Chapter 8

1 0 0
                                    

She's fine, thank you

Einjehl POV

Nagmulat ako ng mga mata ko, nakatulog na pala ako sa sofa, umaga narin pala. Di na pala bumalik si Rage. Inantay ko pa naman siya, sinikap ko pa ngang magluto eh, para sa kanya. Tuwing uuwi kase siya para kunin ang pagkain ni Shieki,  kumakain narin siya, at ang sarap sa pakiramdam na isa siya sa mga taong nakaka appreciate ng mga efforts ko

Napakatahimik ng paligid, dahan dahan akong tumayo at tumungo sa banyo. Pagkatapos kong maghilamos ay dumiretso ako sa kusina, magluluto ako ng umagahan

Habang papalapit sa kusina, may roon naman akong naaamoy na nagmumula doon, nakakarinig din ako ng naggigisa, parang may nagluluto. Dahan dahan akong lumakad papunta doon. Sumilip muna ako sa pintuan, actually wala naman talagang pintuan ang kusina, sumandal ako at dahan dahang sumilip. Tama ako may roon ngang nagluluto

May matangkad na lalaking nakatalikod, tingin ko ngayon ay naghihiwa ito ng mga sibuyas, rinig na rinig ko kase ang kanyang paggagayat dahil sa pagtama ng kutsilyong gamit niya sa sangkalan. Dahan dahan akong pumasok, nakawhite sando lang ito tapos naka jeans. Naka apron ito at dahil sa sinag ng araw  ay mas nakita ko pa ang kulay ng balat niya..baka naman mali ako ng iniisip, hindi siya pupunta dito

Umupo ako sa isa sa mga upuan at nagsalungbaba habang ang mga siko ko ay parehong nakatuon sa lamesa, magbabakasakali lang ako, baka naman siya ito

"Ahmm..good morning" parang alam niya na na nandito na ako kanina pa, hindi manlang nagulat, di din sumagot

"Bakit mo 'ko iniwan nalang kagabi?" Tuloy lang siya sa paggagayat

"Ahh siguro kay boss mo yung baraha ano, siguro di mo hiniram, basta mo nalang kinuha, kaya ka nagmamadaling umalis..inintay pa naman kita, at ipinagluto, kaso di kana bumalik" wala parin, nabinge ata siya ah

"Pssst!! Rage!!" Nagpout ako, bakit ba ayaw nitong tumingin

"Tsskk!! Stop, you're so annoying" bigla naman akong napaayos ng upo at nagulat ng humarap ang lalaking kinakausap ko

Bakit siya nandito?

"Ahhmm..b-bakit-"

"Wait there, it's almost done" sabay turo sa pwesto ng dining table gamit ang hawak na spatula

"B-bakit ka nandito?"

"Why? Visiting my younger sister is not a crime, right" saka ngumiti ng abot tainga

"Akala ko nasa.. China ka, paanong..?" Lumapit ito sakin at pinisil ang ilong ko

"Well, vacation isn't bad, right?" Sabi niya habang pinipisil ang ilong ko, hinampas ko naman ang kamay niya, saka siya muling bumalik sa pagluluto

"I miss you, baby girl!!! Haha!!" Sabi niya habang nakatalikod at nagluluto

"Miss you too!! MANONG!!" Asar ko sa kanya

Ayaw na ayaw niya ang tinatawag na manong. Isa kase ang kuya ko sa mga dakilang..ehem..playboy lang naman po.. Pero paano nga pala nakapasok ang gurang nato sa mansyon

"If you don't mind, kagabi pa ako nandito"

"Paa-"

"Tuhod..hehe..PAANO? Syempre matalino ang gwapo mong kuya at sikat, kaya kakilala ako ng mga security personnel dito, kaya nakapasok ako, alam din nilang kapatid mo ako eh" napatungo naman ako, kung ganon di ito alam ni Shieki, pag nakita siya non lagot ako, bawal pa naman dito ang bisita na wala sa plano ni Shieki

Ace of Spades Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon