Chapter 8: Worry

8 0 5
                                    

Hindi ako nakatulog.

Not a single wink.

Pagkaalis ni kuya at ni Eric, umasa ako na makakarinig ako ng conversation nila pero the only thing I heard was their footsteps. Nung nawala din yun, hindi na ako mapakali. Sinubukan kong matulog pero I just can't help it. Ayaw ng katawan ko na magpahinga hanggang nakikita ko na okay lang si Eric.

Alas cinco na ng madaling araw at hindi pa ako nakatulog. Mamayamaya, may narinig akong taong papunta sa kuwarto ko. I pretended to be asleep in case pumasok siya talaga sa kuwarto ko.

Sure enough, pumasok siya sa kuwarto ko.

"Len? Gising na." Sabi niya. Si mama pala.

"Urrggghhhh." I said, pretending to wake up.

"Len, bakit ang pula ng mga mata mo? Di ka ba natulog ng mabuti?"

"Is it that obvious?" I got up and checked the mirror. Mukha akong natamaan ng jeep.

"Okay lang yan ma. Makakapasok pa naman ako eh."

"I don't doubt that, anak. I'm worried about you. Lately, kase ang bipolar mo. There are days na ang saya saya mo. Tapos kung hindi ka masaya, you're extremely sad and depressed. Ano bang nangyayari? Is there something I should know?"

Should I tell her? Gusti kong sabihin sa kanya ang lahat ng nangyayari sakin, pero I feel like I want to keep it personal.

"Wala naman ma. Okay lang talaga ako. Alam mo naman na kung may kailangan kang malaman, sasabihin ko naman agad sayo. Okay lang talaga ako. Pramis."

"O sige. Basta, kung kailangan mo ng kausap, andito palagi si mama. O sige, dalian mo ng maligo para makakain ka na din."

"Sige ma."

"Si Eric? Susunduin ka ba niya?"

Pagsabi ni mama ng pangalan niya, I had to force myself not to react.

"Uh, hindi ko alam ma. Tawagan mo kaya?"

Sana makausap niya siya. Sana nakuwi siya ng maayos. Hindi ko papatawarin ang sarili ko kung may nangyari sakanya.

"O sige. In the meantine, maligo ka na."

~♡~♡~♡~♡~♡~♡~♡~♡~♡~♡~♡~

"Len? Sabi ng tita Jane mo na nagsleep over daw si Eric sa kaklase niya.. hindi pa siya nakakarinig mula sakanya." Sabi ni mama.

"Ma, puwede po bang tawagan mo nalang yung cellphone niya? Wala na po kase akong load."

"O sige."

*Ring*  *Ring*

"Walang sumasagot nak, eh. Baka ako nalang magdrop sayo. Alanganin na kase. Baka malate ka pa."

"O sige po ma."

And there goes my hope na makakausap ko si Eric.

~♡~♡~♡~♡~♡~♡~♡~♡~♡~♡~♡~

Hala. Ano na gagawin ko? Hindi talaga ako mapakali. Andito na ako sa school pero parang ayaw kong pumasok.

"LEN!" Ay! Si Anthony. Ayaw kong makita niya ako ng ganito! Panget na nga ako, how much more now kase hindi ako nakatulog. Binilisan kong tinakpan ang mukha ko with my hair para hindi niya mahalata how messy I look right now.

The Crushing JourneyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon