Chapter 9: Tito-Tita?

1 0 0
                                    

"Wow! Anthony, tignan mo oh!"

"First time mo bang pumunta sa perya?"

"Actually, oo. Hindi kase ako masyado lumalabas eh. Kilala mo naman ako. School, sleep, repeat."

"Ahh, kaya pala."

"Uyy, puwede ba tayong sumakay dun?" Tinanong ko, looking at the Ferris Wheel.

"Saan ba? Hindi ko makita."

"Ayun oh!" Sinabi ko, at tinuro ko sakanya yung ride. Habang tinuturo ko sakanya, nasaga ko yung kamay niya. I immediately retracted my hand at natahimik nalang ako. He stared at me in confusion.

"Anyare sayo? Bat bigla kang tumahimik?"

"Ay, hindi. Wala. Okay lang ako."

Sa totoo lang, ang bilis ng tibok ng puso ko, and the butterflies in my stomach are getting too excited. All the blood is rushing to my face. Hindi ko talaga to kaya. I need to get my body under control, pero ang hirap kase katabi ko lang siya at kami lang dalawa.

"Andito na tayo. Tara?"

Sinubukan kong buksan ang pinto ng sasakyan pero ayaw mabuksan.

"Uhh. Anthony? Sira ata yung door handle.. hindi ako makalabas."

"Ah. Ganyan yan minsan. Teka lang."

Umikot siya at binuksan niya yung pintuan ko. Then he held out his hand for me to hold. I took it. Like I will. Every. Single. Time.

Pagbaba ko ng sasakyan, hindi niya ako binitawan. Hinila niya lang ako papunta sa perya. And I gotta say. Holding his hand is seriously one of the best feelings EVER. No contest.

"Anong gusto mong unang gawin?" Tinanong niya ako.

Without any hesitation whatsoever, I screamed "MERRY GO ROUND!"

"Para kang bata 😂"

"Bata naman talaga ako eh kuya! Eh ikaw?"

"Ah! Ganyanan ha?" He said with a mischievous smile on his face and starts to run after me.

Naturally, tumakbo din ako with a smile on my face.

Running makes me feel so alive! Hindi ko maalala kung kelan ko huling naramdaman to. Hays. Sana ganito nalang palagi. Hindi lang palaging nagaalala. Nagaalala kung anong grade ko sa klase. Nagaalala kung babalik ba yung sakit ko. Nagaalala kay kuya, kay mama. Nagaalala...

Kay Eric.

I stopped. I can't believe ngayon ko lang siya naalala. Ano kayang ginawa ni kuya sakanya? I grabbed my phone and I'm about to text kuya nung niyakap ako ni Anthony around my belly from behind.

"Huli ka! Hahahaha! Akala mo makakawala ka sa akin?"

I didn't respond.

"Huy. Okay ka lang? What's wrong? Hey, tignan mo ako. Sinong itetext mo? Huy. Len. Tignan mo ako.

I looked at his eyes as he raised my chin up.

"Huy. Remember what we're here for? Andito tayo para makalimot. Paano ka makakalimot kung palagi mong binabalikan ang problema mo?"

And he was right. Andito ako para makalimot. Andito ako para makasama siya. I shouldn't ruin it.

I want to escape.

Even just for a day.

"Okay."

"Okay?"

"Okay. Kuya."

The Crushing JourneyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon