"A deadness occurs in relationship when people are no longer willing to tell each other how they really feel."
-
Marj's POV
Hawak nito ng mahigpit ang aking braso habang kinakaladkad ako papasok ng bahay namin.
"D-Drake..."
"Ano?!" Pabulyaw na sagot niya.
Napapikit pa ako sa lakas ng impact nito sa tenga ko.
"N--Nasasaktan ako. Ano ba?"
Sino ba naman kasing hindi masasaktan? Sa higpit ba naman ng pagkakahawak niya sa braso ko.
"Wala akong pakialam. Bullsh*t." Nagmura pa ito.
"Ano bang magawa kong mali Drake? Bakit galit na galit ka? Wala naman ako alam."
"Walang alam my ass! Punyeta!"
Wala pa sa isang minuto ng buksan nito ang kwarto namin at padabog akong inihagis sa kama. At sa kasamaang palad ay sa dulo ng kama ako tumama.
Sa bangdang likod ako napurahan. Ramdam ko ang sakit. Malakas ang pagkakatama ko doon kaya sigurado ang namumula ito ngayon.
Tinitigan ko ito ng makahulugan. Bakit Drake? B-Bakit?
"Anong ginagawa mo?" Mahina kong tanong. Sapat na para marinig nito.
"Ano sa tingin mo ha?" Sabi nito sabay hawak ng madiin sa panga ko.
"Sinasaktan mo ako..."
"So?"
Para itong demonyo.
Ito ang unang beses na sinaktan ako nito ng physically.
Hindi ko alam kung bakit bigla nalang itong nagsungit kanina.
Dahil daratirati ay hindi ako nito pinagtutuunan ng pansin. Masakit man tanggalin pero oo. Parang walang tao ang kasama nito sa bahay.
Pati kina Manang hindi rin niya ito pinagtutuunan ng pansin.
"A---Ano ba..." Hawak pa rin kasi nito ang kaliwang braso ko.
"Ito naman ang gusto mo diba? Pinagtutuunan ka ng pansin."
"Hindi sa ganun."
"Nakikipaglandian ka sa ex mo. Sinong hindi maiinis ha? Ano nalang ang iisipin ng iba kapag nakita ka ng mga ka business partner ng kompanya ha?"
"Business partner my ass! Baka nakakalimutan mo walang nakakaalam na kasal tayo. Right?"
"Kaya naman pala enjoy na enjoy ka kasama siya kasi alam mong hindi alam ng iba na kasal tayo."
"Totoo naman diba? Kasi yun ang gusto mo, na wala dapat ang may alam."
"Sino ba ang may gusto ng kasal na 'to? Hindi ba't ikaw lang naman? Tsaka, sinabi ko bang dahil sa kasal tayo? Wala naman diba? Masyado mong binibigyan ng meaning ang lahat. Ang assumera mo." Bulyaw nito.
Ang assuming mo kasi masyado Marj. Napatawa ako ng pagak. Oo nga naman.
"Bakit ka tumatawa?"
"Masama ba?"
"Stop insulting me, woman!" Salubong ang makapal nitong kilay.
Hindi ako sumagot.
"All I need to say is, yung anak ng may-ari ng company ayun may kalandian. Anong sasabihin nila sakin as a President ng company niyo ha? Mag-isip ka naman. Wag kang tanga."
"Tanga na kung tanga."
"What did you just say?"
"Tanga na kung tanga. Pero oo na! Nakikipaglandian ako doon sa ex ko." Tinignan niya ako ng masama. "Miss na miss ko na kasi." Dagdag ko pa.
"Satisfied now Drake?"
"No."
"How many times do I need to tell you na, HINDI KO SIYA EX. Tsaka nonsense naman diba kung sasabihin ko pa sayo diba?"
"Did I look like I care?"
"Oh bakit ang sungit mo kanina kung wala kang paki ha?"
"None of your fvcking business!" After saying those words ay umalis na ito sabay balibag sa pinto ng kwarto namin.
Ang ganda sanang isipin na nagseselos siya kaso isa na talaga akong dakilang assumera!
Napapikit ako sa sakit. Ang sakit ng likod ko.
Kinalma ko ang sarili ko. Tatayo na sana ako ng parang hinampas ng dos por dos ang likod ako. Ang sakit talaga. Napaiyak nalang ako. Ito ang unang beses na sinaktan niya ako ng ganun.
Ayaw kong mas lumala pa iyon. At natatakot ako na baka darating ang araw na hindi lang ganito ang aabutin ko sa mga kamay niya.
Gutom na ako pero tiniis ko na lang. Ayoko ng bumaba pa, bukod sa masakit ang likod ko ay pagod pa ako. Busy akong nag-iisip ng maramdaman ko ang pagbigat ng talukap ng mga mata ko.
BINABASA MO ANG
Wife Series #1: Martyr Wife
Storie d'amoreAfter they get married, she become his Martyr Wife. Hindi normal sa isang asawa iyong maiwan na nag-iisa, magigising tuwing umaga na wala na siya sa kaniyang tabi, at 'yung tipong makakatulog na lang siya kakahintay sa kaniya dahil late na kung duma...