Chapter 9

5 0 0
                                    

She's fine, thank you

Sa opisina..

Di mapakali si Shieki, kahapon nakita niya lang naman ang fiancée niya na may kasamang lalaki, nakakainsecure lang at gwapo ito, at mukhang close pa dito. Di talaga alam ni Shieki bakit siya naiinis, lalo na kapag naaalala niya kung paano halikan ng lalaking iyon ang fiancée niya

"F*ck!! Why I'm thinking of her!!" Hampas nito sa lamesa gamit ang kamao

Galit siya, galit siya dahil may nakapasok sa mansyon niya na walang nagsasabi sa kanya, yun ang iniisip niya. Galit din siya dahil baka may napag sabihan na ang dalaga sa trato niya dito at tungkol sa kanilang dalawa, yun ang ipinipilit niyang isipin. Sa kabila nun, hindi niya maintindihan bakit parang may ibang dahilan kung bakit siya nagagalit ng ganoon

Nung una hindi naman siya ganito. Ngunit habang tumatagal bakit parang may kinaiinisan na siya. Naiinis na siya kapag di nalalaman kung na saan ang dalaga, pero pinapaniwala niya ang sarili na, naiisip niya lang ito dahil sa baka madamay siya sa mga maling galaw nito

"That slüt, she's making me insane"

Sa kabila ng mga nararamdaman, pinangingibabaw niya parin ang galit sa dalaga. Kaya nga ito may kasamang lalaki, kase, malandi ito, ayan ang nasa isip niya. Hindi niya inaalis sa isipan na di dapat siya makaramdam ng awa dito, dahil ang mga katulad niyang babae ay nagpapamukha lang na kaawa awa para makuha ang gusto at kapag nakuha na bigla nalang mang iiwan. Isa pa itinatatak din sa isip ni Shieki na ito ang dahilan kaya nawala ang pinakamamahal na babae, si Jacque

Tiningnan ni Shieki ang orasan, lunch na, iniintay niya nalang ang pagdating ni Rage para sa kanyang kakainin, maya maya pa ay may dumating narin ito, dala dala ang mga supot ng pagkain

"Sir, nagtake out nalang ako, eh kase, inaapoy nanaman ng lagnat si...ano walang makapagluto kase day off ng mga maids" nakangiting saad nito kay Shieki

Napataas nalang ng kilay si Shieki "Well, eat that on your own, I don't have appetite" tumayo ito sa swivel chair niya at dumeritso sa entertainment area at ibinagsak ang sarili sa couch, sumandal at ihinapay ang isang kamay sa sandalan, nagcross legs ito at kinuha ang remote

"Pero, sir sabi niyo kanina gusto niyong kumain!!"

"I changed my mind"

Di niya alam pero, parang may pagkadismaya siyang naramdaman, dahil siguro nasanay na siya sa mga lutong bahay. Medyo niluwagan naman ni Shieki ang kanyabg kurbata, eto nanaman at dumudoble ang pagkurap at lumalalim ang paghinga niya, di rin nito mapigilan ang mapalunok, alam niyang di dahil sa gutom, nakakaramdam siya ng init, ganito talaga siya kapag nakakaramdam ng kung ano, tulad ng kaba, pag aalala, selos, inis, at pagpipigil sa tunay na nararamdaman

"Sir, ayos lang po ba kayo bakit po namumula kayo?"

"The hell you care"

May aircon naman, pero ang init init ng pakiramdam niya. Di siya mapakali, hindi na niya matiis na itanong kay Rage "Where is she?" Mukhang alam na ni Rage kung sinong tinutukoy nito

"Nasa bahay lang po"

"Make sure that no one can enter the mansion again, and also don't let her-"

"Di po siya makakalabas, kase may sak-" bigla namang itinigil ni Rage ang pagsasalita, alam naman kase nitong walang paki alam si Shieki kung may sakit man ang dalaga, ngunit lingid sa kaalaman niya ay nag aalala talaga ito

Di alam ni Shieki parang lalo siyang di mapakali "Continue!!!" Utos nito kay Rage

"Why? she can't go somewhere else?" Inis na tanong nito, para bang naiinip

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 18, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Ace of Spades Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon