Chapter 3

9 0 0
                                    

Einjehl (iyel)

Einjehl POV

"Wanna see my hands do they magic again to you?!!" Malambing at nangaanyayang boses ang narinig ko sa pagbukas ko ng pinto ng tinted glass wall at sound proof na office ni Shieki, kaunting bukas lang ang ginawa ko, nilagyan ko ng awang ang pintuan at pinakinggan lang sila

"Hmmm..do it again, baby" malambing na tugon nito sa babae, sinara ko nalang ulit ang pintuan, ayaw kong maistorbo sila sa kung ano mang ginagawa nila

Dahan dahan akong naglakad palayo, sa pagsara ng pinto ay ang pagkawala ng kanilang tinig, ano kaya ang ginagawa nila? Ayss di bale na, ibibigay ko nalang kay Rage ang dala kong pagkain, kanina kase ay napilit ko rin siyang payagan akong pumunta dito, nagulat naman ako ng may mabangga naman akong matigas na bagay, na tao pala

"Ms. Einjehl, bakit po kayo di tumuloy?"

"Ah-eh.. wag nalang pala...busy siya eh" akma ko na siyang lalagpasan ng bigla naman akong higitin sa braso ni Rage

"Ms. Chua, sayang ang efforts niyo, kung gusto niyo talaga na pasalamatan si Sir bakit ayaw niyo pang ituloy" nakangiting sabi niya

"Ang sabi mo ito ang bagay na makakapagpastress sa kanya, at tsaka pati ako, kailangan ko rin ng pahinga"

"Pero Ms. Einjehl nandito narin lang kayo bakit di niyo pa ituloy?" Sabay hinarap ako pabalik sa harap ng pintuan ni Shieki, ngunit nagpupumiglas parin ako, baka maudlot at masira ko pa ang kanilang ginagawa at isa pa ayaw ko rin iyong masaksihan

"Teka!! Please!!!" Pakiusap ko

Gwapo din naman itong si Rage, tamang tama sa category na tall dark and handsome, may dark green itong mga highlight sa buhok, minsan nga naiisip kong kpop fan siya. Heto nat pinagtutulakan niya akong buksan ang pinto kahit na alam ko namang alam niya rin kung ano lang ang ibubungad ng boss niya sa akin, isang malakas na sigaw, pero sa puntong ito tingin ko'y isang mahalay na kaganapan ang aming matutuklasan kapag ipinagpatuloy niya ang pagtulak sakin

"Ako na nga lang" sabay marahan niya akong tinabig at siya na ang nagbukas ng pinto, hinila niya ako sa pulsuhan kaya naman ng maaninag ko na ang loob agad ko ng ipinikit ang aking mga mata

"Ano masarap ba?" Mahalay na pagkakabanggit ng babae

"F*ck!! Why aren't you knocking first!!! Sh*t!!! Bonifacio!! Such disturbing" asik ng boses ni Shieki, nakapikit lang ako at sumenyas ng peace

"Pa-pasensya na, aalis na kami, baka kase naaabala pa namin ang... ang...bonding niyo" at saka tatalikod na sana ng maalalang nakahawak pa si Rage sakin kaya naman di ako nakawala at naalala ko lang na naibalik na ako ng mga paa ko sa dating pwestong nakaharap sa kanila, pero nakapikit parin ako, ayaw kong isipin ang ginagawa nila, napapitlag nalang ako ng may tumikhim na tingin ko ay palapit na samin

"Why aren't you looking at me?" Walang emosyong tanong nito

"You did was.. annoying!! You ruined my rest time!!!"

"S-sorry, diba..diba di ko...naman alam na... na may...ano...pala...kayo dito...business, ganon..."

"What are you talking about?"

"Ahmm..yung dapat...diba..sa ano..sa ano yun..ginagawa lang yun sa hotel...o..kaya-"

"You're really a sl*t, and slow girl, how can massage therapist do their gob in hotels, tshh"

Massage therapist?

Dahan dahan kong iminulat ang aking mga mata, napakalapit na pala niya samin na Rage na ngayo'y ako na ang nakahawak sa braso nito dahil nakaramdam ako ng tensyon ng magtaas si Shieki ng tono, nakita ko ang nanggagalaiti niyang titig sakin, akala ko kase..ano..may...

Ace of Spades Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon