Chapter 6

1 0 0
                                    

In every ace there's a joker

Sa sasakyan..

Tahimik lang sa loob ng sasakyan. Nasa backseat si Einjehl at ang nagdra drive naman ay si Shieki. Walang naimik sa dalawa, nakatanaw lang sa labas si Einjehl, umuulan na pala, wala siyang payong, buti nalang pala at napilitan si Shieki na ihatid siya pauwi, o baka mali siya

"I never tolerate flirting while it's working hours" pambasag ni Shieki sa katahimikan, napatingin naman si Einjehl sa salamin na kung saan ay doon din nakatingin si Shieki, nang magtagpo ang kanilang mga mata agad itong iniwas ni Einjehl, nagkagat labi ito at muling tumingin sa labas

"Hindi naman ako nakikipag flirt eh, wag kang mag alala kung ang inaalala mo ay yung tungkol satin, wala akong sinabi, di niya alam na ako yung fiancée mo" wala sa kaalaman ni Einjehl nanatiling nakatitig si Shieki sa kanya

"Good, this is the last time that you'll come to my office, never again"

"Okay" maikling sagot nito, sobrang lakas na ng buhos ng ulan

"Ahmm..pwede namang si Rage nalang ang maghatid sakin"

"I need to get some rest"

"Ahh, okay, maayos narin yan at least, mas makakapagisip ka kung paano mo mahahanap ulit si Jacque, kase mas mabilis tumakbo ang isip kapag nakakapagpahinga"

Naaalala kase ni Einjehl yung gabi kung kailan, sobrang lasing na lasing si Shieki, wala na kase itong ibang nabanggit kundi si Jacque, sabi pa nito gagawin nito ang lahat para mahanap nito si Jacque

Muntik namang mahulog si Einjehl sa upuan ng biglang nagpreno si Shieki, lumingon ito sa kanya at nagtapo ang kanilang mga mata, namumuo doon ang sobrang galit

"What did you say?" Nagiwas ng tingin ang dalaga, paano ba ito, takot ang una niyang naramdaman sa pagtitig sa mga mata nito

Laking gulat naman ni Einjehl ng bigla siyang higitin ni Shieki sa braso ng napakahigpit, yung halos di na makadaloy ang dugo, kaya naman napatingin siya sa mga mata nito

"REPEAT!!"

"A-ang sabi k-ko..mas makaka..isip kana ng paraan..p-para mahanap si Jacque" napapangiwi nalang si Einjehl sa sakit ng pagkakahawak ni Shieki sa braso nito, halos magkapasa na sa sobrang baon ng bawat daliri nito sa kanyang braso

"Don't you ever dare say her name like you're related to her, understand!!!?" Nakakaramdam na ng takot si Einjehl, kung timitig ito parang handa nang pumatay

"O-okay.." nanggigilid na ang mga luha ng dalaga, umiwas ng tingin si Shieki at muling humarap sa manibela at patulak na binitiwan ang namumulang braso niya

"Get out" walang emosyong utos nito sa dalaga, seryoso ba siya, dahil sa lakas ng ulan at sa kalagitnaan pa ng napakahabang baybayin na puro mga puno lamang at tanging highway ang makikita, doon niya pa papababain ang dalaga

Marahang at palihim na pinahid ng dalaga ang kanyang mga luhang tuluyang pumatak, pero pinilit niya iyong itago

"Get out" napatingin si Einjehl sa labas ng bintana ng sasakyan, bukod sa sobrang lakas ng ulan may kasama pa itong hangin at wala siyang nakikita kundi mga puno, express way kase ang kanilang dinaanan kaya walang mga kabahayan

"D-dito?"

"Deaf?" Walang ano ano'y bumama ang dalaga sa sasakyan nito

"Find your own way back home" pahabol niyo bago isara ng dalaga ang pinto ng kotse

Ace of Spades Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon