Chapter 7

1.9K 58 1
                                    

ANG sakit nang ulo ko.

Angal ko agad pagkamulat nang mata ko.

Grabe naparami talaga ata yung inom ko. Papasok pa naman ako ngayon sa school.

School? School!

"Hala!" Lunes nga pala ngayon...shame! tiyak na malalate nako.

"Buti gising kana?" nagulat pako nang makita ko si Kuya na nasa may pinto nang kwarto ko.

"Good morning Kuya!" bati ko.

"At san ka naman pupunta?"

"Sa school...papasok." ngisi ko sa kanya. Buti nalang talaga wala dito si Mama kundi sermon ang abot ko sa mga yun.

"School? alam mo ba kung anong oras na?" tanong ni Kuya James.

Tumingin agad ako sa may orasan sa may side table ko. At nagulat ako nang makitang 9:15am na.

"Tumawag nako sa Prof. mo...sinabi ko masama ang pakiramdam. Bumaba kana para makapag-almusal." pagkasabi non ay umalis na si Kuya.

"Kainis ka naman Chin oh...kasalanan to nina Tine eh."

Nang nasa may mesa na kami ay biglang nagsalita si Kuya.

"You should call Jjong and say sorry to him."

Jjong? Hala si Jjong!!!! Bigla kong naalala ang nangyari kagabi.

"Po? ba't naman ako kelangang magsorry sa kanya?" pagmamaangmaangan ko. Bakit sinabi kaya ni Jjong sa Kuya ko na hinalikan ko sya?

"You made a mess. Nakalimutan mo na?"

"What do you mean?

"Sinukahan mo ang kotse nya Chin. Do you know how inconvenient that was?" seryosong saad ni Kuya sakin.

Natigilan ako. Lagot na! Nakakahiya naman kay Jjong. Dapat kasi hindi ko na sya tinext kagabi eh.

Nang makabalik nako sa kwarto ko eh naisipan ko ngang tawagan si Jjong. Kaso nahihiya ako. Pano ko sisimulan. Hawak-hawak ko na ang cellphone ko nang may magtext.

"You awake?" Si Jjong.

"Yes, look I'm really sorry."

"About you throwing up sa loob nang car ko or about kissing me?"

Wag na kaya akong magreply sa baliw nato. Tiyak kasi nakakunot na naman ang noo nito habang nagtetext.

"Both."

"It's fine..anyway I'm coming over."

"Huh?...bakit?...kahit wag na."

"Wag na?...nandito nako sa sala nyo."

Ano daw?! naku naman.

"Chin! Jjong is here." narinig kong tawag ni Kuya.

Lalabas ba ko? magkunwari kaya akong nakatulog na. Kaso kakatext ko lang sa kanya masyadong obvious. Ano ba yan...agad-agad makakaharap ko sya...pagkatapos nang ginawa ko kagabi.

Habang pababa ako nang hagdan ay nakatingin si Jjong.

Ano ba yan?...baka mahulog ako sa mga tingin nya at bigla akong gumulong-gulong dito.

"Don't want to see me?" tanong nito agad nang makaupo nako sa may sofa.

"Ang aga mo naman kasi pumunta dito." maktol ko sa kanya.

"Because we need to talk. After school sana ako makikipag-usap sayo...pero hindi ka naman pumasok." paliwanag nito.

Shame?! Don't tell me umabsent din to?!

Because I'm Your Girl 1 | Completed - Under RevisionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon