Few months later...
Lew's POV
Naaawa na ko sa pinsan ko. Yes tama kayo ng nabasa magpinsan kami. Hindi ako kilala ni Dav kasi 5years din akong nawala. Sobrang close kami ni Shov lahat alam ko tungkol sa kanya at ganon din siya sakin. Nagpapasalamat nga siya dahil buti nalang daw di niya ko napakilala kay Dav e. Takot yatang maagawan ko ang lola. I'm his best friend and cousin and I'm gay. Totoo po bakla ako. Kaya nga mas close kami ni Shov e. bukod sa Siya lang ang pinsan ko sa father side (magkapatid yung tatay ko at tatay niya) Siya lang din kasi nakakaintindi sakin.
Kaso bakit ganito siya. Bakit niya kasi ginagawa to sa sarili niya . Hays. She's 4months pregnant now. Malapit na namin malaman kung babae ba o lalaki ang anak niya. Sana babae para mas maisip niyang lumaban. Kakayanin niya yan. Yan pa e napakalakas ng pinsan ko na yun. By the way. I'm on my way sa kanila. And I'm here na.
"SHOV?" Sigaw ko agad pagpasok ko palang. Natumba kasi siya e. Walang malay omy. "Shov wake up. Anong nangyayare?" Dagdag ko pa. "Tita Tito???" Sigaw ko ulit. Ewan ko kung nandito sila e.
"Sir Lew?" Labas ng isang maid. "Mam Shovel" nagulat siya ng makita si Shov.
"Where's Tito and tita? Ah nevermind. Open the door dadalhin ko sa hospital si Shov" nasabi ko nalang.
"Yes sir eto na po. Tatawagan ko nalang po sila mam Anna" saad niya di ko na sinagot at agad na dinala sa kotse ko si Shov at pumunta sa hospital. Pag dating don agad naman siyang inasikaso.
Maya maya pa dumating na sila tita.
"Lew anong nangyare kay Shovel?" Tanong ni tita.
"I don't know tita. Pagpasok ko palang sa inyo nakita ko nalang siyang natumba kaya agad ko siyang dinala dito sa hospital" sagot ko. Nagaalala na naman ako.
"Salamat Lew. Napakalaking tulong mo sa pinsan mo." Saad naman ni Tito.
"Tito no worries alam niyo naman na siya ang isa sa pinaka pinahahalagahan ko e" sagot ko naman. Tumango siya at tinapik ang balikat ko.
Few minutes later.
Ang tagal naman. Lalo akong nagaalala e. Nagulat ako ng biglang bumukas yung pinto ng E.R.
"Doc. Kamusta ang anak ko? Anong nangyare?" Tanong agad ni tita. Di na inantay yung tanong nung doctor.
"She's fine now mam. Fatigue lang siya. Buti naagapan siyang dalhin dito. Kung hindi niyo siya agad naisugod it may cause miscarriage" sagot ng doctor.
"Miscarriage?" Napatanong si tita.
"Yes mam. Buntis po ng anak niyo 4months na." Sagot ng doctor.
"Alam po namin" sagot ko. Tumango ang doctor.
"Bawal sa mga buntis ang sobrang pagiisip. I mean stress bawal yun sa kanya. kelangan lagi siya happy. Dalhin mo siya sa mga lugar na may sariwang hangin. Sa lugar na gusto niyang puntahan. Kung saan siya magiging masaya. She needs to be happy and Healthy for her baby" sagot pa ng doctor. "Ililipat na siya sa Room 119"dagdag pa nito at umalis na.
"Let's go Tita Tito. Don't worry. Ako na bahala sa kanya" saad ko para mejo kumalma si tita. At pumunta na kami sa room ni Shov.
------------------------------
Shovel's POV
Nagising ako ng nasa puting kwarto na naman. Anong nangyare huli kong naalala ay...
Flashback...
Nagising ako ng ansakit sakit ng ulo ko. Siguro sa sobrang dami kong iniisip kaya sumasakit ulo ko. Iniisip ko kasi si Dav. Ilang buwan na din ng huli ko siyang nakita. Sabi naman ni Lew umalis siya nagpunta siguro siya sa parents niya sa states. Wala naman sa plano ko na makipagbreak sa kanya e. Kaso di ko naman inaasahan na mabubuntis ako. Pag hindi ako nakipagbreak agad mas mahihirapan ako. Kamusta na kaya siya. Bumaba ako para uminom ng tubig habang iniisip padin si Dav. Ok lang kaya siya. Kumakain kaya siya ng tama? Sana Di niya pinababayaan sarili niya. Kelangan niya pang alagaan yung dalawa niyang anak e. Kakaisip ko. Nahilo na naman ako. Hanggang sa nagdilim paningin ko.
"SHOV?" huling narinig ko bago nawalan ng malay.
End of Flashback...
"Shov? Buti gising kana kamusta pakiramdam mo?" Tanong ni Lew. Alam ko siya din yung taong tumawag sakin kanina. Nagpapasalamat talaga ako sa baklang to Hays. Ang swerte ko sa kanya. Napatingin ako sa kanya pati kila mommy. Mommy? May naalala ako bigla...
"Yung baby ko? Ok lang ba siya? LEW? Ok ba siya?" Tanong ko kay Lew. Nagaalala ako. Ngumiti siya pero may lungkot e. "Anong nangyare?" Tanong ko.
"Wala the baby is fine shov. Pero Ikaw your not fine at hindi maganda yan para sa baby mo. Please lang calm down" sagot niya. Nakahinga ako ng maluwag.
"Anak. Ingatan mo naman sarili mo para narin sa baby mo please naman oh" singit naman ni dad.
"Opo dad I'm sorry. Mom sorry po. Lew sorry and thankyou" sagot ko. Ngumiti sila. Niyakap ako ni mom. Hinalikan naman ako ni dad sa noo.
"No worries. Lagi mo naman akong maaasahan diba. Pinangako ko yan sayo. Basta makinig lagi ako. Nga pala sa inyo na muna ako titira hanggang sa makapanganak ka. Pinagaalala moko lagi e. Nakausap ko na sila tita. Bakla ka! Di ka nagiingat" natawa ako sa sinabi niya. His a gay pero kung kumilos at magsalita lalaking lalaki kaya nakakatawa pag kumilos siyang bakla.
------------------------------
Lew's POV
Kinausap ko na sila tita na sa bahay na muna ako at ayun tuwang tuwa sila. Alam naman nila tita at mama na gay ako e. Actually alam ng buong pamilya at tanggap nila ako and thanks to Shovel. Isa siya sa dahilan bakit narealize ni papa at natanggap ni papa. Ewan ko dun kung ano pinagsasabi. Nagulat na nga lang ako non na niyakap ako ni papa at sinabi sakin na "Tama si Shovel anak dapat tanggap kita kahit ano kapa. Dahil anak kita. Mahal kita." Naiyak ako nan mga mare grabe hahahahaha. So yun na nga makakalabas na si Shov pero di pa ngayon bukas pa. Ichecheck pa siya e. Kaya dito ako natulog sa hospital. Malolosyang ang beauty ko dahil sa lola niyo e. Jusko. Pasalamat to mahal ko siya.
------------------------------
Ngayon alam niyo na. Na malabong magkagustuhan sina Shovel at Lew hahahahahaha.
BINABASA MO ANG
His TOTGA!
RandomA guy named Dav has a The one that got away. He didn't know why the girl disappeared. He just know he loves his TOTGA so much and didn't notice his girl.