*Guize pakilala ko lang sya-di ako magaling gumawa ng story pero gusto ko parang kausap lang kita-ikaw po na nagbabasa😘*
Noon pa man marami ng nagsasabi kay mama na maganda ang anak nya. Matalino at malayo ang mararating. Honor student ako, top 2 or 1 ako lagi sa class dumaan pa nga ko sa proseso nung grade school ako na laging inaaway si mama dahil gusto ng isang parent na i-top 1 anak nya dahil darating mga bisita nila from abroad so needed nilang magpa-impress dahil nga pangkabuhayan rin yun te😂.
3 kaming magkakapatid di kami mayaman, ang tanging bilin lang ng magulang namin na ang pagaaral ang syang maipamamana samin, typical lines ng mga ordinaryong magulang.
Nagabroad pa nga Tatay ko para lang matustusan ang schooling namin dahil feeling nya magagaling kami sa school pinilit nya kaming iahon sa private school, well infact di naman nasayang yung hirap nya. Marami kaming kasabayan na matatalino. Dun ko napagtantong swerte kami at nairaos kami sa ganung hirap.
Dami ko ng nasabi ako nga pala si Zyrene-Zyrene Fuentes ng Pangasinan.
__________________
Sa ngayon asa 2nd year college na ako, transferee student nagaral kasi ako ng 1st year college sa exclusive school sa Baguio sinundan ko si crush kaya ginalingan ko. Kaso wala na akong pagasa saknya kaya bumaba na ako. Charooot. Bumaba na kasi si Kuya dahil sa kondisyon nya hindi sya pwedeng wala makakasama lagi kasi nagkocolapse eh magkahiwalay kami ng school magkabilang barangay ang department namin dahil engineering student sya. Plus nakadorm sya te ako bedspacer lang may sakit nga kasi kaya pagbigyan.
Sayang nga ampopogi pa mandin mga kaibigan ni kuya. Never had a chance to know them.
Any way asa alma mater ko ako ngayon, dito ako binalik ng tadhana-bakit kaya?
Nasanay ako sa dati kong school na on-fleek kaya naka red lippy ko naka corpo at nakaheels. San hustisya? pinagtitinginan nila ko hanggang gets na gets na gets ko na!! Darn ang oa ko naka civillian lang kasi sila at simpleng simple.
So ayun na nga muntanga lang ako sa tingin nila. Gusto ko kasing maging presentable Business kasi ako Hello major in Accountancy😣. Totally culture shock peg ko. dati sa room namin sa Baguio monoblock na may sarili pang lagayan ng bag may name tag pa, dito kanya kanyang hila ng upuan dami pa namin. Doon may vacant pa dito malas ka pag wala na pagalingan nalang sa paghanap ng upuan.
So after a week nakapagadjust naman na ako nakapagpakilala sa iba pero hindi ko maadjust this one thing ☝ Kilay is life, bawas bawas lipstick. Kilay nalang at tint. Mga beshy kilay is life diba.
Ako yung GGSSPS as in Gandang ganda sila sakin pati sarili ko. So, sabi ko never ko magagaya yung classmate ko kaninang halos ayaw ng pumasok dahil nagaway sila ng bf nya.
2 weeks na akala ko talaga ako na ang sikat na transferee dito pero may dalawang galing rin ng Baguio at Manila. nagkasundo naman kami ni ati at ni koya 😂 solid beshus na ito.
BINABASA MO ANG
An Empty Space (Book I-Semester)
Kort verhaalThis story may have words unsuitable for the young readers. Pero alam ko relate dito ang millenials. Ito ay para sa mga taong nasaktan, umiyak at umiiyak parin. Ito ay para sa mga taong nanlumo at feeling nila na wala ng taong magmamahal sa kanila...