[T.L.S 01 - I am Nastusia]

1.8K 32 2
                                    

"AHHHH!!" sigaw ng lalakeng nasa harap ko at tumakbo palayo.

I just smirk, you can run but you can't hide.

Mabilis ko itong sinundan at nakita ko sya agad sa isang dead end na eskinita kung saan puro pader lang ng mga bahay.

"Parang awa mo na, wag mo ak...." Mabilis akong lumapit sa kanya at hinawakan sa leeg. At sinimulan ko nang higupin ang kaluluwa nya.

Dalawang linggo na kong hindi nakaka kaen ng kaluluwa kaya hindi ako sigurado kung mabubuhay pa sya.

Ilang segundo lang ang naitagal ng pagkuha ko sa kaluluwa nya.

Binitawan ko ito agad, tumumba sya sa lupa. Tinignan ko ito, Sa tingin ko ay nasaid ko ang kaluluwa ng Gwapong Rapist na to. Patay na sya.

Inayos ko lang ang buhok ko at umalis na.

I am Nastusia Walang Apelyido. Hindi ko pa alam kung anong tawag sa sarili ko.. Kung Halimaw ba, Engkanto, O Aswang.

Isa lang ang alam ko, Kailangan ko ang kaluluwa ng tao para mabuhay.

May isa pa kong kakayahan, Yun ay ang mag akit mapa babae man o mapa lalake, hawakan ko lang sila eh kayang kaya ko na silang mapa sunod sa anumang gusto ko.

-

"Rita, Anditona ko." Sigaw ko mula sa pintuan.

"Meow." Sinalubong ako ng Alaga kong pusa na si Claw. Kinuha ko ito at kinarga.

"San kagaling?" Tanong ni Rita. Anak sya ng taong nag palaki at nag aruga saakin.

Trentay otso na si Rita at ako naman ay Isang daan at desyishete anyos, pero ang Pisikal kong anyo ay disyiOtse pa lang. At sa tingin ko ay teenager palang ako.

"Jan lang sa labas, nag pahangin. Kumaen kana?" Nilapag ko si Claw at Umupo sa sofa. Lumapit ng konti sakin si Rita.

"Nas, Isang linggo kana lang dito." Nalungkot ako sa sinabi nya. Birthday ko na kase bukas at 118 yrs old nako.

Yun na ang oras ng pag pasok ko sa Egllocramas Academy.

Ang sabi sakin ni Nanay Rosa (Ina ni Rita)

Isa daw itong Paaralan ng mga katulad ko.

Malalaman ko raw kung ano ba talaga ako pag nag aral ako dito.

"Asan siMikka?" pag iiba ko ng usapan. Ayokong pag usapan ang pag alis ko.

"Nas..." tinignan ko ito at ngumit.

"Hindi pa ba umuuwi siMikka? Labasan na nya diba?" Nakita ko ang pag hinga nya ng malalim.

"Pauwi na sya. Mag pahinga kana." Sabi nya at pumunta na sa kusina. Umakyat ako sa kwarto at naupo sa kama.

The Last SuccubusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon