Chapter 4

11 0 0
                                    

Einjehl (iyel)

Einjehl POV

"Jacque...please...don't leave me!!" Pakiusap ni Shieki habang nakaharap sa bote ng champagne, hawak hawak niya ang shot glass ng napakahigpit, nanggigil siya at lasing na lasing

"If I could.... if I could just turn back the time..." ramdam ko ang lungkot sa kanyang mga mata

Nandito ako ngayon sa may pintuan ng mini bar dito sa mansyon, nakasilip lang ako, pati tuloy ako naninikip na ang dibdib, tinawagan ako ni Rage ang sabi niya ay nandito daw ang boss niya, pagkatapos kase ng unang beses na pagbisita niya sa guest house na katabi lang ng mansyon ay nagkulong na daw dito sa mini bar si Shieki, gustuhin ko mang pumasok ay hahayaan ko nalang muna siyang ilabas ang nararamdaman niya, naikwento sakin ni Rage na ito ang araw na unang nagkakilala ang dalawa, nalulungkot ako para sa kanya, at nagiguilty ako siguro ang dahilan kaya kailangan niyang igive up ang taong mahal niya

Kasalukuyan lang akong nakasilip sa siwang ng pinto, kinuha ko kase ang susi kay Rage dahil nga nagkulong itong si Shieki, siguro ang nararapat ko nalang gawin ay intayin ang oras na kailangan na siyang awatin, naaawa ako sa kanya, pakiramdam ko tuloy ang sama sama ko at isa pa nanlulumo ako, naninikip narin ng sobra ang dibdib ko, parang dinudurog ang puso ko kapag napapagawi ang tingin ko sa lalaking magisang nilulunod ang sarili sa alak

kung alam mo lang ang kailangan kong iwasan kaya ako pumayag, kapag handa na akong mamatay wag kang magalala matatapos na yan, ako mismo ang aayaw sa deal, sa ngayon... gusto ko munang bumawi, ayaw kong mamatay na merong may galit sakin

"I missed the way you smell...I-I missed the way you laugh and how it sounds, and that is so.. good to hear..I-I ne..need you..I..I- I.. barely need you...and that is..so bad" pati ako ay napaluha nalang ng makitang tumutulo narin ang mga luha niya, nagka crack na ang boses niya, awang awa ako sa lagay niya, walang humpay ang paginom niya, balak pa ata niyang patayin ang sarili sa pamamagitan ng paginom

"I missed how you whispered my name...If I could stick around and fight back your tears..Why?...you leave me weak in the edge...Now that I'm losin' you.. I rather die than to live without you...F*ck I'm insane...craving for your presence"

Napahawak nalang ako sa bibig ko habang umiiyak, ayaw kong marinig niya ang mga hikbi ko, pati ako ay hirap hirap at ang bigat bigat na ng dinadala. Sa tuwing iisipin kong ako yung dahilan, pakiramdam ko ang sama ko, kaya nga hinahayaan ko nalang siya nakamuhian ako, kung yun lang ang paraan para makabawi. Sobrang nakakaawa siya, he looks like a total sober, sobrang hina niya kung titingnan, ang dating leyon ngayon ay daig pa ang kuting, ang sakit, ang sakit na ako, ako ang dahilan para magdusa siya, ayaw ko ng maghirap siya, pero hindi ko alam kung paano ko bubuoin muli ang puso niyang durog ng dahil sakin, pakiramdam ko natapakan ko iyon at pinabayaan nalang mabasag, I feel so guilty

Pinapanood ko lang siya, grabe nakakaawa ang itsura niya. Ngayon ko lang siya nakitang umiiyak, ngayon ko lang nakita ang side na ito niya, sobrang lungkot, damang dama sa paraan ng kanyang pagsasalita at sa kanyang mga mata. Gustong gusto ko ng pumasok doon para pigilan siya pero, natatakot akong baka ako pa ang dahilan para mas lalo siyang maglasing at baka magwala panga

"I could...you know that...you know that I could smile... I could try... I can hide... but damn!!! I do love you that bad!!!"

Nagulat ako ng ibato niya sa kung saan ang shot glass at sinabunutan ang sarili, maririnig pa nga ang pagpatak ng maliliit na piraso ng bubog na nagmula sa nabasag na ibinatong shot glass, ano ba ito ang sakit sa dibdib, mas lalo kong natutop ang aking bibig para di niya marinig ang aking mga hikbi, sobrang lakas na kase ng aking iyak, pati ako apektado, pati ako di ko na mapigilan ang luha ko, gustong gusto ko narin siyang pigilan at puntahan pero, baka lalo lang siyang magalit, baka masaktan pa niya ang sarili niya, at kapag nangyari yon dodoble pa ang sakit, ang tinik na nakatarak sa puso ko, ang parang pagpiga dito sa tuwing nakikita ko ang pagpatak ng luha niya pati narin kung paano niya sabunutan ang sarili dahil sa pagsisisi

Ace of Spades Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon