Chapter 10: Ferris Wheel

5 0 2
                                    

Alena  POV:

Saying this was the best day of my life  is an understatement. Ilang oras na kami dito, pero hindi parin ako  napapagod. Nagbukas yung perya ng  4  pero by then, nakasakay na ako sa  lahat ng rides dito. It’s around 6 now.

"Uy, hindi ka pa ba napapagod? Upo  muna tayo."  sabi  ni Anthony at  umupo  na  din  kami  sa  isang  bench sa tabi ng  mga food  booths.

"Kung  pagod ka na, puwede naman  na tayong  umuwi. Ayoko naman maging  abala. Baka hinahanap ka na din ng  iba mong kaibigan, or worse, magulang mo."

"Ang  seryoso  mo  naman.  Ayaw  mo  na ba akong kasama? ANG SAKET  NAMAN." he  says  while  clutching his chest.

"At akala ko ako yung OA."

"Joke  lang. Ikaw? Hindi ka ba hahanapin ng magulang mo? Or kuya  mo? Baka patayin ako nun eh." Oo nga pala. Si kuya. Si Eric. Ayy. Ayoko tong  pagisipan. Pumunta  ako  dito  para  makalimot diba? Alena. Wag mong  sirain ang araw mo.

Napansin ni Anthony  na  tumahimik  ako  bigla sa pagbanggit kay  kuya.

"Okay ka lang ba? Kuya mo ba ang  dahilan kung bakit nasasaktan ka  ngayon?  Anong  ginawa niya sayo? Bugbugin ko gusto mo?"

"Alam naman nating dalawa na hindi mo siya kaya. Plus, mas matanda si  kuya sayo."

"Oh, tapos? Hindi naman yun ibig  sabihin na hindi ko siya kaya. Kahit na kuya mo siya, hindi ko to palalampasin, lalo na kung nasasaktan ka dahil sa  kanya."

"Hai nako, Anthony. Ang dami mong  sinasabi." HOY. ALENA. WAG KANG  MAGPAAPEKTO.

"Bakit? Seryoso naman ako eh. Pramis.  Just tell me if ever may taong nanakit  sayo, resbakan  kita." Nanahimik nalang  ako  kasi  wala akong  masabi.

"Okay. Last ride of the night. Ready ka na?" I looked at the Ferris Wheel head  on, and decided to end my night with a  bang. Binigay namin mga ticket namin  kay manong and we hopped on.

Pagdating namin sa harap ng line, hindi ako makapaniwala sa nakikita ko. ANG  LIIT  NG  MGA  UPUAN. As in pang dalawang tao lang talaga to.

Gulp.

"Okay ka lang?" tinanong ako ni Anthony.

"Uh. Yeah. Ahm. Did I ever mention I'm  scared of heights?"

"WHAT?! Seryoso ka? Ikaw nga ang  atat na atat na sumakay dito, tas takot  ka pala?"

"I mean, I wanted to try it kase. It looked really cool to be all the way up  there. I didn't  think..."

"Okay lang yan. Ako bahala sayo. Just  please don't move too much." Sumakay  ako ng ferris wheel kahit na sinisigawan na ako ng utak at ng buong  katawan ko na tumakbo palayo.

Pagupo  ni Anthony, inakbayan niya ako  para  lumapit ako  sakanya.

"Huwag ka  na  matakot. Andito  lang  ako."

Takot na nga ako mahulog ng ferris wheel, sasabay din itong puso kong tanga kay Anthony.

Medyo nailang ako kase hindi ko alam  kung anong gagawin ko. Nilapitan ko  lang siya, pero alam ko hecan tell na  stiff parin ako.

Nung umandar ulit yung  ride at paakyat na kami, I couldn't help  but bury my face in his shoulder and grab onto his shirt. Ganun ako katakot. He  chuckled. 

"Uy, kung hindi ka tumingin, you'll  miss the whole view." He grabbed my  chin so that I was facing him and he  stared at my eyes before breaking out  in a smile. "Ang cute mo pag takot ka."  he said, then started laughing.

Naturally, naging kamatis ulit ako, so I buried my face in his shoulder again.

"Len, look up! Mamimiss mo yung  sunset!"

I looked up quickly. Words can't even describe it. Sa totoo lang, first time ko  makita ng isang sunset. I never really  had time noon para manood ng sunset  or anything like that. Palagi nalang study, eat, sleep, repeat. And it's not  like may taong kukunin lang ako para makita ang sunset.

Parents? Busy.

Kuya? Busy?

Anthony? 

Yes.

I rested my head on Anthony's shoulder  and just enjoyed the view along with his presence. Can my day get anymore  perfect?

"Hey,  Len?"

"Hmm?"

"Salamat ha? For today. Kahit na hindi mo to trip, sinamahan mo parin ako." He said without the usual smirk on his  face. He looks sincere this time.

"Alam mo? If anything, dapat ako nga ang nagpapasalamat sayo. You introduced so many new things to me,  at hindi ko yon ipagpapalit for the  world," sabi ko, with all the sincerity  my heart can muster. You saved me  today Anthony. You really did.

He smiled that heartstopping smile of his. Pumula ulit ako pero I didn't want  to look away.

He started leaning closer to me.

WAIT. ALENA. IS THIS IT?! IS THIS  REALLY  HAPPENING?!

Hindi ako makagalaw. I'm glued to the spot. Palapit ng palapit na si Anthony  and my heart and mind is in conflict. 

ANONG  GAGAWIN  KO?!

When our noses are almost touching, he suddenly pulls away. Hindi parin  ako makagalaw. Hindi ko nga din sure  kung humihinga pa ako eh.

"Sorry. May dumi ka sa buhok mo eh." he said, tas ngumiti lang siya. All I could do was nod.
"AAAAALLLLLEEEENNNNNAAAAAAAAAAA!!!!!!!!!!!!!!"

Huh?! Sino kaya yun? Ang lakas ng boses! Napalingon kaming dalawa ni Anthony at hulaan mo kung sinong  nakita namin?

"Kuya?!"

"BUMABA KAYO DITO  NGAYOOONN DDIIIINNN!!!!"

Oh no.

Haha. Lol. I'm sorry for the hiatus. I suck at writing stories. Here's another chapter. No promises for future updates. I'm actually wondering if I should just discontinue 🤷‍♀️ but maybe I will, maybe I won't. Lol, love you guys.

~Amethyst 💎

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 08, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Crushing JourneyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon