglaanan nang panahon.
After nga nang klase ay dumiretso kami ni Miki sa gym.
"Kainis ka talaga Chin...ni hindi mo lang kinuwento nang mas maaga samin. Kung hindi pa kayo nahuli nina Rafa.." pagtatampo nito sakin.
"Sorry ha...kasi naman kahit ako di pa nagsisink-in sakin ang lahat." pagpapaliwanag ko.
"So musta naman?"
"Panong musta?..."
"I mean musta si Jjong bilang boyfriend?..malambing ba sya sayo? ooyyyy!"
"Malambing?...naku wala ngang kaamor-amor ang lalaking yon.!"
"Pero mahal mo?"
Pakiramdam ko namula ang pisngi ko sa tanong na yon ni Miki.
"Yun na nga eh...paki sapak nga ako...baka binabangungut lang ako."
At nagkatawanan nga kami ni Miki. Nang biglang lumapit samin sina Josh...syempre pa kasunod nito si Tom.
"Hi Miki..." bati nito samin.
"Oi Hi!!!"
"Nga pala Chin kausapin ka daw ni Tom..." at hinila nito si Tom.
Nailang ako. At napatingin sakin si Miki.
"Miki iwan muna natin sila."
Wala nakong nagawa nang iwan na nga nila kami ni Tom.
Gosh! awkward moment lang ang peg.
"Are you okay?" tanong ko kay Tom tahimik lang kasi ito.
"Chin..natanggap mo na ang text ko sayo kanina."
"Ahhh yun...oo nabasa ko."
"Then?..."
"Anong ibig mong sabihin?"
"Naisip ko lang...baka may chance ako sayo...."
"Tom may boyfriend nako..." mahinang sambit ko sa kanya...baka kasi marining kami nang iba pang tao sa paligid namin.
"Alam ko...pero...I don't think he deserve you..."
Nag-init ang tenga ko sa narinig.
"Please Tom...I'm really sorry pero hanggang kaibigan lang talaga ang tingin ko sayo..." at tumalikod na nga ako.
Tuluyan nakong lumabas nang gym...itetext ko nalang si Miki na uuwi nako.
Nagmamadali akong pumunta sa parking area kung nasaan nakapark ang kotse ni Jjong.
Napansin siguro ako nito kaya bumaba ito nang sasakyan.
"Oh ba't ang aga mo?" takang tanong nito.
"Gusto ko nang umalis dito...tara na." yaya ko sa kanya.
"What's wrong?..."
"Please...tara na..."
Nang nasa sasakyan na kami ay tahimik lang kami. Minsan napapatingin sakin si Jjong. Hindi ko alam kung bakit ako ganito. Siguro nasaktan lang ako sa sinabi ni Tom..."I don't think he deserve you.." ba't ganun masyado naman ata akong sensitive?
"Nagugutom ako...kain muna tayo." sabi ko.
"Okay..." at pumarada nga ito sa may harap nang isang restaurant.
Nang makaupo na kami at nakaorder na eh tahimik parin kami.
"Ano ba talagang nangyari?..."
"Wala..."
BINABASA MO ANG
Because I'm Your Girl 1 | Completed - Under Revision
Novela Juvenil"Gusto na kasi kita." *** What will Chin do if the snobbish guy she've evet met confesses his feeling to her? *** This story is written in Tagalog.
